baktuwan

( baku-bako, kongkluded )

Baktuwan?

Repley ba‘to nung pers powts-apirans ko?

Hinde,

may “skwer” yung sa iyo.

Sana, ako naman ang bida dito.

… pede?

No wey

— di ito para sa iyo.

Sige na.

… plis?

Bahala ka.

Yumey ebakweyt enitaym yu wish.

Persopol, muli nating baklian — eheste, balikan ang nagdaang powts…

Nagsimula tayo sa baktuskwerwan, na senekwelan ng baktusi, na bago napyotyorayz e nasingitan ng baks, na bago nayispel-awt e nasingitan ng baktuyu — ang long-aweyted side B ng “tuwiwang”… After 10 deys, ang ispeld-awt na baklayted; after 1 mant, ampyotyor-tens na baktusey.

Di ko na-gets🙂

pede bang pakiulet?

Huwag na,

itong baktuwan na lang intindihin mo.

Sige. Patingin nga! ↑ *pindot*

🙄 … Ba’t ayaw yata pumindot?

Wag mu na kase CLICKen,

Nandito ka na nga eh.

Baktuwan simpoli means “bak tu 1” or “balik sa number 1”…

*Me & my big mouth!😯

Nagkamale na naman yata ako ng pagSABAT?*

Dibors month ngayon, kaya iyeekspress ko uli ang aking saloobin at stans… Pero ilatag ko muna itong posibel senaryos para sa mga young husbands! na sooner or later e baka makakatihang mag-left turn o hiwalayan ang kani-kanilang mga dyowas. If we onli hav the abiliti to think ahead, less ang ating pagsisisihan.

————————————————————————————————

Taklo lang ito sa mga naiisip kong simpleng hassles na maaari nyong kaharapin kapag nag-asawa kayo ng higit sa isa at nagkaanak pa sa iba (Pede nyong iyignore yang mga SUMASABAT na ↓ hominids & beastfolks, naron pa rin ang flow ng ideya):

1.Unang-una, pag meron kayong GRAND REUNION ng pamilyang pinanggalingan mo — kurismas, nyu-yir, or berdey ng tatay o nanay mo — meron na agad problema. Di ba usually karay-karay nyong magkakapatid ang inyo-inyong mga asawa pag reunions? Malilito ka kung sinong asawa mo ang isasama mo!😆 Alangan namang dalhin mo silang pareho?

Sempre ito nang ‘bago’ ko!😕

Ba’t ko naman isasama ang ‘ex’ ko e hindi na nga “kame”?

Hongah noh?

Di ko naisip YUN!

Tanggap na ba sya ng lahat?

Baka di magpuntahan ang ibang myembro?

Ayawnla, diwagnla!

Di naman sila memeari o magbabayad ng venue.

Grand reunion… Ibig sabihin, naruon din dapat ang lahat ng junakis mo — at obyusli, mas lalong hahanapin ang mga anak nyo ng “panganay” na asawa mo, kasi sila ang naruon nuong mga naunang reunions.

Maaatim kaya nilang sumama sayo kung maiiwang mag-isa ang nanay nila habang kayong lahat e ang-saya-saya? Malamang, hindi na rin sila pupunta dahil ermats lang nila ang magiging “absent” just in case. Sasamahan na lang nilang magmukmok ang nanay nila. Lalu na kung isolatrist itong ex mo…

Malimit ganun: ang isang guy o girlalung unreasonabli uber-“prendli” & insensitib ay natatapat sa isang dyowang untutyal at balat-sibuyas. If the couple failed to complement or worked their temperamental differences out for good, nauuwi sa paghihiwalay.

2.Pangalawa, pag may GRAND GATHERING —😦 pag yumao na ang tatay o nanay mo…

Olrayt, pedeng pumuntang pareho ang “ex-wife” at ang “current wife” mo, wats di prablem! Malilito ka nga lang kung sino sa kanila ang itatabi mo sa pangalan mo sa Alaala ng mga naulila — duon sa ribbon sa takip ng kabaong. Di ba usually inilalagay din dyan ang pangalan ng mga manugang ng namatay? Sino ba ang manugang nila — yung ‘dati’ mo, o itong ‘bago’?

E di…😆

pareho sila?

On that solemn occasion, ibabandera mo in-pablik:

“Dalawa ang naging asawa ko.”

Grand gathering… Ibig sabihin, hindi lang kayu-kayong magpapamilya! Magpupuntahan ang mga relatibs nyo, mga kapitbahay, kakilala’t kaibigan, kamag-anak ng tatay mo, kamag-anak ng nanay mo — isama mo na rin dyan ang mga atribidang nagpapakitang-tao na ang layon ay ang maghugas ng kamay (dahil may pagkakasala sa namatay), mga nagagalak na makatulong sa pagsisilbi sa mga naglalamay (dahil may maibabaon-sa-limot nang utang sa namatay), mga nakikiramay kuno na ang pangunahing hangad ay sumagap nang intriga at tsismis sa kinaiinggitan nilang pamilya nyo. Hindi rin mawawala dyan ang gatungerO’t gatungerA na happyng nakikitang hindi kayo magkakasundo.

Hmp!😕

Masyado ka naman advans mag-isip!

Hinde…

Hindi ka lang nag-iisip!

Dats da realistik realiti!😆 Ine-exposed ko lang, at hindi ko sinasabing ang lahat ay gay-on… Ang kokontra lang naman dyan sa sinasabi ko ay yung mga GUILTY o di kaya’y itong mga “WALANG ALAM”. En teknowt: kadalasan, ang mga walang kamali-malisya o kamuwang-muwang na ito ang nagogoyo nung mga guilty, na kunwari e mapagkakatiwalaang “confidante” (“friends” — in or out of fezbuking).

Kwidaw sa mga kaharutan.

Di mo kasamang lumaki ang mga YAN.

Pigtapos kang gulangan ng ISA, eto ka na naman.

Hindi ka na nagtanda.

Hokey, balik tayo dun sa kwestyung “Sino ba’ng manugang ang ilalagay?”
KUNG may natitira ka pa kahit konting ‘delikadesa’ (anubayun? fowtah!), malamang wala ka nang ilalagay kahit sino sa kanilang dalawa. Dasrayt! Makuntento ka na lang na ilista dun kasama ng neym mo ang pangalan ng mga apo sayo ng tatay o nanay mo: ang mga junakis mo — both, sa magkabilang asawa mo.

Minsan lang mangyari yang reunions.

↓ Ito na lang pangatlo na syurling regular mong gagawin…

3.VISITATION.

“Sure ka bang anak mo lang ang pinuntahan mo?” eka nung 2nd wife,
“baka nandun din ang ‘ex’ mo, anung ginawa nyo?

Kahit di nya sabihin sayo, di malayong isipin nya rin ito. Kasi kung naagaw nya KA sayong asawa, posibleng maagaw ka uli ng dati mong misis (o ng iba) sa kanya.

Pinag-aagawan ka?

Nakaka-flatter naman.

Andali KAng agawin?

Ka-plater-plater ba yun?

Pwede ring ganun ↑ ang tirada sayo ng misis mo (yung orig mo, in this case, di kayo hiwalay) kung mga anak mo naman sa labas ang bibisitahin mo: suspicious sya na baka pati kabit mo e kinakatagpo mo ulit. May ibang nanays nga e pinagbabawalan pa ang ex-mister o ang dating kinabitan nila na makipagkita o makausap miski sa talepano lang ang junakis nila.

These kids have the right to know who their father is — to talk to him… But fathers, isaalang-alang din ang ikabubuti ng mga bata, hane? Baka di pa sila redi e “mataranta” lang. Kumbakit kase nauso pa itong kabit-kabit at hiwalay-hiwalay, disinsana’y wala nang need for visiteyshongs.

So deryuar, mga babago pa lang na MISTER DO NOTS: kung gusto nyo ng batong ipopokpok sa ulo nyo, aydi sumige kayo!😆

Pano amo, kung ‘nakapagluko’ na?

Taz, nagsisi na ren?

Oo nga…😦 pano yun?

Nagsisi na nga ako o. →😥

You are forgiven na, sir.🙂

Hanggang dito na lang po kayo.

Wag na po kayo pipindot ng miski ano.

————————————————————————————————

Pages: 1 2 3

Published in: on 19 July 2013 at 12:00 pm  Comments (1)  
Tags: , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2013/07/19/baktuwan/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. May isang disadvantage kung iPod o tablet ang ginagamit nyo sa pagbabrowse dito sa blog:
    Dahil walang cursor sa screen sa dalawang haytek na “takscrin”-teknologing ito, hindi nyo makikita ang pop-up label, text or TAG sa mga linked words o pikyurs.
    Sa conventional pyuter monitors, kita yan.

    Pordi benefit of the iPod & tablet users, narito ang iba’t-ibang muka ni hombadi (HBH=HomBundokHabi) at ang koresponding TAGS na ginamit sa post na ito:

    HBH: BAKlayted mode (amBAKAng barako)
    HBH: BAKtirya mode (amBAKAng kinapon)
    HBH: BAKulaw mode (Cowsfoot BIGFOOT)
    HBH: BAKs-awt mode
    HBH: BAKsliden mode

    Yang dalawang huli, homebodyhubby’s seryus bersyon.
    ————————————————
    NOTE: WordPress entries can be published before (scheduled) or after (privated if already drafted) the indicated date…

    Tulad ng post na ito: Ang date stamp ay 19 July 2013.
    Pero dahil di ko natapos agad (busy ako) ay ako lang ang nakakakita since July 19 pag ako’y naka-logged-in
    (i.e., naka-private).

    Ngayon (July 25) ko lang ipinublic kaya naging visible sa inyo.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: