burol

( anoder undasjalowin special )

Egus 8, pas-9:30 piyem: We’re doin the routine of locking the doors.
At dahil si misis ang huling nanggaling sa banyo (nasa labas ang CR namin sa 4th flr) ay sya na rin ang natokang magsara ng main door.

“Bakit ayaw ito sumara?”

Hindi mai-locked nang todo, kasi ayaw lumapat ang pinto.

“Mukang may naipit sa labas,” ekako.

Tiningnan ko — at nyay! iyang nasa pikyur nga ang nakita ko.

WARNING:

Graphic content WAG mo na kaya click!? →

Hu hu hu kawawa naman! (*Sori po*)

Graphic nga!

Luwa ang bituka!

Butiki, botika, bituka! Butiki, botika, bituka!

Sinungkit ko ito ng patpat para tanggalin (or else matutulog kami ni misis nang nakabukas ang pinto)… Balak ko itapon sa basurahan pero nahulog sa lapag. Ayaw ko nang pulutin (puro dugo ih! taz andilim pa dun sa linagpakan), derpor ginamit ko ulit ang patpat para i-‘syato’ ito pababa sa hagdan. Napalakas yata ang igkas ng aking braso, kaya nai-catapult ito at pumagkit sa pader sa pagitan ng dalawang nag-cross na tie-beam malapit sa kisame.

Sori po uli…

After 9-deys (‘pa-siyam’)

Dyan na rin sya inabot ng ‘pa-40-deys’. →

Piyestam-patay na bukas (Nob 1)
pang-84-deys na, nakapagkit pa din. →

Kyuryus tuloy ako kung dyan na rin sya ipagbababang-luksa.

————————————————————————————————

Eniweys, habitat nya ang kisame.

‘At-home’ sya diyan — derpor happy.

Published in: on 31 October 2015 at 3:00 am  Leave a Comment  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2015/10/31/burol/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: