tutang

“Et…! Et…!”
Napaunat ako sa pagkakadukdok sa aking dinodrowing. Sumilip ako sa jalousies, sa gawing likurang labas ng building. Sa isang munting punong nakausli sa gitna ng mga santan, nakapulupot ang berdeng-kureytur na ilang araw ko nang inaabangan.

Prag…ek!

Olrayt sa rhyming.

“Et…! Et…!” pagibik uli nung sagpang na banana-kokak.

Ibinuhos ko’ng lahat ng laman ng aking pasiking at hangos na binitbit ang sisidlan patungo sa main lobby, palabas sa front entrance. Nasalubong ko ang sikyong si Mang Tanting na akmang papasok para puntahan sana ako sa loob:

“Nandun uli!” eka sa akin.

Kasunod ko syang binaybay ang gilid ng gusali pabalik sa likod, pero tumigil sya prom a safe distans.😆 Gamit ang fatigue kong field jacket, dinakma ko sa ulo ang AHAS. Ahehe, hindi ako napansin agad, kasi may palaka sa bunganga.

Sekun-half of 1987 pa ito (a month or two after the above ↑ pikyur), PhilRice Los Baños. Kakaunti pa lang kami nuon, at nagkataong wala ang aming big bosses. Sari-sari ang naging reaksyon ng aking mga kaopisina:

“Ang galing naman!”😀 … “Kadiri ka!”😕 … “That’s dangerous.”😐 …
Yung isa, tinawag pa akong “Zuma”.😆

[ Zuma — lumang karakter sa komiks, kalbong Aztec na may 2-headed sawang nakadikit sa batok.
Hindi pa kilala nuon ang nagdyodyolens na palakang pyuter games ngayon.]

Bago umuwi ng Calamba, ipinagbilin ko muna kay Mang Tanting ang pasiking kung saan naroon ang ahas. Walang pasok kinabukasan, kaya gumawa ako sa bahay ng rush na kulungan. Hindi ko na maalala kung gaano ko katagal ginawa ang serpentarium (which means, ganuon din ang itinagal ng ahas sa loob ng pasiking) basta’t ang natatandaan ko’y wala ring pasok nung dinala ko sa opisina ang natapos na kulungan (extended holidays siguro?) … Sumisingasing pa ang ahas nung inilipat ko.

Hindi ito ang aking una’t huling isnek-hunting,
naibida ko lang… O, hindi ba tu-ten ngayon? February 10 — Chinese year of the SNAKE.

————————————————————————————————

Por mor isneyk-storis, punta ka na lang sa page 2

— in case na di mo pa rin ma-gets ang “tutang” na taytol ko.

mor tutangs ( PAGE 2 )

Pages: 1 2

Published in: on 10 February 2013 at 6:45 pm  Leave a Comment  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2013/02/10/tutang/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: