kunek

Pizzz! Lajtakdisphu

↓ wet yu lang, ja-ne?

PelipsTM Pizzz

Kaunaunahang celfon NAMIN ni misis.

Konting flashbak muna…

↑ walang check = unserbisabol

Babago pa lang nauuso sa Pilipinas ang 1st-gen mobile phones nung nagpunta ako ng Japan (1996), at perstaym in 6 years na nagkahiwalay kami ng naaaaaaapakatagal: 16 weeks! Before this, pinakamatagal na ang 1 week na di kami nagkikita.

— Ang tanging paraan para magkakunek! kami ay sa SULAT na kelangan pang i-registered mail (para di mawala) taz dadalhin sa post office. Imaginin nyo na lang kung ano ang mga pinagsususulat ko nuon? Feeling-safe din akong mag-‘selfie’ shot kase wid Japox it dasenboder-me na magpadebelop at magpaprint ako from negatib-films ng half(?)nude kong pikyurs.

— Me isa pang wey: iyang PONGKARDS. — — — →
Sa pagkakatanda ko, ¥200 ang isa nito at umuubos ako ebriwik ng mordan 500-pesos sa isang tawagan (~ 1hr). Wala pang linya ng telepono sa staff housing, kaya ang bilin ko ke misis ay pupunta sya sa PhilRice tuwing Huwebes ng gabi para hintayin ang tawag ko dun at eksakli 9 piyem (8 sa Japan).

Opkurs si misis lang ang me alam dyan sa MAILs… pati yang CALLs! Sinasabihan ako agad ni misis na ibulong ko lang pag medyo ‘obcene’ (walambastus sa mag-asawa) ang sasabihin ko dahil sinasamahan sya ng kapatid nya pag naghihintay ng tawag ko.

Snail-mail at phone calls!

Bakit di na lang sa chat o skype?

DI pa papular internet non,

DI pa uso miski personal email akawnt.

@yahoo.gov.ph pa ang ginagamit

— at kelangan pa ipa-send sa office na in-charge.

Eniweys, eto kwento tungkol dyan ↑ sa woki-toki-sized naming celfon…

Ang haba na ng sinabi,

hindi pa pala kwento yun!

Ilambeses dyan sa mga sulat at tawag nayan e inuungutan ako ni misis na gusto nyang bumili ng telepono. Meron daw kasing nag-aalok sa kanya ng cellphoneyun ding nagtanong sa akin nuon kung plano kong bumili ng kotse.

Iba ‘arrive’ mo non pag mewon ka wheels

saka sukbit-bewang na talepano.

Yung pagbili ng tsikot e wala talaga sa bokabulari ko; Pero itong telepono, eka ko ke misis ay hintayin na lang ang pag-uwi ko. Madami akong nakikitang ismoler mobile-phones dito sa Japan pero pinigil ko ang compulsyun kong bumili kase di ko syur kung gagana sa Pilipinas: “Plan-plan” pa kasi nuon, hindi pa kilala ang SIMM cards at text-messages — puro ‘tawag’ lang.

So deryuar… pag-uwi ko (after our ilang weeks na sekun-honeymun), pumunta kami sa Cabanatuan at bumili ng aming mobayl-talepano — yan ngang ↑ Pelips-Pizzz (pawerd by Ismarfs) na nasa unang pikyur.

Sa NE-mol kami bumili

— hindi dun sa mama/aleng nagseselstok.

Tumagal yang telepono (puro ‘KOLING-KOLING’) hanggang yir 2001 (resigned nako), nagamit pa ng bunsong sister ni misis. In fact, gumagana pa yan — nalaos na nga lang kasi nauso na SIMkards at pateks-teks lang.

May mga sumunod pa akong teks-en-kol selepowns (tig-isa na kami ni misis) since 2002, ilista ko na lang yung mga nandito pa (Kunsawa ka na magbasa e mag-EXIT na ka!):

HeliktonTM eytusiktueytes.

Astig ang letyum-bateri nito, tumatagal ng olmos 1 wik op istanby; pede ka mag-bar ng kol kung makulit ang koller. Hindi na gumagana — na-wer-en-ter yung “membrain,” eka nung repairer.

MotmorolaTM tokabawt.

Napulot ng kuya, naiwan ng isang pasahero sa dyip nyang pinapasada. Ginawan ko ng bateri, o ha? Naluma na lang ito lalo kasi ayaw ko nang gamiten (wala na ko magawang batirya).

NokyaTM tartituten.

Hand-me-down (bigay lang) kasi wala na’kong pambile. Tagal ko ding ginamit ito kasi pemborit ko. Palagay ko, uubra pa ito kung may mabibili pang bateri.

NokyaTM eneyti.

Hinan-ober ng isang gusto na‘kong palayasin nung napagtantong di nya ko kayang pabilibin.
(Kaw ammeyutang samin ngayon!) Eniweys, tenkyu na din dahil tagal kong pinagamit muna ke misis, bago nabalik sa akin. May kamera, asul-na-ipen, at uber-bagal na internet-keypabiliti. Ito yung prati kong binabanggit dito sa blog na “lolobating Nokya selepown” — gamit ko ngayon to kunek wid misis pag magkalayo kami.

GrowbTM Tetu.

Anoder hand-me-down — di ito selpon pero parang na din kasi pede salpakan ng SIMM… Brodban! — na pag nikabit pala e gagawing parang selpon din ang laptop ko.
May simkard, derpor pede ko lodan ng kanlang pawertarf-promos para maka-internet sa bahay kahit wala masagap na wifi sa 4th floor. Pag walampanlod, kahit free-efbe na lang.

Gets?

Wala signal saka walang pan-load!

Pag nagluko laptop kasi bagal priyefbe,

DI makakunek!

————————————————————————————————

Di pa ulit makalabas.

Wet yu lang ule.

Pages: 1 2

Published in: on 14 February 2014 at 10:00 am  Comments (1)  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2014/02/14/kunek/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. Dating Nokya ko (sekunhan) — gamit ni misis;
    Nung bumili kami ng sa kanya, pinagamit muna namin itong Nokya sa kuya. May mas-haytek na sekunhan na ulit ang kuya, kaya nasa akin na uli now itong Nokya (Sun ang simkard).

    Anhirap ikipad nitong selpon ko; Pero astig ang letyum bateri, datisway aush na aush sa Haybolsite na walang-kowyente.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: