ganggam

Eka nung isang bata: “Bakit ang langgam, hindi natutulog?”

Akala ko gangnam.

Langgam pala!

Totoo kayang DI natutulog ang Ants?🙄

Sinipat ko: Wala nga akong makitang nakapikit sa kanila; at mapa-araw o mapa-gabi, walang-tigil ang flow ng kanilang trapik sa wall ng aming bahay.

Sila-sila din kaya yan, amo?

Magkakamuka kasi mga goyams.

Sapul pagkabata, nahubog na yata akong parang langgam — hindi ang araw-at-gabing pagpupuyat nila, kundi yung apparent ‘restlessness’ — not only tu work but also to save porda pyotyor. Kung hindi ka elibs sa sinasabi ng Bible, siguro naman narinig mo na ang Pinoy-istori ng Langgam at Tipaklong?

Kung yang si Langgam ay seryosong nag-iipon, itong si Tipaklong ay masayang naglilibang sa buong maghapon. Patalon-talon at pakain-kain ang tipaklong, di tulad ng langgam na bukod sa kumakain ay may imbakan ng fud for da wet season… Porsyur, ‘natutulog’ ang tipaklong. May nakita ka na bang Grasshoppers na pa-hop-hop from one grass to another sa gabi?

Masigasig ding trumabaho ang misis ko: masipag na parang langgam at masayang tulad ng tipaklong; pero kung tungkol sa seryosong pag-iIPON, mas nakalalamang yata ang pagkatipaklong.😀

————————————————————————————————

IKAW na nagbabasa: Marunong ka bang mag-save? Maraming paraan, pero ito’y pinakasimpleng halimbawa ko lang. Kahit sino siguro, yakang-yaka ito:

— Pag kumita ka ng isang milyon, i-save mo ang isandaang libo. (100,000 out of 1,000,000)

— Pag kumita ka ng isandaang libo, i-save mo ang sampung libo. (10,000/100,000)

— Pag kumita ka ng sampung libo, i-save mo ang isang libo. (1,000/10,000)

— Pag kumita ka ng isang libo, i-save mo ang isandaan. (100/1,000)

— Pag kumita ka ng isandaan, i-save mo ang sampung piso. (10/100)

— Pag kumita ka ng sampung piso, i-save mo ang piso. (1/10)

— Pag kumita ka ng piso, i-save mo ang diyes sentimos. (.10/1)

Yeis, hindi na napakaambisyoso nyan. Napakalenient na nga para hindi mo parating sinasabing “Kulang eh!

[ We’re not talking about tithes & offerings, ha? Of course bukod pa yun.]

————————————————————————————————

Si misis, may tendencyng gumastos ng isandaan pag meron syang isandaan; pag may isang libo, isang libo din. Pag may sampung libo, sampung libo din. (Wehe, itong 10K ay hindi naman isang gastusan lang; at ito’y matagal na panahon na, nuong meron pa kaming krismas bonus at tartin-mant pey.)

“Ano namang mabibili mo ngayon sa 100 pesos?” hirit ni misis.

“Atchows!” eka ko. “Knows naman nating pareho na mura paninda dito sa Nueva Ecija. Saka sabi mo magaling kang tumawad?”

“We’no ngaun kung magaling akong tumawad?”

“Poreksampol: natawaran mo ng 90 pesos yung nabili mong isandaan… Di ihulog mo sa alkansya yung 10 pesos, o ha?”

“Di pede — pambili ko yun ng manî!😀 Nakikihati ka rin naman sakin pag bumibili ako ng manî, o ha?”

“Weh…”🙄

Nakakapaghulog din naman sya ng pa-sampu-sampu sa aming alkansya. Kaso, minsan ‘bitin’ ang sampung-pisong manî — kaya susungkit sya ng 10 pesos promdi alkansya at idagdag yun sa 10 pesos na naitawad nya sa isandaang paninda, para makabili ng BENTE-PESOS na manî.😆

————————————————————————————————

Kung sakaling meron kaming isandaang libo, makapag-SAVE kaya kami ng sampung libo? Malamang. But so far, in or out of employment, hindi pa kami sumusweldo o kumikita nang minsanan ng 100,000 pesos.

Kung sakaling tatama kami ng kahit 1 million sa lotto!? Well, by all means, dapat makumbinse ko si misis na magsave ng 100,000 pesos; Or else nakakadyahing matawag kaming “one-day millionaire”.😆 Ang siste, malabong mangyari ito dahil NEVER kaming tataya sa loto.

————————————————————————————————

Parang walang kapanga-pangamba ang misis ko sa kanyang future. I can’t imagine how she keep on telling her clients to save, pero sya mismo wala yatang hilig na mag-save. And I mean hindi lang ngayon (na di regular ang kinikita namin pareho) — maski nuong magkasama pa kami bilang empleyado ay kelangan ko syang parating paalalahanan na kumubra ng malaki-laki sa sweldo ko’t sweldo nya para ilagay sa aming joint account.

————————————————————————————————

Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own.” (Matthew 6:34)

————————————————————————————————

Malimit ko nuong ipaalala sa kanya: “Ikaw din… hindi ka kaparis ng ilang nanay na kahit hindi nagtatarbaho o nagse-save (dahil may pinag-aaral, inpeyrnes naman duon sa iba), kapag matanda’t mahina na ay may mga anak at apo na magsusustento.” (I’m saying this just in case na ‘maiwan’ ko sya nang maaga.)

————————————————————————————————

Even to your old age and gray hairs I am he, I am he who will sustain you. I have made you and I will carry you; I will sustain you and I will rescue you.” (Isaiah 46:4)

————————————————————————————————

Habang kami’y nagkakaidad, unti-unti yata akong ‘nahahawaan’ ng kanyang pagkatipaklong.😆 At least “balanse” na rin ako, o ha? Kunsabagay, kung magastos(?) man sya e hindi naman nya sinosolo (Kita nyo nga, hinahatian nya ako ng manî). Atsaka di bale nang magastos, basta hindi maaksaya.

Maraming nabeBLESS sa misis ko even outside her former home, and our former employment; at mas lalong marami ngayong wala na kami ruon. Mga musmos na bata, kabataan at matatanda (dalaga man o may asawa), mga nanay na byuda — gusto syang kausap at kasa-kasama… “Mamaya ka na umalis…” “Dito ka na lang kumain…” “Bukas ka na umuwi, sa’min ka na lang matulog.”

Tita Tüy ko abait: pataway a bata, akikinig.

Deplett a dalaga, angingiti; elqyung madjowa, ababati.

Cly-cly na nanay, atatawa; alungkot na atanda, atataya!

Si Tita Tüy, bow!

Opkurs, because of her down-to-earthness & modest simplicity, hindi mawawala ang mga nagtataas ng kilay (altho very rare, HINDI LANG AWARE ang misis ko sa kanila😆 ) at asahan mong ang mga taong iyon, kahit pa matatalino — eheste, “uber-edukated” pala — at magaganda glamorista o mayayaman maseselan ay maraming insecurities sa buhay… Sige lang,🙂 isnabin nyo ang misis ko — kayo din ang magi-guilty nyan.

My wife is a public person (social, hindi “tututyal-tutyal”). Karaniwan, pag madatung ka, marami kang prends & relatibs — hindi lang sa fezbuk… Ang misis ko, hindi naman “mayaman”, pero maraming kakilala’t nagmamahal na mga kaibigan.

“Langgam” din naman ang misis ko

ibang yaman nga lang ang mas inclined syang i-save.

But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well.” (Matthew 6:33)

————————————————————————————————

Ensyord ( go to PAGE 2 )

Pages: 1 2

Published in: on 3 February 2013 at 6:41 pm  Comments (1)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2013/02/03/ganggam-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. Hau’s da goiams?
    10 Reasons You’re Not Rich Yet
    Na-browse ko ito ↑ sa Play Newsstand sa tablet, taz pinakita ko kay misis… I-share ko daw sa fb nya.

    Yoko nga, dami hindi kami kilala dun.😯

    Sabi ko sya na lang maglink.

    BTW, relevant sa ‘work’ ni misis iyang topic kaya types nya i-post sa timeline nya.😉
    ————————————————

    On 18 April 2015 at 9:00 ayem HomBangkrapHabi appended:

    Eto pa isa, baka me maiyinsayts kayo:
    6 Habits That Will Keep You Poor
    For The Rest Of Your Life


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: