pakwits

( pakraym pre-rekwisit )

Him hath God exalted with his right hand to be a Prince and a Saviour, for to give repentance to Israel, and forgiveness of sins.” (Acts 5:31)

——————————————————————————————————————————————

Ito’y opinyon ko lang uli, base sa aking obserbasyon sa buhay-buhay. Kung makakarelate ka, ibig sabihin natsambahan kita. Keep in mind that I’m writing this to urge you to THINK — not to put you down. Kapag ika’y defensive, malabo kang makakapakinig.

Responses to guilt that will keep you from saying I am sorry… Hindi ko uli ni-check-an ↙️ kasi parehong BAD yan.

Denial, or pagmamaang-maangan — “Ginawa (or sinabi) ko ba yun?”

Common sense lang: Paano kang magsosori kung sa simula pa lang ay itinatanggi mo na ang iyong ginawa? Wala ka ekamong kasalanan, ano pa nga ba ang ipagsosori mo?

Ang prevailing trait ng mga taong ito ay showy at plastik, the ‘peace-loving’ type (daw) na trying-hard to be friendly dahil pa-good image. Worried sila sa negative feedbacks tungkol sa kanila kahit tutuo pa. Survival instinct na yata nila ang maging ‘malilimutin’ as a result of their denial sa kanilang guilty feelings.

Minsan bumabait din naman: Tuwing Sunday pag nagsisimba, pag pasko at mahal na araw, o kaya kapag may mabigat na problema o pag nagkakasakit… Full of hugot na ipo-post pa sa status sa facebook “Sori sa mga nagawan ko ng kasalanan.” (‘papansin’)

Bakit hindi ka na lang maging specific? Bakit di mo tukuyin at puntahan (or i-pm or itext or tawagan) yung taong na-offend mo at personal kang magsori in private? Oo, ganun na lang, imbes na ganyang nagsosolicit ka lang from your friends ng simpatiya (Like!)… Yung totoong sori, hindi yung nangangatwiran na may halong panunumbat pa: “Ako na nga ang nagpapakumbabang magsori sayo!” Pag ganyan ka, malinaw lang na ang focus mo ay sarili mo pa rin to free yourself from guilt, hindi duon sa taong na-offend mo. Hindi ka tutuong nagsisisi nyan kundi nagpapaawa.

Justification, or pagbibigay katwiran — “Oo, ginawa (or sinabi) ko nga yun, pero tama lang yun!”

Again, common sense lang: Paano kang magsosori kung in the end ay sasabihin mong makatwiran ang iyong ginawa? Tama lang ekamo yun (hindi kasalanan) ano pa nga ba ang ipagsosori mo?

Eto naman yung mga walang pakialam sa sasabihin ng tao kase nga tutuo. Siguro nakukunsensya silang magsinungaling (at least!) kaya hangga’t maaari e ayaw nilang malaman ng ibang tao ang kanilang sikret (skeleton in the closet). Pero kapag nasundot ang kanilang conscience, they react outrageously (proof lang na tumatalab ang pangungunsensya mo) pero sa halip na magsori e idadahilan ang ibang tao kaya daw nila nagawa yun — ang kanilang magulang, kapatid, asawa, anak, etsetera… Pag wala nang ibang maituro, makatwiran lang daw na ginawa nila yun, to the point na nagiging predisposed na sila sa deluded at violenteng pag-iisip at gawa. They even accuse you of condemning them (kasi nga self-remorseful) — pag nagpakamatay, kasalanan mo pa… Their pride is so strong na kahit natulungan mo na at nangutangan ng loob sayo e atubiling mag-express ng kanilang thank you. “Dapat lang!” eka pa nila, na para bang karapatan nila at obligasyon mo na sila ay tulungan.

Natural lang sa isang tao ang ma-guilty pag alam nyang may BAD syang ginawa dahil binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng kunsensya. Ang isyu ay kung paano ba tayo magre-react sa ating guilty feeling? Hindi makari-realized ang tao ng kanyang kasalanan kung hindi sya makukunsensya. Pag wala kang kunsensya, you will still ‘feel good’ kahit may atraso ka sa iba — kaya nga ekako nagiging malilimutin… Paano naman yung mga taong in-offend mo? Hindi fair at walang justice pag ganun, di ba? Kaya nga maski sa politics at society ay may dapat na kunsensya ng bayan to correct malpractice… Ang kunsensya ay pwedeng maghatid sa tao patungo sa genuine repentance or self-remorse.

The two extreme cases that I sampled above — isang deny-deny at isang justi-justifiy — ay parehong sinusurot ng kanilang kunsensya at posibleng sising-sisi na. Ayaw lang nila umamin at magpakumbaba. Dahil ayaw pakinggan ang kanilang kunsensya na sila ay guilty, sa kalaunan ay nakumbinse na ang kanilang mga sarili na wala silang kasalanan… Hindi pa nga ganun kagrabe ang mga iyan; The worst scenario ay yung mga paris ng mga taong eka nga e ‘halang ang kaluluwa’…

You don’t have to be self-remorseful dahil ang Diyos ay madaling magpatawad kung sincere kang nagsisisi na at nagpapakumbaba. Ang tutuo nyan, kaya ka nga self-remorseful ay dahil hindi ka sincere… Lalo mo lang pinakakapal ang kalyo ng manhid nang kunsensya mo.

“ I will remove from you your heart of stone and give you a heart of flesh.”

(Ezekiel 36:24)


Pinahihirapan mo ang iyong sarili sa paglaban sa kunsensya mo.
Sisingilin kang lalo nyan pag ika’y nakaratay na.

Published in: on 25 December 2016 at 7:00 am  Comments (1)  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2016/12/25/pakwits/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. Akala MO lang okey ka ngayon, pero at the back of your mind nariyan pa rin ang GUILT! Bubuligligin ka nyan sa panaginip hanggang sa pagtanda mo — even after you died.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: