lq

Paano mo gustong mamatay?

Paano mo gustong malibeng?

itay..
ang morbid..

Anak, undas ngayon…
Ekyusabol ang ganyang
last qwestyuns.


MATAY
Bihira ang namamatay nang parang wala lang: yun bang natulog ka, taz hindi na nagiseng? Kahit yung mga sinasabing namatay dahil sa katandaan, usually may underlying illness na sa autopsy na lang nalalaman.

1. Sakit.
Ano mas type mo: dahan-dahan, o bigla?
— Bigla (ex: heart attack, stroke) = pag napuruhan ka sa unang atake pa lang, kalunus-lunos para sa iyong mga naiwan.
— Pag na-comatose ka, parang dahan-dahan din. Hirap ka na nga, ginagastusan ka pa; Yun bang aparato na lang (oxygen tank, etc) ang nagsu-sustain sayo?
— Pede ring conscious ka, or sa mga kaso ng terminal illnesses (ex: cancer, diabetes, sakit sa bato). Mamatay ka na rin pala e kagastos-gastos para sa iyong mga maiiwan lalo na kung said na ang lahat ng naipundar mo.

2. Aksidente
Dahan-dahan, o bigla?
— Bigla = dead on-the-spot, kesyo tinamaan ka ng kidlat o nasagasaan ng pison…
— Dahan-dahan = yung mako-comatose ka muna nang ilang araw sa ICU, kase di ka napuruhan: pero wala din.

————————————————————————————
Yung “dead-on-arrival” ay dahang-dahang bigla yun:
Sa tama ng kidlat, pede ka pa umabot nang buhay sa ospital;
Sa sagasa ng pison ay ewan ko lang.

3. Ni-sadya
Yang aksidente, ‘di sadya’ (unintentional); Pero pag pinatay ka, ‘sinadya’ yun, hindi pede mag-sorry yung nang-murder o nang-homicide sayo (siempre, ‘sadya’ nga eh)… Pede ring ilagay sa kategoryang ito ang bitay (‘sadya’ din yun)…
Ageyn, dahan-dahan, o bigla?
— Bigla = poreksampol pinagsasaksak* ka ng ISA lang pero patay ka agad, kasi fatal stab eka; Or pinagbabaril* ka ng ONE fatal gunshot.
(*Dami saksak, dami putok: pero isa lang tumama… Kuuu! Ka-morbid!)
— Dahan-dahan = yung to-torture-in ka muna bago patayin: kukurutin nang pinung-pino o kikilitiin?

LIBENG
Gaano man katagal ang lamayan, sooner or later dapat ka na ilibeng… Kumpatay ka na, hindi mo na ito dapat problemahin(?) dahil gagawa ng paraan ang maski hindi mo kaanu-ano, kasi mamamaho ka!

Dasrayt!
Meron at merong paglalagyan sayo.

1. Baon o pantson?
Ihuhugos ka sa lupa o isisilid sa nitso, usually kasama ang pinag-displeyan sayong aparador ataul.

2. Well-done o raw… eheste, cremation?
— Mas matipid eka sa space (derpor sa gastos din) kapag isang dakot na abo na lang ang natira sayo kase pede mong isoli ang kahon. Hongah naman, sayang kung bubulukin lang din yung kabaong.
— Mas solemn eka ang dating, kumpara sa mas nakakaiyak o nakahihimatay na ritwal kapag buong tao pa ang nakikita mong ililibing.
— Mas environmentally friendly, kaya pedeng ilagay muna for some time ang urn sa bahay nyo.

May-katawan (may-ari ng katawang mamamatay) ang magdedesisyon kung paano nya gusto nyo syang mailibing — buo ba or susunugin?

Kung ayaw nya ng cremation at hindi kayo pabor sa gusto nya e di sabihin nyo, “Ilibing mo sarili mo!”


Huling byahe na nga sa lupa e titipiden nyo pa.

Tsk! Tagalan nyo na lang ang burol
baka sakaling makabawi sa mga abuloy.

In fairness, may mga kahit sa huling sandali e napaka-generous pa:

3. “I-donate nyo ang mga piyesa ko.”
— organs for transplant or whole body for medical study (specimen)

Isip-esep ⚰️ inside the casket:
Bukod sa praktikalidad (tipid at less-abala) or kaarti-arteng rason (isasaboy sa dagat o tataniman ng puno ang ashes mo), ano ang iyong dahilan at ‘creamate’ ang napili mo? Hindi kaya sort of penance or self-castigation dahil may guilt ka sa hindi mo pagdi-dispose nang ayos sa bangkay ng isang mahal sayo?
Poreksampols:

Nagpalaglag ka, taz itinapon mo sya kung saan.
— Pinalibing mo sya pero hinayaan mong ma-evict sa kanyang huling hantungan.


Anak, huwag mo ako ipapa-cremate, hane?
Okey lang kahit binalot sa banig, basta ilibing mo ako
nang buo.

Published in: on 31 October 2017 at 11:50 pm  Leave a Comment  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2017/10/31/lq/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: