taridi

(taklo-taklo,” final! )

Puttle, puttle,

taray if yuken decipfel!

————————————————

Mag-isip kau ng equilateral shapes na

ang bawat gilid (side) ay may konek sa isa’t-isa.

Andali!

Triangle! →

Side A touches B & C; B touches A & C; and

C touches A & B.

Anggaleng!

… anupa?

Meron paba?

Ahm… square? →

Mali!

A touches B & D, but not C; B touches A & C, but not D;

C touches B & D, but not A; and D touches C & A, but not B.

Triangle lang talaga!

Wala na iba!

Meron pa!

Weh…

Ano!?

Think tari-Daymensyunali!

Pakita mo nga, wekwek!

← “4-sided” triangle
— kamon get it!

————————————————————————————————

Dalawa lang daw ang sides ng coin (kara y krus). E ung gilid (minted or not)?

Kuya wEhbun is rayt — if you think only “by twos”, bitin ang perspective mo.

Halimbawa yung kasabihang “dalawa lang ang klase ng tao sa mundo”:

1.isang nanloloko, at

2.isang nagpapaloko.

Parehong “bad” yan! Hindi ba pwede itong pangatlo:

3.isang hindi nanloloko, and at the same time e hindi nagpapaloko?

Wehe…

Biglang kambyo na naman ng tapik ang hombadi!

Think abawt it:

1.Puro nagpapaloko lang ang meron, walang nanloloko —

Kung walang manloloko, hindi mo matatawag na nagpapaloko yung mga ‘madaling lokohin’ kasi wala ngang loloko sa kanila.

2.Puro nanloloko lang ang meron, walang nagpapaloko —

Kung walang nagpapaloko, kahit may manloloko ay wala ring saysay kasi
wala silang maloloko.

3.Kung walang type a-wan (nanloloko) at wala ding type a-tu (nagpapaloko), obyusli lahat e magiging type a-tri na lang!

🙄 😕 Hmp! Maloloko ako sa kaiisplok dyan!

Kung lahat siguro ng tao e MAY KUNSENSYA at hindi “‘aanga-anga”
= ang saya-saya siguro ng mundo.

♫ Ang taya-taya!

Ang taya-taya!

Domestikali spokening poreksampol, kung lahat ng nakaupo sa itaas e hindi kurap (walang kunsensya ang kurap); at ang mga nakahilata sa ibaba e hindi tamad (wala ding kunsensya ang tamad — kung may kunsensya ka, hindi ka hihila-hilata lang dyan), asensado ang Pilipinas. Kung tutuong ‘mayaman’ da Pelepens, hindi na mapipilitang mag-abrod ang mga tatay o nanay para lang mag-werk. Sama-sama ang buong pamilya ngayong pasko.

Pasko…

mangungulila na naman ang mga kabit.

…or ang mga dating asawa na iniwan

in favor of dating kabit.

Korek! Just like the cases of illegal kuneksyuns: kung walang gugustong mangabit, at wala ring papayag na magpakabit (‘aanga-anga o hindi) = wala nang kabit-kabit. Wala nang incomplete family. Wala nang mag-iinang malulungkot tuwing Christmas reunions.

Baka lang dinedma mo yang dalawang daga, ulitin ko yung ini-link nila:

mother & child case #1 → mistress + junakis

mother & child case #2 → ex-wifey + junakis

Olrayt, “Hindi mo kayang baguhin ang mundo!” ekamo; Pero IKAW pwedeng magbago, and you can influence some (Save as many as you can )… But first of all, alin ga tayo sa mga iyan ↑↑↑ — type a-tri, type a-tu, o type a-wan?

Me bigla tuloy ako naisip, kuya —

meron pang pang-apat!

Type a-por?

Anuyun, sangko?

Hindi nanloloko, hindi nagpapaloko,

pero “Wala lang…” jejeje!

4.Wa-pakels?😆

Hongah naman! Koling ka dyan!?

— Pag may nakita kang nanggugulang ng iba, pagsabihan mo;

— pag may nakita kang inuuto ng iba, paalalahanan mo;

especially if you have some authority dahil kahit katiting may itinaas-taas ka naman siguro: perhaps you are a “boss” or much older than the persons concerned? Yeis! Widin yur circle of influence! Diskarte mo na kung papaano.

Wid dat ↑ derpor, pede tayo magdagdag ng isa pa:

5.Hindi nanloloko, hindi nagpapaloko pero may “pakialam” at
malasakit sa kapwa.

Hindi ka na accountable kung ayaw makinig sa sinabi o sinulat mo;
At least, miski konting sundot sa manhid-nilang-kunsensya e nagawa mo.

————————————————————————————————

Limang kyubik powts lang, kasi it was onli 5 yirs egow when I started to blog (2007 Sep 07).

“Teben-teben-teben”* din yan, ↑ o ha?

Tignan mo mamaya yung comment ↓ sa ibaba.

Yes, this is the fifth & final ( taridi = pwede rin 3-Dozen: “12-12-12” )…
Wala nang 13th month.

Ang bunso ko,

meron tartin-manths-pei swildo-bonus.

Published in: Uncategorized on 12 December 2012 at 12:12 pm  Comments (1)  
Tags: , , , , , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2012/12/12/taridi/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. *September ↑ is akshuli the 7th month; “septa-” (prefix) means “seven”… Derpor —
    08-08-08 is 2008 October 08;
    09-09-09, 2009 November 09;
    10-10-10, 2010 December 10;
    11-11-11, 2011 January 11; and
    12-12-12, 2012 February 12.

    Confused ka na ba, chief?
    Tignan mo dito → kalendaryong magulo?

    Deryuar, anader powts abawt times & seasons.
    Play of numbers na rin.
    ————————————————
    Speaking of three dimensions, sabi ni Einstein may “4th” pa.

    Yung coin ↑ na eksampol natin, lima pa nga:
    sa “kara” side may dalawa — height & width (vertical & horizontal diameters);
    sa “krus” side, ganun din, e di apat na?

    + yung gilid = LIMA! (bobo-sa-math logic)

    Pwidi bang akin na lang ang pira?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: