nuno

(one year traking-bak)🎩

As per records, nasa lineage nga ako, perhaps twice removed from the ‘legal’ line… (Anudaw ba yun?)


Some time early in 1980s, in-invite ako ng aking bestfriend sa isang orientation ng UP Subol Society. Taga-Balungao sya; Alam nyang tubong-Katagalugan ako, pero naibibida ko sa kanya na Pangasinan ang probinsya ng tatay ng Dad — or ang aking hindi pa nakikitang Lolo… Okey lang daw kung ayaw kong tumuloy (maging member) basta umattend ako: “Pag tinanong ka nila kung tagasaan ang lolo mo, sabihin mo sa ‘Sison’.”

Hindi pa ako nagagawi nuon ng Pangasinan, at malay ko ba kung sa mga unang akyat ko ng Baguio ay twice nang dumaan duon ang bus nang balikan? Siempre hindi ko pagtutuunang-pansin kung saan banda yang Sison…

May alam kaya si bestfriend tungkol sa aking pinanggalingan? May kilala kaya syang mga kaapelyido ko? Tugma kasi ang kanyang suggestion 33 yrs ago sa records na na-researched ko last Aug 2017: My grandfather, who got married and lived in Cavite City, then died and interred in the same locality, was indeed born (1909) in Sison PANGASINAN.

‘Panggalatok’ daw itong lolo ko, sabi ng motherside relatives kong taga-Zambales, kaya ang akala ko nuon ay Pangasinense ang aking paternal roots; But I learned lately na nasa Eastern part ng province din pala ang bayan ng lolo. Ayon na rin sa eldest kinsman na nakilala ko lang thru social media at personal na nabisita sa Flores nung nakaraang taon (25 Nov 2016) — ang aming common ancestor (tatay ng lolo ko, samakatuwid lolo ng aking Dad) ay isang Ilokano na tumira sa Sison at naging first town mayor ng San Manuel nuong panahon ni Aguinaldo.


Salamat sa inyong tulong.
Tuloy lang ang search. 🔍

Published in: on 25 November 2017 at 12:00 pm  Leave a Comment  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2017/11/25/nuno/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: