kwadro

Hindi madali para sa akin ang gumawa ng datung.

Watdu-aymin-bydat?
Busisiin natin (in english) ang key-werd:

↓↓

1. Madali (easy) = hindi mahirap

2. Madali (fast) = hindi matagal (derpor, mabilis)

Itsd’2nd one = Hindi mahirap (not hard) pero matagaaaaaaal! (long-time) para sa‘kin ang gumawa ng kwarta.

Derpor, hindi ako otentik na “mahirap” (poor)
kundi “matagal” (long-timer) lang…

Pero hindi naman super-bagal kundi obsesib-kompulsib… eheste, metikyulus lang! Ay sa talga namang mabusising gawin bago i-FRAME some certain jobs ↗ like that one.

Sir, kung nag-abroad po kayo
mayaman na kayo nyan.

Wehe, thank you!
Dami nang nambola sakin ng ganyan.

May mga pinapa-frame din namang hindi mabusising gawin (maliliit or simple lang) kaya basta meron akong stocks ng supplies dito at wala akong ibang gagawin, pedeng i-rush ng at least one day.

Kahit di-mabusising gawin, pedeng matagal din bago maumpisahan dahil malalaki — or kelangan ko pang lumuwas para bumili ng materyales… Isa-isahin natin:

1. Backing board
Ubra na ang 1/8 plywood na mabibili sa sukat na 4 x 8 feet sa local hardwares. Napansin lang namin ni misis na parang numipis na ang ganitong plywood dito sa Muñoz.

2. Mouldings, about 10-foot long each
Merong kahoy (wood mouldings) pero payag na sa polystyrene ang mga nagpapa-frame dahil di-hamak itong mas mura. Kunsabagay di mo naman mapagkakamalang hindi kahoy, envi-friendly’ pa eka.

Sa Maynila ako bumibili ng frame sticks na hinahati o pinahahati ko para pede kong tanganan nang patayo habang sakay ng bus. Hindi ko ipinalalagay sa baggage compartment dahil kahit balutin ay nagagasgas o nade-deformed sa tagtag ng around 4-hour journey.

Mas mura kung bibili ako ng buong sukat taz puputulin ko lang sa gitna, pero minsan maaksaya ito dahil madaming retaso. Pwede kong putulin roughly into size pero mas magtatagal ako duon. Kaya kahit may guillotine at underpinner ako sa bahay, ipaseserbis ko na (opkurs may extra charge sila)…

— chopped (mitered corners) taz ipababalot ko na lang, or

— chopped-&-joined (mismong frame na) na dahil malapad ay mas bulky bitbitin.

3. Matboards, 32 x 40 (or 30 x 42) inches per piece
Sa Maynila din ako bumibili, mas mabigat pero less ang pagbaluktot pag bibili ako ng madami. Kung meron man dito sa San Jose o Cabanatuan, mas mahal na nga, limited pa ang choices ng types at colors. Mas okey pang bumili pag ako’y nasa Baguio, kina-cut-into-size ko na lang at binabalot nang maige sa kubol bago ako bumaba ng Nueva Ecija.

Bumibili lang ako pag may magpapa-frame. Hindi magandang magstock, pedeng mag-deteriorate dahil sa humidity o inet at insect pests.

4. Glass, 36 x 48 inches ( 1/16” thick) clear
Pwera na lang kung larger than 3 x 4 feet ang size ng frame, hindi advisable ang paggamit ng 1/8 inch thick na salamin, kasi mabigat. May sukat itong paris ng plywood hanggang 4 x 8 feet.

Merong mabibilhan dati ng 1/16 dito sa bayan, nagpapadeliber ako hanggang dito sa 4th floor ng isa o dalawang pirasong buo, then ako na ang naghahati base sa sukat ng kwadro.

Ngayong wala nang mabibilhan dito sa Muñoz, paisa-isang pirasong 36 x 48 na lang ang binibili ko sa San Jose at iyo’y pinahahati ko na duon into size. Bukod sa nakakangalay e mas fragile din kasing bitbitin pag buo. At kahit pa hinati na, hassle dalhin kung sabay na bibilhin ang magkakaibang sukat: Poreksampol, isang maikling malapad at isang makitid na pahaba! Kapag talagang malaki ang ipe-frame, dinadala ko ang kasukat nitong backing for added protection; Samakatuwid, DI ko maumpisahang gawin ang malalaking projects hanggang hindi pa nabibilhan ng salamin. Hindi ko pa maidikit yung artwork sa backing kasi baka ito ma-damage o madumihan.

Sa erkon bus ako sumasakay (sa senior or PWD seat pag bakante) habang tangan ang nakabalot na salamin sa aking harap. Yawko sa jeep, baka may malikot na batang pasahero e masipa at mabasag.

Sinasamahan ako ni misis kapag malalapad ang bibilhing frames, matboard, o salamin. Bukod sa may aalalay (mabigat na sa aking pagbitbit), siempre malapad din ang space sa aming harap kapag dalawa na kaming magkatabing nakaupo sa bus o dyip.

5. Accessories: Glues, tapes, V-nails, hangers & screws, eyescrews or D-rings, nylon cord — mas madaling bilhin ito dahil available in almost all book or hardware stores, saka maliliit at magagaan lang na pedeng ibulsa o ilagay sa bag.

6. Bubble sheet, width = 1 meter (naka-roll)
Bumibili lang kami ng tingi (5 meters long) na syang ipinambabalot sa binibili naming mouldings at matboards. Ginagamit din naming pang-packaged ng mga finished frames for pick-up by the customers.

Sinasabi lang namin ang saktong presyo ng framing (thru text or call) pag tapos na kasi duon pa lang namin talagang nako-compute ang ginastos at ang aking laboryus.
Ang reaction sa presyo (usually first time customers) e “Ang mahal!” — kaya ang sagot namin ni misis ay “Tignan mo muna kasi…”
Pag nakita na, “Ay, ang laki pala?” o kaya “Angganda!”
Kapuranggot lang kasing tignan ang isang artwork pag hindi pa naka-frame, lalo na kung nakarolyo o nakatiklop pag ibinibigay sa amin. Kapag inunat na taz nilagyan ng margin (matboards) plus yung lapad ng frame, siempre lalaki ito hindi lang sa paningin…

Kung sa hitsura, palagay ko kahit anong bagay kapag ni-frame e nae-enhance ang ganda.


Framing lang ang pwede ko iserbis sayo, at timeframe ko ang masusunod; I set my own deadlines… Naaapektuhan kasi ang aking performance (naks!) — i.e., my output — kapag may nangungulet!

Hindi ako full-time na nasa 4th floor, kaya di lahat ng inilalapit for framing ay aming tinatanggap — maliban na lang sa mga suki sa dati naming shop (1997-2004) na okey lang maghintay kung kelan ko ito mahaharap… Inire-refer namin sila sa iba kung talagang kelangan nilang ipa-rush .

On a monthly basis ako umaakyat.
Dami ‘land-escape’ work sa Haybolsite.

Published in: on 31 July 2016 at 7:00 am  Leave a Comment  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2016/07/31/dyolai/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: