baktuskwerwan

KunDI pa naman ako ipagkanulo ng friends ko nito ay ewan ko na lang.😆
“Self-respect” KA dyan!?

————————————————————————————————

Naalala ko nung minsang umuwi ako ng Calamba (1991):
masasalubong ko sa may kurbada ng Laureola ang isang wafu at machong mamâ. Hindi tumitingin sa akin, pero nung magkatapat kami, nakangising inawit ang hit ni AndrowI:

“Humanap ka ng pangit! ♫ At ibigin mong tunay!”

Hindi nyo naitatanong, tatlo sa aming anim na magkakapatid (isa ako dito) ang nakapag-asawa ng hindi ganun ‘ka-ganda’ or ‘ka-gwapo’ kung sa pisikal na anyo ang pag-uusapan.

Weh?

Maganda naman si tita Choi a?

Walang halong pagyayabang, hane? Ako’y nagsasabi lang ng totoo:
wala sa aming magkakapatid ang hindi artistahin ang dating… Napaka-unusual siguro para sa machong iyon na 50% sa aming magkakapatid ang pipili ng lifetime-partner na “hindi (daw) ‘akma’ o ‘tugma’” sa amin ang itsura.😆

Magandang lalake po talaga ako —

ibang pelikula-role yang 2011 pikyur ko sa itaas.

Bodega deys yan, di ba amo?

Sambwang-wagoli.

Ang pagkakatanda ko, alumnus ng L-I yung nasalubong kong ala-lito-lapida-sa-bigoteng he-man, mas senior nang two or three yirs sa akin, at high-ranking officer sa CAT. May barkada itong mejo hawig din kay Raney KulaPoe (alias eF-Pi-Je)… Oebaket? Kamuka ko rin naman nuon si Dagoy The-Boy a!?😕

Inpeyrnes, wala ni isa man sa magbarkadang ito

si Kumandante Android.

Normal lang siguro ito during hayskul-deys, di ba? Ahehe, ewan ko… Kahit pa ubra kong pambato sa “apat na sikat” o “dats inkredibol engtarteinment,” wala me matandaang nag-pokus ako sa sariling hitsura nung elementari at hayskul (mejo conscious lang sa pagiging tut-tuuut! ko).😳
Hmm🙄 nakonyus din siguro nang konting-konti lang sa ‘luks’ ko nuong mag-college new freshman (tuli na ‘ko!😆 ). Pero hindi pa rin ako naging maselan kahit sa pananamit — solb-na-solb na ko sa mga checkered o bulaklaking pantalong relief clothes promdi Philippine National Red Cross, ahehe.

Pagka-baduy-baduy kong manamit nuon;

Ang tutuo, maski hanggang ngayon.

Kumusta naman ang uber-poging bersyon ni AndrowI na isang paligo lang yata ang inilamang sa kagwapuhan naming magsushufatids? Last time ko syang nakita nung burol ng bayaw ko almost 13 years ago (2000), hindi na sya ganun kakisig 9 years after nasalubong ko sya sa Laureola; watmor todey, after…🙄 9 + 13 … 22 years?

————————————————————————————————

PINTASERO/PINTASERA ka ba? Ingat ka sa mga “biro” mo. Konsider mo ito:

1.Hindi mo alam kung sino ang maaari mong ma-offend.

Mag-joke ka poreksampol tungkol sa eka mo’y pangit — e di nasaktan mo ang isang nagbabasa na nag-aakalang pangit sya. Mag-post ka halimbawa ng tungkol sa isang ngongo o duleng, malay mo kung may blogprend/fezbukprend ka o may kapamilya silang nasa ganitong kalagayan?

Bakit ba kase idina-divert mo ang usapan sa “looks”?

Malamang, TALO ka na sa ‘argumento’ at wala ka nang masabe.

2.Ushuali, permanente ang hitsura (o physical-defect).

Pag ang isang tao’y mahirap, pwedeng isumbat sa kanya:

Hindi mo kasalanan kung nipanganak kang mahirap,
pero kasalanan mo na kung mamamatay kang mahirap.

Ows?

Sure ka?

Kung ipinanganak syang “pangit” (o may kapansanan), kasalanan nya ba yun? Anupang magagawa nya para hindi sya mamatay na “pangit”? Imposible nang baguhin yun pwera na lang kung madatung sya para makapagparetoke (onsekontot, wala na nga yatang imposible ngayon). Diskarte na lang kung paano nya ikekeri ang angking “kapintasan”… Onda oderhand, ang pangit na UGALI (at outlook) ay posibleng pagandahin.

3.Yeis! Walang kinalaman ang fez sa moralidad ng isang tao — ‘amoral’ kumbaga.

E pa’no kung halimbawang “ampangit” mu na nga e PINTASERO ka pa?

Pangit ka, alam mo ba yun?😡 PangeeET! — eka tuloy sayo ng napikong kausap mo… Tsk tsk tsk — ikaw kasi eh!😕 Di nalaman mo pa tuloy ang…😯 totoo.

Manalamin ka muna kase bago ka mamintas

kaya huwag ka na lang mamintas kuntakot ka manalamin.

Beauty is relative.

Beauty is in the eyes of the beholder.

4.Hindi tumitingin ang Diyos sa panlabas na anyo.

But the LORD told him… ‘People judge others by what they look like, but I judge people by what is in their hearts’.” (1 Samuel 16:7 CEV)

Ang ‘kagandahan’ o ‘kagwapuhan’ ay maaaring bonus na asset pero huwag kalimutang ito’y isa lang sa mga kaloob ng Diyos. Minsan, iyan pa nga ang nagiging daan upang ang isang tao ay maging hambog at palalo.

5.Ang kagandahan ay maaaring isang balatkayo… isdyaPEYK!

May mga kulto, ginagamit ang naggagandahang babaeng miyembro nila para makarecruit o makabenta ng kanilang mga colorful publications.

Charm is deceptive, and beauty is fleeting;
but a woman who fears the LORD is to be praised.

(Proverbs 31:30 NIV)

Admirabol nga byuti mo,

turn-off! naman yugaling-asal mo.

Di-epektib pa-tag-tag mo sa pikyur namen.

Uploads ko din yun galing sa reunions” album ko.

6.Kumukupas ang panlabas na anyo.

Pagtanda mo, kahit magpabanat ka nang mukha at magpiga ng bilbil e hindi maitatagong gurang ka na. Maluluoy ang iyong kutis at mag-aamoy-LUPA ka na rin paris nung sa “pangit” na nilalait-lait mo.

“Fly me tuda moon,

and let da moon fly over me.”

————————————————————————————————

ISTOKERS, matanong ko nga kayo…

— Ikaw misis na ubod-nang-ganda:
Kung maganda ka, bakit humanap pa rin ng replacement ang mister mo?

— Ikaw mister na ang misis ay saksakan nang ganda:
Kung maganda ang misis mo, bakit nagawa mo pang magpalit ng jowa?

— Ikaw mister na nuknukan-nang-yaman at gwapo:
Kung naging gwapo ka lang (hindi mayaman), napansin KA kaya ng naging jowa mo?

Wala akong nakikitang masama kung mahilig ang isang tao na mag-ayos at magpapogi/magpaganda, pero palagay ko lang ang pinakamalungkot at may pinakamalaking insecurities sa buhay habang tumatanda ay yung “obsessed” sa kanilang panlabas na itsura…🙄 Hindi kaya?

Ganun ba yun?

Hindi nga?

Naisip ko lang, kase holidey ng byoti-kwens

girls, or oderwise.

————————————————————————————————

sagala ng kwadradong pagmumukha
(identiti-crisis ni hombadi)
sa PAGE 2

Pages: 1 2

Published in: Uncategorized on 31 May 2013 at 9:15 am  Comments (1)  
Tags: , , , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2013/05/31/1bywan-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. itay.. alam nio b meaning ng urig s bicol ay baboy..
    ————

    Opkurs naman, anak: Bikolano ang maternal-side lolo ng lolo mo. “Original” ang ibig me sabihin dun
    Dumayo ka pa ng pangungulit dito?😆 Nasa’n ba nanay mo?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: