anawrik

( sekwel [ o senekwelan?] ng awrik )

Ang nagdisapir na pikti-sentabo. →
( Ubrang kategori: latakdispong barya-barya )

Pwidi ba?

Akin na lang ulit ang PIRA!?

————————————————————————————————

Naalala ko ang aking titser nuon sa yUPi-eLBi: Layp-en-werks op Rizal ang kanyang itinuturo, pero halos idiscredit nya ang ating pambansang bayani in-pebor op anoder ‘minor’ hero.

Asamateropak, hindi nagsosolo itong weirdo kong instruktor interms ophis percibd ‘greater-ness’ of Plaridel ober ka Pepe; Ay sa kanya-kanyang ‘koling’ yan eh. Kung ang paplar opinyon ng nakararami ay si ka Pepe ang pambansang bayani, ay atin nang hayai…

Ang pagkakaa-lam ko, meron pa ngang naging personal na misandertangding ang dalawa while in Spain, but diperenses aside (tarbaho lang, wala personalan) both of them (as well as di oder mawtiws) workd togeder for gud tungo sa iisang LABAN, na hindi naman nawalan ng saysay (well at least, nung mga panahong iyon).

Woy!

Pwera unggÜyan, ha…

Kahit DI kayo kumuha ng P.I. 100, syurli kilalang-kilala nyo na si Ka Pepe; Derpor, ating rebyuhin naman ang tungkol sa mamâng nakatikwas ang bigote…

Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitán

(pen-neym, Plaridel): rayter, loyer, dyornalis.

Sekun & las-editor op “Sol” —

di nyuspaper opdi Reform-Mubment in iSpæyn.

Lawyir? Sa abraod pa!

“Siguru anyaman-yaman (nya) na?”

1. Nipanganak: 1850 Agosto 30, sa sitio Cupang (San Nicolas) Bulakan, Bulacan.

2. Mga magulang: mula sa angkang mayayaman at
may mataas na pinag-aralan.

— Three times mayor si erpats; Naging clerk (priv sec?) ng gobernor.

— Nagmula sa noble Gatmaitans si ermats.

3. Pangsiyam si Marcelo sa sampung magsushufatids.

Kahit mayaman sila, kokonti ang mamanahin ng bawat isa (sanrekwa kase sila, di pa uso non ang RH bill), kaya eka nitong ating idol: “Senyo na lang, mga paté hindi na ako makikihati.”

4. Nagtapos ng Bachelor in Arts sa Colegio de San Jose, taz kumuha ng Law sa yUweSTi.

Si amo, me prend at klasmeyt na UST-gradweyt.

Saka blogger-friend — UST-gradweyt den.

5. Natengga ng tarti-deys sa Bilibid nuong 1869 (4th yr law-student sya) kasi kinwestyun nya ang mahal na singil ng parish-‘Fader’ (San Miguel, Maynila) sa pagpapabinyag ng kanyang inaanak.

6. Tumigil sa pag-aaral por 8 yirs; Humawak ng katungkulan sa Pampanga (1874-1875) at Quiapo (1878-1879).

7. Ikinasal sa pinsan nyang si Chanay (Marciana), sa Tundo nuong Pebrero 1878.

Pito ang kanilang naging anak (6 girls, 1 boy) pero dalawang babae lang ang natira dahil lima ang namatay nuong ito’y mga bata pa.

8. 1880, grumadweyt sa pag-aabugasya (30 yirs-old na nung na-admit sa bar); nagtarbaho sa Real Audiencia de Manila.

9. Kino-founded nya ang Diarong Tagalog nuong 1882, kung saan (among his oder writings) ni-featured at tinransleyt nya ang “El Amor Patrio” ni Rizal sa → “Ang Pagibig sa Tinubúang Lupà”.

Hongah naman!

Di maisplukan ng komon-Pinoys pag Kastila.

10. 1888: Sinulat ng isang Egustin-Fader ang “¡Caiñgat Cayo!: Sa mañga masasamang libro at casulatan” — para ‘iligtas’ ang mga Pinoy sa mortal na pagkakasala pag binasa ang “Noli Me Tangere” ni Rizal’s.

Egus 03 dat same yir: Sinulat naman ni Plaridel ang “Caiigat Cayó (Maging madulas na parang igat)” — bilang tugon sa kahunghangan ng “banal” na Egustin-Fader.

Itong mga pamphlets ni Plaridel ay parehong-pareho din ng sukat at pormat ng pagkakalimbag sa pamphlets ng mga Faders, kaya naipamudmod nang di-nahahalata ng mga bobo-sa-Tagalog na Spanyard otoritis at gwardya-sibil.

11. Dat sem yir pa rin, narelib ang mga ‘open-minded’ (liberals) at hinalinhan ng mga ‘trapong’ (reaksyunari) opisyal. Ginatungan ng isa pang Fader ang bagong-luklok na gobernor na ipatapon si del Pilar dahil sa kanyang subersibong pamamahayag ageynst La Frailocracia (gobermen opdi friars) & soverania monacal (monkish redyim). Pero bago pa mai-release at maipatupad ang order, tumakas si del Pilar patungong Espanya nuong Oktubre 28.

Nag-OFW?

Edi andami na nyang PIRA?

Ang misis ko, bayani din.

*bu-RAK!* *bu-RAK!* *bu-RAK!*

12. 1889, pinamunuan nya ang powletek-seksyun ng Asociación Hispano-Filipina de Madrid, taz naging editor na nga sya ng La Solidaridad (Disyembre 15, pagtapos ni Graciano López Jaena).

DI ko sila kilala,

Pero tyak ku, “anyaman-YAMAN na” nila!?

SyaraapP!

Bydiwey, eto’ng rekwet deman stan ng Sol,

↓ katenpeys ko na lang, hane?

— assimilation of the Philippines as a province of Spain;

— removal of the friars and the secularization of the parishes;

— freedom of assembly and speech;

— equality before the law; and

— Philippine representation in the Cortes (the legislature of Spain).

13. Habang nasa Espanya, nabalitaan nya mula sa text fb-message … liham ng kanyang misis na may sumunog sa bahay nila sa Bulacan. Base sa REPLY nyang liham (din) sa kanyang misis, hindi na sya nagtataka sa nangyari dahil mas masahol pa duon ang pedeng gawin ng kanyang mga kaaway. Kung ang napag-utusan (ng mga prayle) ay Pinoy o Bulakeño din, iyon ay dahil lang sa kawalang-muwang nito sa pag-ibig na kanyang iniuukol sa mga kababayan.

14. Lalong umigting ang kanyang “laban” nung nangonti ang pondo para suportahan ang Sol, taz wala pang mabanaag na tugon mula sa Kastilyan-kolonyal gobermen… Paynali, tinalikdan nya ang kanyang assimilationist stand at nagsimulang tanggapin ang ideya ng armadong pakikibaka.

——————————————————————————————

“Insurrection is the last remedy, especially when the people have acquired the belief that peaceful means to secure the remedies for evils prove futile.”

——————————————————————————————

Ang konseptong ito ↑ ang nag-insfire sa Katipunan,

ang samahang rebolusyonari na nitatag ni Andrés Bonifacio.

Plaridel’s (last) deys (he lived in extreme-poverti in Spain):

Malimit syang sumala sa oras ng pagkain.

Namumulot sya ng upos ng yosi na ubra pang hithitin (wintertaym, mewon duon).

— On 1 okeyshun, pinadalhan sya ng PISO (malaking halaga na ito nuon) ng kanyang bunsong anak na si Anita na dapat sana ay pambili ng sapatos nito. Dahil dito, parang gusto na nyang umuwi! — To teyk-care na lang of his FAMILI.

Dinapuan sya ng tuberkolosis. At dahil mukang-fyutayl na nga ang kanilang mga ipinaglalaban, nagpasyang umUWI ng Pilipinas. Derpor, prom Madrid, punta sya sa Barcelona para dun maghintay ng bapor na masasakyan.

Lumala ang kanyang TB kaya kinansela ang kanyang dyarni (HINDI sya nakauwi). Kinompayn sya sa chariti-ward ng isang Hospital Civil sa Barcelona.

Namatay si Plaridel sa naturang ospital nuong ika-4 ng Hulyo, 1896 — 50-deys befor nanyare ang Sigaw sa Balintawak. Ang kanyang edad: 45. Hindi man lang umabot ng golden-year (50-yirs-old).

Inilagak sya sa isang hiram-na-libingan sa Cementerio del Sub-Oeste (Southwest Cemetery).

At naiUWI din sya, sa wakas (Mordan 24 Yrs syang nakalagak sa Espanya):

Iniuwi sya sa Pilipinas nuong 1920 Disyembre 03, at inilibing (muna) sa Manila North Cemetery.

Inilipat sya for good sa Bulakan, Bulacan nuong 1984 Agosto 30. Yeis, sa kanyang birthplace, on his “134th” birthday.

“Antagal mo na ‘awala’, babayik ka din,

babayik… at babayik ka din!”

————————————————————————————————

Hmp!

Napaka-irrelevant naman nitong pinost nyo!

Aru…

E bakit binasa mo pa hanggang dito?

Pages: 1 2

Published in: Uncategorized on 30 August 2014 at 2:34 pm  Comments (2)  
Tags: , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2014/08/30/anawrik/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. […] anawrik, rebisited […]

  2. […] Ang puntod ni Plaridel sa kanyang birthplace. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: