dyunakis » 2017-08-15_0943

One CommentLeave a comment

  1. Hindi ko maiwasang matawa at mangiti nung makita ko ↖ yang naging itsura ng stolen shot sa akin ni misis.


    Base ito sa kwento ng ermat ko:

    Circa 1957 or 1958, parehong menor de edad (18~19 yrs old) at babago pa lang silang nagsasama ng erpat ko. Lumapit daw ang aking dad sa kanyang tatay sa pagbabaka-sakaling mabibigyan sya ng trabaho. Ang lolo ko, imbes daw na tulungan e pinabalik lang si Dad sa nanay nya (lola ko)…

    Di ko alam kumbakit: Pwedeng napahiya si Lolo dahil sa unibersidad yata sya pinuntahan ng anak; Posible rin namang nagkataong mainit lang ang ulo…

    “Terror” na UST professor daw si Lolo
    ayon sa mga estudyante nuon na nakakakilala dito.

    Whatever the reason, eka daw ni Dad sa aking Mom:
    “Hindi na ako lalapit sa kanya kahit kelan.”

    Maraming pinasok na trabaho ang father ko since then. Primero, nagtinda sila ni Mom ng banana cue. Nung ang elder sister ko pa lang ang anak nila (1960), sumama si Dad para makatulong sa isang construction sa Baguio… Back to Manila, naging kunduktor ng bus (Fred Liner), waiter ng restaurant (Aristocrat), kubrador ng kuryente (Meralco) na pawang mabababa rin ang sweldo — hanggang sa maipasok nga sa PRC nung 1966 sa rekomendasyon ng nanay nya (lola ko). Apat na kaming magkakapatid nuon…

    Tuluyan na kayang nawala ang interes ng Dad na makita ang kanyang ama? Sa part ng Lolo ko (kung may pananabik pa syang makita ang anak) e mas lalong hindi ko alam.

    1976, napilitang magresign ang Dad sa PRC (6-yr old na nuon ang bunso sa aming anim na magkakapatid). Nasa Calamba na kami at wala ni isang maaasahang kamag-anak dahil hindi kami tagaruon… Sa awa ng Diyos, nakakaraos naman kami sa pagtitinda at paglalako tuwing gabi ng chicharon-baboy, penoy at balut.

    DI ko lang ma-imagine: Despite na meron kaming doctorate na lolo (he died Oct 1981) at first town mayor na lolo sa tuhod (during the time of Aguinaldo) — both obyusli influential (pero parehong hindi namin nakita o nakilala nung buhay pa) ay dumanas kami ng hirap sa Calamba hanggang sa magkasakit at yumao na rin ang aking Dad nung 1985.


    Ikaw na nagbabasa: Don’t give me your piece of advice (or kung anuman yang SHARE-able hugot-quotes na natisod mo lang sa internet) I am not complaining, nagkukwento lang — Blog ko ito, noh? (Gumawa ka ng iyo) “Things happen for a reason.” (Dats pretty obvious)

    Nakakarelate KA ba?
    Ituloy mo ang pagbabasa → dito


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s