haptúng

inkumplit pikyur →

KLIK-2-kumplit!

Bigyan kita ng “tips” kumbakit pagtapos mong magtaksil e hinDI mo dapat iwan ang iyong asawa.

Teka, teka…
Bakit ako?

IKAW naman distaym!
Luge kung palageng saliri-ko lang noh?

———————————————————————————————–

Yeis! Hindi mo dapat hiwalayan ang iyong asawa kase

Yun ang sabi utos ng Diyos e.

And unto the married I command, [yet] not I, but the Lord, Let not the wife depart from [her] husband: But and if she depart, let her remain unmarried, or be reconciled to [her] husband: and let not the husband put away [his] wife.” (1 Corinthians 7:10-11)

Nagpost na‘ko tungkol dyan nuon, tinginin mo details dito CLICK!

Ngayon, kung IKAW ang tipong ngingi-si-ngisi at tatawa-tawa lang sa sinasabi ng Bible (or kung atheist KA tuda-max) ay di itong susunod na lang ang tignan mo.

Lalong wawa naman ang iyong misis.

I sey “lalo” kase na-hurted mo na nga sya inda 1st-place nung lumeft-turn ka, aydi mas antsakit-tsaket nun pordi sekun-taym kung hihiwalayan mo pa sya… Mahal mo pa rin naman ang misis mo di ba?

May praktikal ilustreyshun na napakinig ako nuon mula sa pastor sa isang pinikyuran kong kasal (Praktikal, kase ayaw mo ng biblikal):
Nipagdikit nya ng paste ang dalawang piraso ng papel. Nung natuyo am-paste, yun dalwang papel, naging one piece na lang kase BONDED together na sila. Pinilit ni pastor na paghiwalayin yum papels: Watwudyu expect? One (if not both) paper ay mapupunet.

Astig ka siguro,
kaya hindi ikaw ang napunet?

Kung astig din ang misis mo, maski mas astig ka pa kesa sa kanya e ikaw pa rin ang mas talo dito sa pangatlo.

Tulad MO, baka mangaliwa na rin ang misis mo!

O di ba, kabado ka rin? … Aminin!
Pag nambabae ka, kargo mo yun; Pero pag misis mo ang nagluko, ikaw ang mas madi-dishonor kase dala nya ang apelyido mo!

Meytaw-i sa uyo! Mey-taw-i sa uyo!

Mantakin mo yun? HinDI pala i-yo ang pinaka-bunso sa triplets nyo?

Hmm… Pepede ba yun?

(*Huh! Sino ka?*)

Kung sa kambing pumwede, sa daga pa kaya?

Oist p’re… kesyo kambing, daga o aso:

Sa‘ting mga ka-‘aiuf-ans, ‘alang kaso yun!

Asney d’Gawt-braders and 18 oder bæstfolks like this.

Katwiran ng isang misis na gumanti ke mister ng pangangaliwa:
“Sya naman ang nauna, eh.”
Sajeschunan mo ng unnalment, ang reply:
“Gastos lang yun!”
Kaya eyun, kinapalan na ang pagmumuka. Tagal nang may ibang kinakasama* pero yung apelyido ng dating mister pa rin ang dala. Kung may gulugod itong bago nya ay bakit hindi ito ang kanyang pagastusin?
—————————————————————
*May (ibang) kinakasama = in moral legal terms, adulteri

Kaya “wa-is” na ang ilang boys nowedeys — ayaw nang pasakal… eheste, pakasal… Live-in* na lang! May basbas pa yun ng kanilang ‘church’ o ha? “Magtira ka nang onti para sa sarili mo,” eka ni pastur-d’mentur. Kaya eyun, kararaos lang nitong kanyang disaypol ‘tupa’ dun sa una e may kapalit na… Wat e testimoni!
—————————————————————
*Live-in = in church’s term, fornikeyshun

Bigboys, ismolbols! Bigboys, ismolbols!

– Mabalik tayo sa annulment
Kung hindi ka (daw) ‘wise’ (dahil pinakasalan mo nuon ang misis mo) pero naging ‘wise’ ka naman (daw) kase pina-annul mo/nyo ang inyong merej bago mo sya iwan –

Maha-hurt mo uli ang iyong misis (olbeit indirekli)
pordi 3rd-taym! — case #1

Dahil hiniwalayan mo na sya for good, you put her in a situation na mag-asawa na rin ng iba.

Ibang kaso ito: hindi tulad nung vindictive na misis na gumanti tit-for-tat ng pangangaliwa… Itong pinag-uusapan natin ngayon e misis na martir still HOPEFUL na babalik ka sa kanya as long as dala nya ang iyong apelyido. Ngayon, dahil ipina-annul mo na nga ang inyong kasal, all her hopes were gone. Check mo sinabi ni Lord:

It hath been said, Whosoever shall put away his wife, let him give her a writing of divorcement: But I say unto you, That whosoever shall put away his wife, saving for the cause of fornication, causeth her to commit adultery: and whosoever shall marry her that is divorced committeth adultery.” (Matthew 5:31-32)

Weh…
Sabi mo wala nang bible-bible?

Nipakita ko lang?
Mushado naman KAng defensib.

May mga matagal nang nabyuda, pero ayaw na tumanggap ng manliligaw kase feeling daw nila e parang pinagtataksilan nila ang kani-kanyang asawa. Nanliligaw pa lang yun ha? Besides, byuda na sila. Alam naman nating malaya na silang mag-asawa ulit pag namatay na ang kani-kanyang asawa.

Maraming babae ang minsan lang magmahal. Pag napilitan ang ganitong mga misis na mag-asawa ule dahil sa paghiwalay sa kanya ng buhay pa nyang mister, mabigat yun sa kanyang konsensya (pedeng habambuhay)… O, hindi ba hurtful din yun?

Okey… Halimbawang super-duper-persistentli-FAITHFUL si misis sa kanyang unfaithful na mister: hiniwalayan na nga ay hopeful pa rin as ever? Tinginin mo dito sa panghuli.

Maha-hurt mo uli ang iyong misis (olbeit indirekli)
pordi 3rd-taym! — case #2

May mga ex-couples (dating mag-asawa) na kahit hiwalay na (unnalment, dibors, or wateber) ay regular pa ring nagkikita — sey poreksampol pag may evens or celebreytments para sa common-junakis nila (debut, budey, etc). Hindi malayong may ibang anyayare sa kanilang pagkikita… Kung sa isang dating kabit nga, pedeng ‘may mangyari’ ule pag nagkita kayo – dun pa kaya sa dating asawa mo?
Pangkaraniwang linya ng bago ay ganito:

Sigurado ka bang anak mo lang ang ipinunta mo dun? Baka nagkita rin kayo ng dating asawa mo, ano’ng ginawa nyo!?

Exciting! Affairs with the ex-misis na ang patago.
Binibigyan mo lang sya ng guilty feelings pag ganyan.

Ageyn: hindi ba mabigat sa konsensya ng isang ex-misis yan? Kapag iya’y nalaman ng ex-mistress (syang legal na jowa na ngayon) — pramis, malaking gulo yan… Hurtful!

——————————————————————————————————————————————

All of the above:
Beri komplikeyted, ‘nu poh?

Published in: Uncategorized on 28 September 2014 at 7:00 am  Leave a Comment  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2014/09/28/haptung/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: