wantutu-wanwantu

Dumito muna kayo, eka ni neybor, sama-sama na nating antayin ang twenty-one!

————————————————————————————————

Hayland kronikol

Bilib ako sa kung paanong harapin ng 54-anyos na si Tata Pedring ang kanyang mga problema: hindi halata… Sisipol-sipol pa yan sa himig ng
“Bakit baga pati ang langit at lupa e sumaklob sa akin?” ♫

😆

Alam nyo bang tatlong beses na syang nasunugan nuon ng pwesto at mga paninda? Sa kabila ng mga pagsubok, nagawa pa rin nilang mag-asawa na ibangon ang kabuhayan at papagtapusin ang mga anak sa pag-aaral… Higit sa lahat, nanatili silang may mabababang-loob (humility), hindi pinagbago ng dinanas na hirap upang maging uber-kuripot at materialistic.

Nakilala ko si neybor nito lang January 2011: medyo wary pa ako nung una syang bumati (akala ko’y lasing) — ito’y dahil na rin (partly) sa negative feedbacks (not about him, though) ng ilang taong mas nauna kong nakasalamuha… Here’s one of the very rare cases where I failed(?) re ‘first impressions’.

“Huwag muna kayong umuwi, dito na kayo hanggang pasko,”
ang malimit nyang sabihin sa tuwing magpapaalam kami para lumusong pabalik sa kapatagan… Nitong huling ahon namin (last week) — na nagkataon namang more than two weeks na syang di nakapagbubukas ng inuupahang pwesto sa Trinidad dahil sa muling pagsumpong at pamamaga ng kaliwang binti at paa — ang kanyang may-halong-birong mga ibinibida ay umikot sa “21”.

May alaga silang anim na ibon. Primero, namatay sa sakit yung lima… Kwento ni neybor:

“ Nagpakamatay yung natira, di na lumabas ng bahay —
natakot hintaying mag-isa ang December 21.”

Naglagay ako ng grills sa mga siwang ng kubol para di pasukin ng ahas at daga.tu Pagkatapos, naghatak ng mga tuyong dahon ng sagingwan para medyo umaliwalas ang Haybolsite… Namulot si neybor ng mga natanggal na talbos at bubot na bunga ng sayote para ipakain sa kanyang mga alagang manok… Tanong sa’kin ni neybor:

“ Napanuod nyo ba yung sa Compostela? Padating na nga ang delubyo.”

Sa puntong iyon — mula sa itaas ng mango tree, bumagsak sa pagitan namin ang isang pagkalaki-laking sayote! 😯 … … … 😆

Nailipat ko ang ilang punla ng kape na matagal na nyang iniaalok sa akin — sa Creek pt at Ulbog pt.tu
Nagbigay rin sya ng isang-dangkal na seedlings ng citrus na itinanim ko naman sa Kubol pt.wan … Pahabol ni neybor:

“ Mapakinabangan man lang ng mga ‘susunod na tao’ ang bunga. 😀
Eka siguro nila: ‘Sino kaya ang nagtanim nito?’”

“ Tignan mo nga naman, ano Robert — may mga taong walang magawa nung unang panahon, isinulat laang ang pangalan sa bato e ngayo’y bayani na?” 😆

Nagwalis sa kubol roof ng nalagas na mga dahon ng pine trees at ipil-ipil.tu

Nagtabas ng marapaitwan malapit sa Eucalyptus pt
hindi ko natapos, pagbalik na lang.

Kelangan munang bumaba uli (Dec 17)… Sayang, types sana namin ni misis na sa Baguio magpasko — lalu pa’t may mga kapatiran kaming may sasakyan na paakyat sa Dec 21 para duon magkrismas-bakasyon… Eniweys, nangako ako kay neybor na babalik para duon mag-new year.

Opkurs naman,

magkikita pa kami after today, December 21.

————————————————————————————————

wan-tu sa patag? ( PAGE 1 )

Pages: 1 2

Published in: on 21 December 2012 at 12:21 am  Comments (1)  
Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2012/12/21/wantutu-wanwantu/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. In-screen shot ko nung Dec 21 para ipakita ang
    placement sa langit ng wandering dyolens (449-minute interval
    → 9:48 ng umaga at 5:17 ng hapon)
    . Click mo para lumaki,
    taz baybayin mo ang ecliptic (yung red broken lines).

    Scattered ang planets, derpor, walang “alignment”. 😆
    Kung meron, this might be the case: naka-eclipse sa araw ang INNER planets (Mercury & Venus); while ‘magkakapatong’ o ‘magkakadikit’ na nasa constellation Gemini on the opposite side ang OUTER planets (Mars, Jupiter, Saturn, Uranus, Neptune & Pluto).
    Hindi pa visible sa map ang Gemini dahil napaaga ang pag-screen shot ko dyan sa pangalawa (This is also the reason why visible pa rin sa second map ang SUN at ang Mars; dapat 9:48 ng gabi para 12-hour interval, kaso sarado na ang internet shops)… Pero ang sinundan nitong constellation Taurus ay partly visible with its brightest star Aldebaran (bull’s eye) kung saan ang naroon lang that day ay ang planetang Jupiter.
    ————————————————
    Sa malayong likuran, sa paglubog ng araw ng pinakamaiksing daytime ng 2012 (ilang minuto bago ako pumasok ng shop para mag-internet):

    Napagtripan kong syatan, wehe, distaym ang likod ng building naman (nakatalikod ako sa kanluran).
    Arrow → bintana ng 4th floor.
    Ageyn, sa di makaisplok kumbakit pinag-aaksayahan ko ng panahon ang mga ganireng
    bagay: Wala lang… 😆

    Natural observer ako

    — HINDI occult-practicer.

    ————————————————
    TRIVIA: Alam nyo bang may kinalaman yang winter solstice kumbakit naging “holiday” ang birthday (daw) ni Jesus Christ?
    WateberMaligayang pasko sa inyong lahat!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: