kambaks

( palakam-baka )

Gulat naman ako sa pagkokak ng mga palaka. Mahihiya ang palahaw ng cows sa lagong ng boses ngayong tag-ulan.

————————

Cellphone lang ang ginamit ko, kaya mahina ang pickup.

Medyo may kalayuan ang palayan sa bandang likuran.

Parang si… 🙄

Lukuyano Frogaroti!

Wag ka makulet! 😕

Tenure yun, hindi baritone.

————————————————————————————————

Fly-catching! Palakang-saging!

Source ► abowman.com

Naibida ko na kung gaano ako ka-sadista nuon sa palaka… Pero alam nyo bang minsan na ring naantig-sa-habag sa kanila ang aking powsong mamon?

————————————————————————————————

First semester, school year 1979-80, yUPi-eLBi

Uber-excited ako sa pagha-hunt ng palakang ooperahan sa aming Biology 2 class. Any kokaks will do: pero dahil mas hitik sa dami at mas madaling hulihin, palakang- bato na rin ang aking naging mapalad na specimen.

Siguro naman, pamilyar kayo sa Bufo marinus? Yun bang malalaki, magaspang, at maitim-itim o brownish-yellowng palaka na umi-IHI pag inaatat mo — taz may nilalabas pang dagtang-lason sa may tenga, pag inatat mo pang lalo?

Ang pagkakatanda kong tawag ng dad ko dito nuong bata pa ako ay “palakang-nazareth” ( baka “palakang nasiret”?) — at dahil naman sa pagkakalimot ko sa word na ‘nazareth’ e “palakang-araneta” ekako sa mga kapwa-bata ko. 😆

Anyways, eto ang step-by-step na ginawa namin sa mga inosenteng palaka, as per instruction ng aming maganda at seemingly harmless na lab instructress:

1.Primero, tusukin daw ng dissecting needle ang cervical spine ng palaka para ma-paralyze ito. Ma-‘tranquilize’ ang nagrehistro sa utak ko…

Tranquilize lang,” I thought… derpor I assumed na after this experiment ay matatauhan magkakamalay din ito. (Ibig sabihin, pakakawalan namin uli)

2.Nung wala nang malay, itinihaya ang palaka at tinusok ng pins ang mga kamay at paa sa dissecting board na may wax o kandila.

Ipinako, as in! 😯 Makatalon pa kaya ang toad pag nipakawalan namin?

3.In-slash ng dissecting knife ang tiyan.

Kung gaano kakapal ang likod ay sya namang nipis ng balat ng kanilang tyan (parang buwaya). Buhay pa nga, eyun at titibok-tibok pa yung heart o…

Teka, nalimutan yata ni ma’m na iyanetisya muna ito?

Mahigit dalawang oras ang mga pobre sa ganung pagkakabayubay habang ine-explain ni ma’m yung about the internal organs…

Antagal naman! Hindi pa ba tatahiin ang tiyan?

Then, finally, bago kami i-dismiss:

4.Dalhin sa third floor at ilagay ang mga palaka sa isang tila-orocan na container. Formalin… sanrekwang kokaks na wala nang buhay ang naghihintay ruon. Animo mga nangagsipaglutangang victims ng lumubog na barko, o kaya yung patung-patong na bangkay na hinolocaust ni Hitler nung World War II.

Luwa ang bituka. Wala nang pag-asang mabuhay ang mga ito.

Haynako, buti na lang hindi ako naging palaka. 😆 Inpeynes, ni-preserved naman para iyasembol ng ibang estudyante ang kanilang mga buto (skeleton).

Holikaw! Mapalad pa ↑ mga kokaks?

————————————————————————————————

I’d still saying:

You ar oll hert-les! You ar oll violen!

Pages: 1 2 3 4

Published in: on 22 August 2012 at 4:58 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2012/08/22/kambaks/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: