tsu-beg

(2-big sa bundok)

Kung “langoy” ang pag-uusapan, mas magsasawa ka sa lowlands kasi naruon ang mga beaches at ang maraming resorts at swimming-pools.

Hindi ko (masyadong) types ang beaches, kaya kung magraraun-da-nesyon trip ako, pinakahuli sa list ko ang Boracay. Nababato kasi ako sa monotonous view ng puro buhangin lang at asul na dagat below the horizon line. Opkurs ibang usapan yung kung nasa malalim-lalim ka para manisid ng perlas corals at mapanuod ng iba’t-ibang hayup-dagat… 😎 ← (diving googols) Ops, balik tayo sa mababaw…
Kung may mga nakausling bato — o mas mainam kung may bangin o bundoks along the coastline na pinasukal ng mga puno at halaman ay pwede pa, at least RAGGED ang terrain, hindi “flat” as in.

Yeis, mas types ko ang irregular terrain.

Kaya nga nasa bundok at baku-bakong lupain itong napili ko. 😆

Hindi ko rin types magsuming-suming sa pools kase nasisilaw ako sa mga tiles ng flooring; taz, urinated chlorinated pa ang woter. Mas trip kong maglunoy-lunoy sa batis, ilog, o sapa na malumot ang lupa o batu-batuhang ilalim. Empre naman duon sa walang piranwa o buhaya.

Oops, tama na dyan; ibang klaseng tubig ang sinasabi ko dito.

————————————————————————————————

May dalawang bodies of water sa Haybolsite: ang day-by-day na pagbalong sa Ulbog pt, at ang seasonal surge sa Creek pt.

1.Ulbog. Me basic info about the woter-spring dito (CLICK mo)ulbog … saka dito (CLICK mo ule, angkulet ko ‘noh? 😆 Yes, I continue what I’m doing; Nobody tells me what to do.)tutudattu

Big-tu, big-tu,

ag-spring since b4 worlwar-tu.

“Magtayo ka ng water-refilling station!”
— payo ng ilang bisnes-minded kong kakilalang hindi taga-Baguio.

Wehe, DI po natin pwedeng “solohin” yang ulbog. Kung legali-spokening, ubra pa siguro — dahil nasa loob NA daw ito ng 164-iskwer meter na tituladong lupain ko (i.e., da “Haybolsite”)… Ekyusmi po, there are certain cases na hindi ako elibs sa “legalidad”.

Since time immemorial, bago ko pa nabili itong lote

— even long before itadhana ng Maykapal na magpanagpo ang

magiging tatay at nanay ko upang maisilang ang lingkod nyong gwapo

— iniigiban na ito ng mga tagarito.

“Walong taon pa lang ako nung lumipat kami rito, nariyan na ang ulbog,” kwento ng sisenta’y sais na si Tatay Jerry, far southside neybor ko, at kilala kong pinakamatagal na sa lugar. Anak sya ng dating may-ari ng mas malawak na lupaing nuo’y hindi pa nasa-subdivide. Regular sila ng kanyang maybahay na sumasalok ng tubig sa ulbog tuwing madaling araw kung kailan punung-puno ito.

Hindi lang sila ang nakikinabang sa ulbog. Source of CLEAR & FRESH water din ito ng mga paris kong hindi pa makapagpakabit ng linya ng tubig promdi woter-distrik. Ang tutuo, kahit yung may mga linya na ay umiigib pa rin dito para makatipid, o kaya’y tuwing tagtuyot or during peak seasons (joliweek, kurismas, plawr-festival) pag mahina (o walang supply) ang woter-lines.

Matagal ding inalagaan at iniingatan ng mga taong paris ni Tatay Jerry ang ulbog. Minsang nasira ng bagyo, pinagtulungan nila ni Mang Peter (taga-Banaue) na isalba at ibalik ito sa dating anyo. Yang blue-at-orange na trapal sa pikyur (para di malaglagan ng tuyong-dahon at lupa ang ulbog) ay ikinober naman ng neybor kong si Tata Pedring.

🙄

Pede bang inumin ang tubig dian?

May mga nakikita akong umiinom diretso pagkasalok dyan; pero ako, hindi muna (tho minsan e ni-try ko ring tikman, wala namang nangyari) kase marami nang kabahayan sa likuran, sa bandang itaas. May isa ngang sutil na bata rito, umaming may inihagis daw syang daga riyan. 😆 Ipapa-testing (woter-analisis) daw muna ni misis ang tubig.

Ang nais ng mga umiigib ay mapalagyan sana ng poso. Kelangan kasing lumuhod ka pa sa bungad ng balon para sumalok pag kokonti ang tubig dahil sa dami ng umiigib. Bow ako sa ideyang ito kung hindi mai-stress ang ulbog. Mahirap ding pilitin ang kalikasan — baka “magtampo”. (Earth day ngayun, o ha?)

Marami pang kuwentong umiikot tungkol sa ulbog; sa ibang pagkakataon ko na ibibida, hane? Baka malunod tayo dahil may isa pang bodi op woter tayong kikilatisen.

2.Creek. Isa itong renideys-ilog na dumaan sa Haybolsite.

Dati-rati, isang maliit na guwang ito na tuwing tag-ulan lang inaagusan ng tubig. Kung babaybayin mo ito paibaba (palabas ng aking lote) makararating ka sa isang tutuong creek na mey-ay-waynding-waynding, paluwang nang paluwang, at palalim nang palalim — hanggang sa umabot ka na nga sa ilalim ng isang tulay na sakop na ng Palispis highway (on sekuntot, sa Kennon road pala). 😯 Shaks ka ba? 😆
As for me, Haybolsite is home — wid or widawt da haybol.

A haus isnat a hom ♫

kos da hom’s widawt a haus…

Anhin ko haus-bato, kun nakatira songgo?

maigi pa kubol, kun nakatira loro!

It’s springtime ageyn,

hyper na naman ol da ebuns.

1995 nung unang kong makita itong lugar, at naisip ko sanang maglalagay dyan sa maliit pa lang nuon na “creek” ng baha-bahagdang bato na magmumukhang miniature cataract… Ang kaso, nung dumami ang bahay sa bandang itaas (dating public land na nai-award for “rights”) e parati nang may MURKI-en-PUTRID-smelling water na shalo — stagnant or makupad na nagpu-flow

Pag talagang malakas, malimit at matagal ang ulan, halos nawawash-out naman ang maitim at maantot na tubeg… Well, wateber… covered culvert (kanal) na lang ang remedyo dito. Obyusli, hindi na aplikabol dito sa bandang Creek Pt ang “panaginip” kong mini-falls & pond for my ismol garden-park; Hahanap na lang ako ng ibang spot within the haybolsite.

————————————————————————————————

Hayland kronikol
(2-big suplayses!)

After 2 years, napalagyan ko na rin
ng bato ang ULBOG area 🙂 — Yes!

1.Inihabilin ko lang ito sa gagawa — last time bago kami bumaba (Apr 1),
kaya surprise! ako 😀 nung mabungaran kong tapos na.

Ito ang kaunaunahang pina-“kabite” namin ni misis: more than 3 meters high and 3 meters long, double ang thickness. Three-fourths ng ipinambayad namin dito ay inutang — at least six months kaming ‘magdidildil ng asin’ para mabayaran. Pinilit namin itong maihabol kase magtatag-ulan na naman… Dasrayt: ITO MUNA — para maprotektahan itong “Ulbog ng Bayan” at ang aming kubol dyan sa itaas.

2.Surprays! din ako 😯 nung makita kong nagpahakot rin pala ng boulders (via my lot) ang aming westside neybor habang wala ako. — →

“Nakita ko kasi yang pinagawa mo,” 🙂 sagot sa akin nung tanungin ko, “nagandahan ako… kaya nagpapakabite na rin ako.”

Now, what’s the implication?

In addition to her ipagagawang kabite, kelangang magpalatag na rin sya ng cemented canal for the “creek” that passes on her lot, para hindi masira ang kabite nya. Datmins, obligado na rin akong pagawan ng kanal (at kabite, kahit mababa muna) ang Creek Pt ko dahil kung hindi ay yung lupa ko naman ang padyutay-dyutay(?) na matatapyas pag nagsimulang umulan at dumating ang mga bagyo.

For the last 10 years or so kase, yung “creek” ng westside neybor namin ang pinakadulong wala pang konkrit-kanal uphill. Syempre pag may sementadong kanal na sya, dire-diretso at malakas ang ‘arrive’ ng tubig sa lupang unang tatamaan duon sa wala pang kanal na sementado — at dito nga sa lupain ko yun, gets mo?

Stetment opda problem (katatapos lang nung isa, eto naman):
Saan kaya kami uli maghahagilap ng panggawa dine? Obyusli, malaki rin ang magagastos dito dahil mordan 10 meters ang haba ng CREEK ko.

😕

Kanal na lang din sana ang inuna nyo.

Siguro nga, “sana”… Malay ko bang susundan agad ako ng pagawa nitong aming neybor? Hindi namin kayang makipagsabayan ng pagawa sa pamilyang more than 20 years nang nakatira dito.

Pasensya ka hombadi, 😆

kanya-kanyang diskarte yan.

I know… 😦 Kelangan talagang kumayod.

Bawal magkasakit sa bato.

————————————————————————————————

Woter ng buko atbp (PAGE 1)

Pages: 1 2

Published in: Uncategorized on 22 April 2013 at 7:00 am  Comments (1)  
Tags: , , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2013/04/22/tsubeg-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. […] Woter: taripol da sowel… […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: