sampu-sampu

Sampu mo vs sa sampu mo din.


Eto ↓ muna ○ Pedeng memya na ↑ yan.

Naalala ko nung minsang nanyut ako ng isang kasalan… After the ceremony, dun sa posing-posing for pikyur-taking with the altar as bakgraun, eka nung isang matandang NINONG:
“Bakit nasa kanan ang groom? Dapat nasa kaliwa!”

Medyo napaisip ako pero hindi nagpahalata. Walang ibang kumibo, kaya eka ko na lang: “Ganun po sa amin.”
“Ah, mali yung senyo. Dapat nasa kaliwa.”

Hindi nyo naitatanong, nuong ako’y research photographer pa ng PhilRice, malimit akong naiimbitahang mag-cover ng wedding: Mula sa bahay ng bride, then sa simbahan, hanggang sa kung saan man abutin ng pagtatapos sa reception. Walang bayad; Malimit, sagot ko na rin (from my own pocket) pati film rolls at developing-printing ng pictures — tulad nyang ibinibida kong may ninong na old man ↑ nung 1992.

Ewan ko kung may rules ba o pamahiin kung saan pupuwesto ang groom; Kaliwa o kanan e maano ba? — Basta ba walang kaliwaan e hehe… Kahit pa ba madami na akong naikober na kasalan before (catholic, protestant, born-again) e hindi ko naman masyadong pinagtutuunan yang tungkol sa… “puwisto!”

On the bridal car habang papunta na sa bahay ng bride for the reception, eka sa akin ng newly weds na couple: 🚹🚺
👈🏽 “Mayor namin dito yun!”

Gotcha!
Gusto lang palang magpakilala.

May puwisto nga! Palibhasa hindi ko sya napapansin…
Hongah noh? Nandun pa naman ako sa kanyang teritori.

E ser…
Hindi ka man lang ipinagtanggol nung mag-asawa?

Nahihiya din! Alam mo naman kalakaran sa pagkuha ng sponsors: Basta “big time” — DI importante kung ka-close o hinde.

Ang tutuo nyan, may isa pang pasaway akong napansin: NINANG naman na pagkadonya-donya ng bihis… Tho hindi ito kasing-braggart ni Mayor (with due-respek) e medyo nasusot ako nung ni-pushed aside nya yung sakristan(?) nung nagpipirmahan na ng marriage contract. Yes, “push” lang (marahan) — hindi naman itinulak as in isinalya, in fairness… Nakapambahay ‘lang’ kasi itong bata na taga-abot ng kontrata (orphan siguro), at ayaw nyang makasama ito sa pikyur.

Sampolan ko nga itong sina ninong at ninang: Sa reception ang mga pikyurs nila e puro nakanganga habang kumakain. (Ekyusmi po)

Homo barbarush was right
Sa mga ikakasal: Pag pipili kayo ng sponsors, huwag kuneksyun ang titignan; Mas isaalang-alang nyo yung malalapitan at mahihingan ng payo pag may problema kayo sa relasyon nyong mag-asawa…

Pag-ilang anibersari nyo na ba?
Don’t break the 7th and 10th* commandments.
(*10th = ginawa nilang pangsiyam)

Okey, balik tayo sa sampu-sampu mo ↑ sa itaas:
CLICK mo lang yung malaking pikyur, nasa COMMENT nun ang diskusyon.


DI mo kelangan maging UP-gradweyt para maintindihan yun.
Hapi Loyalist… eheste
Loyalty Day.

Published in: on 10 October 2017 at 9:44 am  Leave a Comment  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2017/10/10/tenten/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: