3yinwan

Bawal daw ang kopi.
Oks lang, 5-in-1 ito. →

Tatlong araw, sunud-sunod: baluga tudamaks… Anung ibig me sabihin?

————————————————————————————————

Bakraunder: Paluwas uli ng Makati si misis nung nagdaang Lunes (Apr 22)
at may agreement kaming susunod ako sa kanya on the 24th (Miyerkoles).
Hindi kami pwedeng magsabay ng alis dahil bukod sa magastos ay may dalawa pang frames akong kelangang tapusin. Sayang lang ang three days na ilalagi ko sa syudad; at nakakahiya din sa inaanak nya sa kasal (taga-Cubao) kung dalawa pa kaming makikitulog duon.

Medyo(?) nabuset ako nung nagdaang gabi bago sya umalis dahil may bigla na naman syang “plano” na nuon lang sinabi sa akin. Sa inis ko, pinadala kong lahat sa kanya ang niluto nya para sa akin (pancake, chikin-adobo, etc) — pati yung mga tuyo at itlogs na fudstak namin.

“Anung gagawin ko dito?”😦 eka sa akin.

“Baunin mo,”😕 ekako, “o kaya i-share mo kina Mari…
Kahit pa ba napaka-generous nung tao e madyahi ka namang prating nakikitulog at nakikikain duon.”

So deryuar…

naiwan ako sa 4th floor nang walang kakainin o iluluto man lang.

Hindi ako tamad magluto ha? KAPAG ganitong may mga inira-rush ako, halos ayaw ko na ngang mapuknat sa ginagawa (dyinggol lang ang pahinga) kase nawawala ang momentum ko (o ha?)… ‘Tinatamad’ akong mag-break sa trabaho para lang kumain.

Oedi “tamad” nga!

😆

Yan kasing pagkain e abala lang sa tarbaho😆 — yun pa kayang magluluto, or bababa para bumili ng lutong pagkain sa mga turu-turo malapit dito sa building. Kahirap kayang bumaba ng 4th floor!😕 Yung magbibihis ka pa (naka-nyorts lang ako dito sa itaas — mainet!), magsusuklay saka magtututbras (dyoks lang!), taz magsasara ng pinto, en ol dows chorvahs? Truli, abala lang sa tarbaho yang pagkain!

Das bad, Itay!

Das beri-beri bad!

Well, pag maayos naman ang usapan e kaya kong magsurvive mag-isa.

For yur added impo, ang ref po namin ay matagal nang naka-unplugged; In-ON lang namin for 1 day kasi bow ako sa ideya ni misis na bibili sya ng 10 to 15 boxes ng sylvanas dito na ibebenta sa office nila para mabawi man lang ang pamasahe ng regular na pagluwas-luwas nya. I suggested na bumili na sya 1 day before lumuwas para hindi sya nale-LATE sa pag-alis nang madaling araw kinabukasan. Natural kelangang ilagay sa pridyider para hindi maluoy ang mga kokis overnight. Oobserbahan din namin kung gaano ang itataas ng aming eklektrik bill kung gagamit kami ng ref for one whole day, at least twice monthly.

O, o… Huwag mo kaming pagtaasan ng kilay kung hindi mo maisplukan ang ekonomik sityuweyshun naming magdyowa ngayon. Sa kinalalagyan mong comfort zone e wiz mo ngang maiisplukan… At sa mga mahaderang hindi hapi sa kani-kanilang mister, o sa mga binata binabaeng ada-da-da who don’t know how it feels to be a husband: Tigilan ang panggagatong, Iskrammm!

Nung araw na umalis si misis, hindi ako nag-agahan. Paminya-minya, isang 1 cup of kopi lang (paris nyang pikyur ↑ sa itaas). Aush naman, natapos kong gawin ang work pordi dey, para laang akong nagpa-fasting-yawa. May naispatan akong instant-oatmeal na nasa garapon (ahehe, hindi ko pala ‘naipabaon’ ke misis ito) — yun ang kinana ko. And the evening and the morning was one day.

————————————————————————————————

Eto yung baluga tudamaks: baba, luwas, gala in one post
(dats why “3-in-1”)

1.Apr 23 (Tue) Baba. Hindi na pede ang otmil lang. Kelangan ko bumaba!😡

Naghanap ako ng fastfood turu-turong may tindang tapsilog (peborit ko) — wala! (Sayans-citi, walang tapsilog?)

← Dito ako napunta. Teknowt, kapangalan ko pa.
Past 8 ayem pa lang kaya sisig pa lang daw ang meron sila.
“May singanag kayo?” tanong ko. “Wala po, plain rice lang.”

Aush na rin at 55 pesos (walang pinipili ang gutom na sikmura). Inpeyrnes, masarap yung sisig nila.

Hindi sulit ang pagbaba kung para kumain lang, kaya dapat may iba pang magawa… eto, 3-in-1 din:

1.1. Nag-INTERNET. Ipinost ko ang earth day entry.
Yes, sa pagkakatanda ko e late nang one day ko nai-published yun?
Bisi-bisihan tayo ngayon.

1.2. Bumili ng stikwel glue. Gamit ko sa framing; nasaid na ang istak ko.

1.3. Bumili ng isang BUKO. Anti-red dyinggol, “pananghalian” na rin.

Halos di ako nakatulog nung gabi dahil sumumpong ang aking heartburn. Sa sisig kaya? Mos probabli dahil sa inet at lipas-gutom.

Das wat aym saying —

BAD yun!

2.Apr 24 (Wed) Luwas. As planned, bumyahe ako ulit pa-Maynila.

Umorder ako ng tapsilog (tsalap!) sa isang standing-onli-fastfud sa ilalim ng MRT Ayala station. Me nakasabay akong tutyal-looking na miss (naka-mini at sleeveless), dito rin kumain. Makati girl na koboy at hindi pa-glamor, o ha!?

After breakfast, dumiretso ako sa glorietta at duon muna tumambay. For ur impo, since PhilRice deys (en after) ay malimit akong magtingin ng camera exhibits dito (Ahehe. hindi komo hombadi ako e promding-promdi na ako; wats wrong wid being a promdi, eniweys?)
This week, mga syus en rabersyus, sanelas, at tsinepin ang kanilang sale. “Buy 1, take 1” eka🙄 Opkurs naman di ba?😆 Alangan namang isang futwear lang ang ibibigay nila e dalawa ang ating mga paa (toingks!)

Baka may ka-size ka, pate…

I-click mo kahit ano ← DITO →

Bukod sa pag-“break-fast” ko ng tapsilog sa Ayala, anupa ibang bagay na nagpa-solb-na-solb sa aking pagluwas? Ageyn, 3-in-1:

2.1. NakapagSURF ako about 2 hours via free wifi dyan sa glorietta. Dyan ko prating hinihintay si misis galing sa meeting nya with Pyur-Laéf.

2.2. Sinundo ko si misis. Pauwi na rin sya ng Nueva Ecija.

2.3. Nakabili ako ng frame moulding sticks at matboards sa Pasay.

In-OFF ko ang aking selpown for the last 3 days, para ma-gets ni misis kung ano ang feeling ng hindi nakatatanggap ng text sa tuwing nasa Manila sya. Malimit, wala akong load dahil nasa bahay lang ako (hindi ko rin magagamit, mag-eexpire lang), unless papasahan nya ako ng palima-limang piso. Nagpapaload lang ako ng 25 pesos pag naka-luwas- or gala-mode ako…
Tatlo ang cellphones ni misis (puro lowtek nga lang) at usually ay naka-unli sya, kumbakit minsan e nalilimutang makaalala even once a day ( piso lang o…😦 samantalang umuusok ang cellphones nyan pag kliyente ang kausap na karamihan e di rin tumutuloy kumuha nung iniaalok niya😆 )… Kahit sa gabi lang, di ba? — para naman malaman ko kung nakauwi na sya safe & sound sa Angono, or sa mga kaibigan nya

Sabay kaming umuwi. At dahil nga naka-off ang mobile-talepown ko, nitong Miyerkoles ko lang nabasa ang text message ng isang old-time friend. May mas malayu-layo akong byabyahihen — mordan 3 times farther than today’s luwas — in the opposite direction (northward & ‘upward’) kinabukasan.

3.Apr 25 (Thu) Gala. Distaym, si misis naman ang naiwan sa bahay.
( Bydiwey, bati na kame.😳 Hindi naman kami talagang nag-away, napikon lang ako sa kanya.😆 )

Umalis kami ni Ka Kuya before 5 ayem for Banaue, Ifugao. At 2:27 piyem, nagpaiwan sya sa “Saddle”, ako naman e sumamang pabalik muna sa aming driver pauwi ng Nueva Ecija; dumating kami, 8:30 ng gabi…
Number 3 na ito kaya di ko na ita-tari-yin-wan:

Mainit sa patag, at di-hamak na mas mabanas sa syudad. After this trip, there will be anader klaymbak: hindi sa Batad, kundi sa isa pang SITE.

Tinanggap ko ang alok na work: Bulong! ng puso, and partly, tawag ng pangangailangan. Pag natuloy ito, one week to 10 days kami walang communication ni misis.

———————————————————

🙄

Malayo ba yun, amo?

Opkurs not…

sa kabilang bundok lang.😉

Published in: on 30 April 2013 at 4:50 pm  Comments (1)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2013/04/30/3inwan/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. […] Nagsubside na ang vertigo ko kagabi pero Byernes na ng madaling-araw (June 14) e atubili na akong umalis? […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: