keymbak

(kambaks,” pastëns )

Past 8 piyem when we came back home. Mahaba ang byahe promdi haybolsite kaya ihing-ihi ako. Hindi maipagkakaila ang samyo habang tinatanggal ko ang kandado sa banyo. Masansang na ammonia na tila naburo ng mahabang panahong pagkakabilanggo sa loob ng arinola.

“May umihi sa banyo nung wala tayo,” napansin din ng misis ko.

————————————————————————————————

Hindi nyo naitatanong, maliban sa nag-iisang unit sa rooftop, nasa labas ang kanya-kanyang comfort room ng mga paupahang units ng building. Dinisenyo kasi ang gusali as commercial space.

Nakagawian ko nang i-padlock ang pinto ng aming CR sa tuwing aalis kami nang matagal. Sa loob kasi ng mahigit labindalawang taon (12 years) naming pagtira dito, hindi lang miminsan ang narinig kong reklamo ng mga naging kapitbahay ko nuon na nasa 2nd (mezzanine) and 3rd floors — na ginagawang public utility toilet ang CR nila pag sila’y wala. Tinatangay ang mga gamit; pati sabon at shampoo ay di pinatatawad. Nabubuksan maski naka-locked sa loob ang doorknob; kung hindi mabuksan, umiihi kahit sa pintuan.

There is a “second gate” before the stairs leading to 4th floor. Hangga’t maaari, hindi ko ito hinahayaang nakabuyangyang para hindi basta aakyat nang hindi kumakatok o tumatawag ang sinumang taga-labas na kyuryus lang kung ano ang nasa pribadong palapag namin at ng penthouse.

————————————————————————————————

Paluwas ng Manila ang misis ko nang madaling araw kinabukasan kaya in-inform na lang thru text messages ang aming next-door neighbor habang nasa bus sya. Baka lang kasi may napansin silang ibang tao (taga-labas) na umakyat sa 4th floor habang kami’y nasa Baguio, dahil ang pagkakaalam nami’y hindi yata sila umalis over the weekends.

While my wife was still in Angono waiting for the response the next day, I wrote the words on CR’s door just above the floor: “HINDI ITO IHIAN”. Winalis ko ang natuyong isbu sa pinto, pati ang umagos papasok sa sahig. Binuhusan ng tubig-ipinanlaba ang umaalingasaw na doormat na babad din ng ihi…

“May umihi dito habang wala kami,” I sighed to my neighbor… Hindi ko inaasahan ang sagot…

← Kopi-brek. Hindi IHI yan, pramis.

A memori kambaks to my mind [ personal, wag mo na usisain.]

For more of this 4th floor chorvahs, just continue reading…

————————————————————————————————

Para akong sikyo ng building nuong mga UNANG TAON ko dito. Maraming pagkakataong naiiwan akong mag-isa, especially during long holidays.

Pagsapit ng gabi, tinitiyak kong iilang ilaw lang sa hallway ang bukas sa magdamag para hindi sayang ang kuryente; bumabangon ako bago mag-umaga para patayin ang mga ilaw.

Ang “first gate” sa ground floor ay dapat na nakasara during weekends and holidays.

[ Even the stairs & hallways kasi e nagiging “dating place” ng mga magsosyotang hayskuls, at mukhang ginagawang ‘discharging area’ ng ilang binatilyong gumagawa ng “milagro”.😆 ]

Hinikayat din namin ni misis ang mga previous residents dito na mag-ambag-ambag kami para sa padlocks at duplicate keys sa gate. Gumawa ako ng dalawang kopya ng NOTE: isang malaki na ipinaskil sa pader, at isang ismol na idinikit sa mismong kandado.

Hindi ito nagtagal dahil may mga residente o kasambahay silang ilang beses nang nawalan ng susi. Ang malala ay pag may nakakaiwang nakabukas ang padlocks kaya nadedekwat rin ito. Ilang ulit ba kaming bumili at nagpalit ng padlocks at (opkurs) ng mga susi?

So ayun. Akakaumay mangulit ng kaayusan kaya balik sa “kanya-kanyang” ingat na lang.

————————————————————————————————

Three weeks later [ apter da kopibrek ]

Nitong nagdaang Miyerkoles (Aug 29), nagising ako around 4:30 am dahil may nagpipilit na buksan ang gate paakyat sa rooftop, then ang pinto ng 4th floor-neybor ko. Parang may nag-uusap. Nung una, naisip kong mga kapitbahay ko ito, na kararating o kagigising… Bumangon lang ako at nagsimulang kutuban nang maramdaman kong itong pinto ko mismo ang pinipilit na susian.😕

Pagbukas ko ng pinto (without disengaging the chain), wala akong maaninag sa labas pagsilip ko. Pinatay kasi ng kunsinumang intruders na’to ang ilaw sa hallway. Madilim dahil hindi pa nagbubukang-liwayway, taz malabo nga ang mata ko. Sa wari ko’y bumaba ng hagdan nung marinig ang ingay ng deadlock habang binubuksan ko. So, isinara ko ulit ang pinto at bumalik sa kama.

Maya-maya pa, narinig kong may gumagamit ng gripo sa bukas na
banyo nina neybor. Duon siguro nagtago kanina nung sumilip ako? … Nagkala-kalampag sa hallway pagkatapos makibanyo, kaya tinext ni misis ang mga residenteng naruon that morning to alert them… Naisipan ko na ring magsuot ng T-shirt at pantalon (naka-nyort-pantulog lang kasi ako — mainet! … inda Pelepens!).

Nakaalis agad ang di-nagpakilalang bisita dahil papaliwanag na,
pero ginulo ang mga kordon nila sa 4th floor. Iniwan ding bukas ang ilaw at gripo ng ginamit na banyo.

Okey, higa uli sa kama… … …

Araun 7:45 ayem, may narinig kaming sigaw mula sa ibaba:
“Bumaba ka!” — May nagpipilit pumasok sa opisina sa mezzanine, then tumakbo paakyat sa susunod na palapag nung sinaway. Kaso, naharang sya ng mga occupants na nanduon.

Taong-grasa!? No doubt ito ang ‘INTRUDER’… He keymbak!
Para lang palang may kausap kanina — kasi nagsasalitang mag-isa.

Sya dyuminggol sa toilet

three weeks ago?

Weh?😆 Maaari…

Basta hindi ako, ha!?

He kembak ageyn

tu tek a bath distaym!?

🙂

Madaling malaman kung sya nga umihi…

[ palakang saret ] →

Send a urine-sample to NBI

for diyeney-testing!

Baka nga naligo kasi nitangay ang tuwalyang nakasampay ng isang residente sa mezzanine kanina… Pero teka…🙄 kung naligo, bakit mukang taong-grasa pa rin?

Histori returns,

it happens oldataym.

I agree…

Pihong babalik yan para um-ebs naman.

Matino naman daw kausap (tho medyo palaban) at ‘maskulado’ kesa sa ilang kalalakihan dito, ayon sa sikyong nasa ground floor na humabol at nagpaalis sa kanya. Ang teorya ng ilan ay baka daw nagpapanggap lang ito na ‘may-sayad’ — naniniktik, ganun… Malay ba namin kung ano laman ng kanyang beltbag? (Baka may ‘tusok’)

Hu knows? Mahirap iyanderestimeyt ang ganto, lalo na’t gawat ngayon.

If ayem reciden of bilding,

I’d tooking care of big paytööns

I’d makening oilmans as snakes-fud

dows sanamagans!

Hasyuswal, kanya-kanyang ingat na lang

Published in: on 31 August 2012 at 4:39 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2012/08/31/keymbak/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: