ganggam

January 1998 nung maisipan ng aking asawa na kumuha ng personal life insurance: siya ang policy owner (insured) at ako ang beneficiary. Wala kaming insurance til that time, except GSIS, na yung kanya e hindi na naayos nung magresigned sya, July 1997.

Nagkataong may nag-aalok from Mün-Dié Ensyorans kaya kinumbinse ako ng misis ko tungkol dito na ang kanyang plano pala ay makapag-ipon mula sa aking sweldo at sa kita ng aming shop; Then, after 10 years ay kukunin yun para maipanggawa ng bahay sa loteng less than one year ko pa lang hinuhulugan sa Pag-IBIG nuon.

See? 😉

Nae-encourage ko rin syang mag-save!

“Okey,” ekako, “pero hindi kaya mas maganda kung ako na lang ang policy-holder? Mas kelangang may maiwan sayo in case na machugi ako. Aanhin ko ang pera kung mauuna kang mawala?” 😦 ( naks! 😳 )

————————————————————————————————

DEAR READERS: Insurance ang ating pinag-uusapan, so I suppose I don’t sound morbid kung magsalita man ako about “death” kahit hindi undas ngayon.

————————————————————————————————

So ganun nga ang nangyari. Pina-adjust ko ang PLAN nung application nyang hindi pa naisasubmit (dated 03 Feb 1998) at pinag-swapped namin ang mga pangalan: ako na ang insured at sya ang beneficiary. Yun ang dahilan kumbakit tuwing darating ang anniversary notice ng aking insurance ay berdey nya… Yes, birthday ng misis ko ngayon — February 03!

Eto ang benefits, payable by Mün-Dié Ensyorans:

Php SIK,RET.!! on death of life insured

Php SEM,AMT.!! if death occurs before Feb 03, 2032 from an accident

They will pay premiums during total disability beginning before Feb 03, 2012

Dasrayt — maliit na lang yan kung ibabase sa value ng piso ngayon. Eto naman ang premiums, payable by the policy owner (ako):

Php x,xxx.xx due Feb 03, 1998 and QUARTERLY thereafter while life insured lives.

A grace period of 31 days is allowed to pay each premium.

I’ll pay as long as I live! 🙄 Napakadali nito nung nasa PhilRice pa ako (ageyn, huwag na you manggatong, grrr!!! 😆 ) … It’s quite too late to realize na maling plan ang aking nakuha, considering na plano kong magresign in 2002 2000. Nung empleyado pa kasi ako, kahit nagsesave ako sa bangko ay wala akong time na mag-isip nang malinaw about insurance: approved without thinking ang nangyari, kumbaga. And, unfortunately, di pa namin kilala nuon ang companyng mapapasukan pala ng misis ko, eight years later.

Naging irregular ang pagbabayad ko ng premium sa Mün-Dié: syempre nagkakainterest yung hindi ko pagbabayad on time, at lalabas na parang ni-loan ko yun sa company — as in UTANG ko sa kanila na kelangan kong bayaran. Ang Haybolsite na mas mataas nang halos doble ang regular na bayad (Php 2,557 monthly) ay nagawa kong walang-delay-delay na nabayaran at natapos sa loob ng limang taon lang (2002).

————————————————————————————————

Katenpeys-seryus: The ANT Philosophy

Ants never quit.

Ants think winter all summer.

Ants think summer all winter.

How much will an ant gather during the summer to prepare for the winter?

All that he possibly can.

————————————————————————————————

October 2006, naisipan ni misis na mag-exam para mag-qualify as agent sa Pyur-Laéf (kakumpitensya ng insurance ko). Nakapasa! 😀 Isang requirement ay makapagpasok sya ng maski isang tao lang na magpapainsured.

“Sarili ko na lang muna ang ipapainsured ko,” eka nya sa akin… Bakit hindi? sa isip-isip ko, pero syempre kelangan nyang magbayad ng initial na premium. Nag-loan kami ng 40,000 pesos sa Mün-Dié Ensyorans (60,000 lang nuon ang maximum na pede kong “hiramin” — dasrayt, hihiramin ko ang sariling perang inipon ko at pinatago sa kanila, buset!) 😆 … Sa madaling kwento, dahil hindi rin naisoli itong 40K na hiniram, DUMAGDAG lang ito (+ interest ng pag-loan dito) sa hindi namin mairegular na pagbabayad ng premium (+ interest ng delayed premiums). Lalong lumaki! 😯 ang dapat kong bayaran! Wehe, walang magagawa, ganun ang nipirmahan kong policy agreement with Mün-Dié.

Sayang, amo:

10 yirs tu pey lang dapat kinuha mo.

Hongah!

Kahit kayo ang ensyord, sana di nyo na nipaadjust yung ↑ plan.

IN FORCE pa naman ang aking policy kahit umabot na sa ~Php 100,000 ang aking dapat na “ibalik” — Paunti nga lang nang paunti ang pwedeng makubra ni misis (iaawas yang ~100K) in case na machugi ako… I’m hoping na kahit hindi namin maibalik nang buo e maituloy pa rin ito kahit padyutay-dyutay pag nakabawi-bawi kami.

Mas mura yang insurance ni misis (kaya syempre mas ismol ang benefit: ¼ lang nung sa akin). Five Seven years lang na babayaran, at ang premium ay otomatik na iniaawas sa komisyon nya as an underwriter. Naging seven yung 5 years kasi may mga times na wala ring production ang misis ko (Yeis! Kahit pa pa-pikyur-pikyur sila sa Shangrila or wherever).

May personal insurance na rin ang misis ko…

Naisahan ako? 😀

————————————————————————————————

Bukod sa pag-e-agent, andami nang kinering networking products ang misis ko na hindi naman tutuong kumita (kasi puro umpisa 😆 ) … Yung ibang tao pa — pinagkakakitaan sya thru connections & overrides (palibhasa ma-PR ang misis ko). Oo na, we’re talking about business here; pero salamat sa mas nakararaming gusto syang kasama nang hindi naman after lang sa materyal na “grasyang” naibabahagi ng misis ko sa kanila.

————————————————————————————————

Mukhang FOCUS na si misis dito sa kanyang pinagkakaabalahan ngayon. Paalala ko lang, huwag nyang inaapura ang mga kausap para makabenta lang (“Syempre naman,” eka sa akin… Ipinaliliwanag nya nang husto.)
Ewan ko lang kung hanggang kelan nya makakayang makipagkulitan sa mga nagpapalagay na “lack of faith” (daw) ang pagkuha ng insurance. May syur na palabigasan ang mga yun — angkan-angkan pa sila, o ha?

Wehe…

Kung ayaw nila ay di huwag nila.

Once again, READERS: Do not take Matthew 6:25-34 so uber-legastikali, hane? Mensahe iyon para sa mga mahilig mag-WORRY… Bukod sa isinampol Nyang langgam, sinasabi din naman ng Panginoon na accountable tayo sa stewardship ng biyayang ipinagkakaloob Nya. I’m not saying naman na pag nagsave ka ay itatago mo lang: kung gusto mong ipuhunan para lumago ay diskarte mo na. The kwestyun is: “Magaling ka bang mamuhunan?” O puro “panimula” lang?

Dapat balanse lang, kapatid — masama ang maging materyoso, pero hindi rin naman mabuti ang maging bulagsak.

Advisable ang pagkuha ng insurance: mas kumikita ang savings dito kaysa sa banko, at the same time, naka-insured pa kayo… Kwidaw nga lang sa mga salestalker na very “sweet” at uber-kulit sa pagmamadali senyo na ang habol e makabenta lang.

Yes, kung nagpaplano kayong kumuha, pag-ISIPAN at ipag-PRAY nyo muna. 😉

Pages: 1 2

Published in: on 3 February 2013 at 6:41 pm  Comments (1)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2013/02/03/ganggam-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. Hau’s da goiams?
    10 Reasons You’re Not Rich Yet
    Na-browse ko ito ↑ sa Play Newsstand sa tablet, taz pinakita ko kay misis… I-share ko daw sa fb nya.

    Yoko nga, dami hindi kami kilala dun. 😯

    Sabi ko sya na lang maglink.

    BTW, relevant sa ‘work’ ni misis iyang topic kaya types nya i-post sa timeline nya. 😉
    ————————————————

    On 18 April 2015 at 9:00 ayem HomBangkrapHabi appended:

    Eto pa isa, baka me maiyinsayts kayo:
    6 Habits That Will Keep You Poor
    For The Rest Of Your Life


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: