m-n

Ikaw ba’y isang ANAK na sa tuwing magsusulat ng iyong full name ay pilit na isinasama ang iyong middle name — or ang apelyido ng nanay mo? Alin dito ang tutuo sayo?

Mahal mo ang nanay at tatay mo, at proud kang ipagsigawan na ika’y bunga nilang pareho.

Masyadong maiksi o di-glamorosong pakinggan kung given name + surname mo lang. Mas maganda ang rhyming pag ilalagay sa gitna ang apelyido ng nanay mo, o kahit unang letra lang nito (middle initial mo).

Mas “kilala” at tanyag ang angkan ng nanay mo.
Lahi sila ng mga abugado, doktor, arkitekto, engineer, artista o politician. Ang angkan ng tatay mo e “wala lang”…

Baka nga in-OMIT mo na nang tuluyan ang apelyido mo?
Pedeng for legal reasons (poreksampol: immigration purposes kase relatives ng nanay mo ang foreign citizens) which may be valid…

Pero kung hinde —

… siguro hindi kayo “in good terms” ng TATAY mo?

——————————————————————————————————————————————

Pakisabi sa mapalad mong NANAY
Happy Mother’s Day…

Published in: on 14 May 2017 at 7:00 am  Leave a Comment  
Tags: , ,