tsu-ley

In Englesh, sarkumsaysyun;

in Germaine, slicenutën, slicen∙ur∙dïch;

in Japonees, pugot-ulo! (dyok lang)

Joliwik powts → ( 20082009201020112012 )
Kahit maiksi o cut-&-paste lang e hindi pumapalyang me good-Friday at easter-Sunday, pero ang blak-Sabbath ay nung umpisa lang nagkameron. Bukod kasi sa ito ang alam kong panahon kung kelan nagpapa-“binyag” ang mga tutoy upang maging ganap na binatoy, wala na akong ibang maisip na pedeng sabihin tuwing Sabado ng mahal na araw.

Dasrayt, wala na akong ‘malalim-lalim’ na alam na pedeng i-share re that span of time between the Lord’s death & resurrection — ahe, hindi nga ako pari o ministro.

Hindi ka rin daw ubrang pastor, amo —

bawal ang green jokes at toilet humor.

Babawi ako disyir: wala munang Byernes santo saka Domingo de paskuwa… Yeis, Sabado lang — at ang ating paksa:🙄 “tuli” ule.

————————————————————————————————

Paano nga kaya naging potol-dey ang Sabado de Gloria?

Tumatapat ang holy week sa bakasyon at tag-init — ang mahaba at hot na panahon ay obyusli olrayt na olrayt para gumaling agad ang sugat — pero bakit karaniwang itinataon sa Sabado? I doubt na ang mga Kastilaloy na nagdala ng ‘christianity’ sa Pilipinas ang nagpauso ng tuli dito; kase kung sila, bakit parang banyaga sa mga kaklase kong Spanish-american (mga katoliko din) ang pagpapatuli?

Palagay ko (asume ko lang ha?) taal na sa ilan sa ating mga Pinoy ang pagpapatuli. Bago pa dumating si Magellan, marami nang (Malay-race) muslim dito. Ang mga unang muslim (Arabo), tulad ng mga Hudyo, ay galing sa lipi ni Abraham. Sa pagkakaalam ko, ang mga muslim (kahit hindi na Arabo), tulad ng mga Hudyo, ay uber-faithful hanggang ngayon sa covenant na ito.

Ageyn, paano naging tuwing Sabado de Gloria? Palagay ko lang ule ito ha:

Di ba may sinasabi ang mga matatanda na pag nagkasugat during the holiweek ay hindi ito gagaling hangga’t “patay ang Diyos”? Siguro dahil kinabukasan ay Linggo ng Pagkabuhay, okey lang na magkasugat ng Sabado tutal isang araw na lang naman. Kumbaga, ang pagtutuli na matagal nang ginagawa dito ay itinapat na lang kalaunan sa Sabado ng mahal na araw.

————————————————————————————————

Huwag basta eelibs ↑ wala din akong gaanong a-lam diy-an. Mangyare, nung magkolehiyo (tuli na ako) e nawalan na ako ng interes magreserts tungkol diyan… Anyways, para sulit itong post, ibahagi ko na rin senyo itong aking konting nalalaman. Baka MALASWAAN ka, huwag mo nang ituloy ang pagbabasa.

Ekyusmi po, I have to sey the saktong werds.

“Koprolalik” ka dyan!?

Nung bata pa ako, pag sinabi ng isang totoy na gusto na nyang magpatuli, ang malimit na hamon sa kanya ng mga kalaro ay “Tagpos ka na ba?” … Anuba yung “tagpos”?

Kung titignan mo ang pututoy ng isang batang hindi pa nagpapatuli, mapapansin mong ang ulo (GLANS, the spongy tissue) ng kanyang ismol na birdie (PENIS) ay nakatago sa loob ng balat (“hood” or FORESKIN). Ang tutuo, walang ipinagkaiba dito ang itsura ng flaccid organ ng kahit sinong lalaking matanda na e supot* pa — maliban sa size, opkurs.

____________________

*Supot = hindi tuli

Sa isang batang below puberty age, ang loob ng foreskin ay nakadikit sa penis glans, at masakit kung pipiliting tanggalin ang pagkakadikit na ito. Habang nagbibinatilyo, ito ay madali o kusang natatanggal. “Tagpos na” kung tawagin yung pag ni-rolled back o hinila mo along the SHAFT of the penis ang foreskin ay lilitaw hanggang ‘leeg’ ng ari ang buong ulo nito.

Yes, iro-roll back — sa bulgar na pananalita ay “ibuburat” — at kayang magrolbak nang kusa nyan pag si manoy ay “galit” o erected. That is why ang ang isang supot ay ubrang makapamekeng sya’y tuli — kung ikaw na pakikitaan ay hindi pamilyar sa male anatomy at circumcision.

Uhm girls, take note! ↑

Baka lang DI yu tayps makapag-jowa ng → ayaw magpatuli.

Ahehe, hindi ako nanlalait ng hindi tuli, ha? Paalala lang ito sa ilang Pinay (pati na rin sa kamag-anak nyang tulad nya) na komo nakapag-asawa ng “may lahi” e akala’y napaka-superior na nila kaysa sa ibang kababayan!😕 Ano bang akala mo sa sarili mo — aso?

Huwag kang ‘anyan, ineng: Bawat isa ay may kapintasan sa mata ng iba. Yeis! Kahit pa ba hindi supot yang Porendyer na jowa mo.

————————————————————————————————

Maaaring tuliin ang isang batang lalaki pagkapanganak dahil madali syang tagpusin. Sa Abrahamic covenant, ito’y ginagawa on the 8th day after the boy’s birth.

May nagsasabi na bumabalik daw ang pagkasupot pag tinuli nang sanggol pa. Hindi tutuo ito. Paanong babalik ang tinanggal na foreskin gayong hindi naman pwedeng tumubo ulit ito? Baka hindi lang sagad ang pagkakagupit?

Gayunman, palagay ko’y iba pa rin yung tinuli nang malaki na dahil unique experience din ito para sa aming mga boys.

May naririnig ka sigurong “Pinoy cut” at “German cut” — honestly di malinaw sa akin ito, i-research mo na lang, tinatamad ako eh.

Palagay ko, itong sinasabing german style of circumcision (kung meron man) ay hindi Aleman ang nagpauso, dahil karaniwan sa kanila ang hindi tuli. Hindi nga ba’t nanggagalaiti ang tulad ni Adult Hitlahr sa mga tuli? Malamang tinawag lang na german cut kasi korteng helmet ng sundalong Nazi ang ulo ng ari ng lalaki.

Yang Pinoy cut, hindi kaya ito yung “lukaw” na tinatawag?

————————————————————————————————

Ang lukaw ay isang paraan ng pagtutuli na kayang gawin ng isang barbero gamit ang kanyang labaha. Walang anesthesia anesthetic. Mas mainam na maligo muna bago magpatuli para malinis ang ari. Me mga bata ngang magbababad pa sa ilog para maging tender ang balat.

1.Uupo ang tutuliin (empre walang salawal) kaharap ang magtutuli sa isang bangko. Pangunguyain sya ng dahon ng bayabas.🙄 Huwag mong lulunukin!

2.Ia-align sa dulo ng penis nya ang isang kaprasong tila sanga (anunangabang tawag duon?) taz uunatin ang foreskin pasaklob sa ibabaw ng sanga, at itatapat pahalang duon ang talim ng labaha.😯

3.Finally, pupukpukin ng kahoy yung labaha: matatagpas ang foreskin.😥 … Congrats, binata ka na!

Pede mong hingin ang balat para

gawing chicharon souvenir.

Donk wori: hindi mangyayaring mapuputol ang mismong ari dahil hindi naman duon nakatapat yung labaha kundi duon sa nakaunat na foreskin lang. Pero para sigurado, huwag kang malikot pag tinutuli ka!😆 Yung mga kasong nabungi ang labaha dahil makunat na ang balat ng nagpatuli (matanda na) ay sa pelikula lang nangyayari… Baket? Si superman ka ba?

Itatapal sa sugat ang nginuyang dahon ng bayabas, taz babalutan ng malinis na tela o gasa na kung tawagin ay “baru-baruan”. Empre hindi dapat matakpan ng baru-baruan ang butas ng ari kasi mababasa iyon sa tuwing iihi ang bagong-tuli. Pinakamasakit ang sugat within da pers tarideys.

May mga ayaw sa lukaw dahil sa posible infection. Sa duktor, may pampamanhid; ginugupit ang foreskin at tinatahi ang sugat (mas maganda ang peklat). But eder op the two, pede ka namang magpareseta ng pain-killer at antaybayotik.

Matapos ang ilang araw na paglalanggas sa pinakuluang dahon ng bayabas, kusang matatanggal ang baru-baruan (pati ang dissolvabol sinulid na pinantahi sa sugat). Normally, bago mag-1 week, magaling na yan.

Ikaw, tutoy… tuli ka na ba? Hindi pa?😯 Patuli ka na!😕 Gusto mo samahan kita?😆

Ako na lang ang magtutuli sayo!

Gusto mo ng → “V”-cut ?

Pages: 1 2

Published in: on 30 March 2013 at 6:00 am  Leave a Comment  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2013/03/30/tsuley/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: