aflang

Sumaglit ako sa kampus nung nagpa-eye-checkup ang aking mom sa Grove.
Tagal na palang hindi na nagtuturo dito ang isang dating barkada ko.

————————————————————————————————

Alam nyo ba na 1 opdi reasons kumbakit inabot ako ng “siyam-siyam” sa kolej e dahil prating underloaded ako? Ang normal na full load ay 18 or 21 units per samester, pero ako ay 12 o 15 lang; Kung minsan nga e 9 lang.

Ganun pala,

bakit may baksak-sabdyeks ka pa?

Pag napuno na kasi lahat ng class seksyuns tuwing registreyshun, hindi na ako nagpupursiging magdagdag ng subjects — lalo na kung hindi ko types, as in dapat ko lang silang kunin kasi “required”.

Nagkukwento lang ang hombadi,

‘wag nyo tutularan, hane?

Aush naman ang gantong set-up para sa akin dahil naigugugol ko ang maluwang na vacant hours sa pagbabasa ng buks sa’ming unibersiti library. Yun nga lang, ang pinag-aaksayahan ko ng panahon ay astronomi, sikolodyi, renasans arts, natural science & dyographi, world histori, survival, etc — mga topics na wala namang kaugnayan sa kurso ko.

Reminds me of one subject (Hork 139: planteshun crops), na despite “elective” na matatawag e inenrol ko lang kasi required kaming kumuha ng ilang units na related sa agriculture.

Natoka akong magreport tungkol sa traditional prasesing ng abaka. Pinag-igi ko nang husto ang freehand drowing ng “hagutan” para sa aking OHP transparency (Devcom AV-major ako) pero yung mas mahahalagang impo e hindi ko rinesearch nang seryoso. Kaya eyun… ang mga kwestyun sa akin ng teror kong propesora ay sya rin ang sumasagot.😆

Wala lang yun sa akin eh… Ang siste, isang kaklase ko nuon ang ibinibida pa yun sa kapwa-nya Hork-mejors. Hindi ko na maalala ang kanyang neym; ang pagkakatanda ko lang ay astek ang kanyang lelang, at iyon ay ayon din sa kanya.

Astig ba o aztek, itay?

Di yo maisplukan!

Try nya kaya ang kurso nyo,

kundi nangamote siya.

Among diffrent colleges widin da campus, may pataasan din ng kilay. Halimbawa, sabi ng iba, basta Comm Arts o Dev Comm maraming badaf. Well, siguro nga. Ako nga mismo ay may mga dating kachokarang may pagka-epayminate. Inpeyrnes, kung sa pagiging dalahira rin lang, may mas “babakla” pa kaya dyan ke modern-dey zuma kong Hork-kulasmeyt?

“Buti na lang hindi ako UP gradweyt,” brag ng isang di kaiskulmeyt.

Oist, huwag kang ganyan. Kahit pa cum laureat ka sa maths sa iskul nyo e di mo keri ang mga aflang na ganto.

————————————————————————————————

Sampu-sampu na naman.

95 na nga, o ha?

Published in: on 10 October 2013 at 10:00 am  Leave a Comment  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2013/10/10/aflang/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: