porpor

( 4 left-yirs egow )

deminiscing d-deys… dagdag-bawas!?

plus (+) 1 day, minus (-) 3 days = 363 days
Lugi pa ng dalawang araw sa regular na
non-leap year.

Hinde po.
DI lang na-prufrid bago i-masprinted.

Nasa Friday pa rin ang April 1 — isulat na lang sa March ang 29, 30 at 31.

In-advanced ko ng three days ang aming ‘wed-nibersari’ post. Sayang naman kase kung maba-blangko itong date na every 4 years lang kung lumabas sa kalendaryo… Eniweys, February 29 is truly a milestone in our marriage when I left my employment 16 years ago.

——————————————————————————————————————————————

Naalala ko nung masaya pa kaming nangungupahan sa ma-dagang silong ng bahay ng isang mabait na former MRRTC director malapit sa Km-post 142 sa barangay Maligaya… Kinumbinse ako ng aking asawa na mag-apply for occupancy sa staff housing na bagong-gawa pa lang nuon. Okey lang sa akin (for the meantime) dahil privilege namin yun bilang parehong empleyado, lalo na’t magkasama kami sa iisang departamento.

Ang siste, nag-ambisyon ng mas malaking bahay itong misis ko: Mas type nya sa duplex na may three (3) bedrooms — dun sa eka nila’y “Batac village” [ Sila’ng may sabi nun, hindi ako ]. Kumbakit nasilip-silip nya ang apparently less qualification ng isang applicant kaya nasabihan tuloy sya na hindi basis sa selection ang ‘loyalty’ — both of us being ‘pioneers’ since much earlier than 1988 in Los Baños.

Reasonable enough, and I whole-heartedly agree & accepted that; Hindi ko lang malimutan itong pahabol na pasaring ke misis:
“At least sigurado kong mabubuntis ako!”

To my blog READERS: This MAY apply to anybody, not only YOU (huwag mong angkinin)

Hindi ‘sama-ng-loob’ ang aking mga isinusulat — in facebook or here in my blog: Trip ko lang i-exercise ang aking sharp memori. Aayaw ka lang naman na makaalala kung meron kang mga kasong paris nito… Madami din akong posts na posibleng ‘Like’ nyo (pakihanap na lang) kase pabor senyo mga sinasabi ko.

Kung sa misis ko lang, hindi naman mapagtanim yun… My posts are not aimed at our ‘offenders’ (quote, unquote). I suppose na sa tinagal-“tagal nang nangyari nun” ← (that is most likely what they will say) siguro naman they already felt sorry about that (baka ayaw na ngang maalala)… Let this be a reminder or warning na lang sayo na nagbabasa para habang bata ka pa e maiwasan mong maging ganun ↖ ka-taklesa.

(Eto ang payo ko kay misis, pwede ring senyo…)
Okey lang ang makipag-compete, pero —

Tignan nyo muna kung talagang kelangan nyo ang inyong ipinagko-compete.

Halimbawa, bakit ka lalaban ng patangkaran kung alam mong punggok ka — sasali ka ba sa beauty contest? Hindi naman lahat ng magagandang bagay e sinalo na ng matatangkad… Poreksampol: Me mga kilala akong lampa, kase matangkad. Mas mababa ang center of gravity ng mga punggok kaya sila mas matatag.

Ang concern lang ni misis kumbakit 3 bedrooms ang ibig nya ay ang aming mga kapamilya kung sakaling may bibisita.

May isang pagkakataon na dumating ang Mom at Tita ko habang naruon ang dalawang kapatid at dalawang pamangkin nya… Taga-Calamba kami, taga-Angono sila — wala sa aming mag-asawa ang taga-Nueva Ecija.

Pagtuunan mo kung ano ang meron ka; Huwag mo nang pakelaman kung ano ang wala sa iba to be or not to be qualified.

Hongah eyan tuloy —
Naipamukha pang baog(?) tayong dalawa.

Bwa-hahahaha!
Below the belt, antsaket-tsaket!.

Kung sa akin lang, blessing na yung nai-award sa aming two-bedroom apartment… In fact, maski hindi na kami umalis dun sa aming inuupahang silong kina Director Eugenio sa may km-142, malawak at mapuno pa ang bakuran. Kuntento na ako duon — lalo’t wala naman akong kahina-hinagap na maghihintayan pala kami ni misis nang naaaaaaaaaapakatagal sa kanyang pagre-resign.

Maski kelangan mo ang isang bagay, it doesn’t mean that you have to compete for it — kase baka nga naman hindi ka nga qualified?

Oo, maghanap ka na lang ng ibang paraan (God will provide) — baka mas praktikal at convenient pa nga kaysa naman kakapalan mo ang iyong mukha para makalibre o ‘makatipid’ lang…

——————————————————————————————————————————————

Merong 29 ang February this year, kaya dito ako nagpost sa aking 16th year as freelance servant & private citizen.

( Click the calendar-pikyur pormor sundot-memori )

Published in: on 29 February 2016 at 10:00 am  Comments (2)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2016/02/29/lipyir/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. Kung di mo na-gets: Dun sa kalendaryo, merong 29 itong February (kasi leap year) pero yang March, nawala ang 29, 30, 31 (proof-reading error)

    Umakyat ako kahapon (Feb 28) — sapol na sapol ang Panagbenga kuuuU!

    Pagbaba ko na lang itutuloy itong post.

    ————————————————

    0n 03 March 2016 at 1:43 pm homebodyhubby appended:

    Nandito pa rin sa hyland; lumabas lang para mag-cafe’ (internet) sa downtown…

    Mukang lulusong-loland na‘ko tomoro.

  2. […] Yung nagpa-sublease ng pwesto nila nuon sa amin, eka kay misis, sabay turo sa kausap na tricycle driver:
    “Eto baog din!” … Pinagsabihan namin, tinablan naman. […]
    ————————————————

    0n 02 March 2018 at 7:28 am baog bantayog appended:

    Nasa Baguio ako for around 20 days (2018 Feb 5~25); Bumaba saglit ng Feb 10 pero umakyat din kinabukasan.

    Feb 10 ∙ BAGUIO 🚍 11:15 am → 5:45 pm Cubao 🚍 6:00 pm → 8:00 pm Halang junction Calamba 🚙 10:10 pm → 10:15 pm Lecheria ⛪️
    Feb 11 ∙ Lecheria 🏍 11:50 am → 11:55 am kanto Pansol 🚍 12:00 n → 2:00 pm Cubao 🚍 3:15 pm → 8:50 pm BAGUIO 👣 8:55 pm Haybolsite ⛺️

    Ang avatar ay bulaklak 🌻 derpor ito ay pingback.
    Scheduled post, lalabas tomoro… Paakyat uli kami today.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: