redandan

Hindi ko na maalala kung sa English III (1977) or Public Speaking (1976) — may pinasaulong linya sa akin nuong hayskul mula sa isang istorya na hindi ko na rin matandaan ang pamagat. I was playing in front of the class the role of Yung Lo, a Chinese emperor(?) during a past dynasty… I’m not so sure about the exact punctuations, pero ito yung mismong words, I am writing direct from memory (Sadya kong niliitan kase feeling korni ahihihihi) —

“No! The bell is my life dream! When I ascended to the dragon’s throne, young and full of hope, I had a vision of what the world might be if the war should cease. My predecessors were all warrior men who ruled by force of arms; But in my youth, I had a teacher — a philosopher — who schooled me in the wisdom of the prophets, preaching gentleness and love. So I resolved, before my reign began, to put an end to all these useless strifes and sow the seed of peace throughout the land…”

Okey, memya na uli ↗ yan! ° Eto muna ↙


Kung minsan(?) ‘akaka-bad trip din kumbakit naimbento pa pasko… Kase —

Mas feel-na-feel ng mga walang pera na wala silang pera.

Hindi nila maipag-shopping ang mga anak (bagong damit, raruan, tapatot) kase wala silang pambile. Hindi nila maitreat kahit french fries man lang, papasok lang ng JoliDo o McBee para maki-dyinggel. Ni hindi nga makapaghanda for Nochebuena kase walang pang-groceri.

Tutuong mahihirap lang ang aking tinutukoy ha?
No excuse yung mga walang pera kasi tatamad-tamad lang.

Mas feel-na-feel ng mga walang natatanggap na regalo na walang nagreregalo sa kanila.

Kahit pa ba may pera ka para makabili ng latest model ng VevuTM at PepuTM — siempre iba din yung iba ang nagbigay kase labs ka nila.

O eyan, may nabili or natanggap ka nang bagong takscreen na celfon… Anupang reklamo mo?

Mas feel-na-feel din ng mga nag-iisa na sila’y nag-iisa.

Sino ba ang mga ire?
— Aydi yung mga kabe-break-up na magsyota na hindi agad nakahanap ng replacement: “Nakabile nga ako ng cellphone, ni wala naman akong maka-chat o maka-sefie-with na boypren!”
— O kaya yung mga padre-de-pamilya or single-moms na nasa abrod na di makauwi dito sa Pinas kahit pa kwitmat: “Hanggang videophong lang kame, ni hindi ko mayakap ang aking mga anak at mga apo!”
— Pede ring tutuo yan sa mga magulang (lalo na sa isang byuda) na nandito lang sa Pinas pero hindi madalaw nang sabay ng kanyang mga dawters na nasa viciniti lang dahil ang mga ito’y may rivalri o inggitan… Hala! Kamontik nang mag-istow-awey si Inang para humanap ng ibang mapagpapaskuhan dahil gusto nyang ipakita senyong dalawa na wala syang kinikilingan!

Me pera o wala, hindi mo dapat pinapayagang palungkutin ng ‘Pasko’ ang pasko araw mo! Afterall, hindi naman mga bagong gamit, masasarap na pagkain, o reunion ang talagang diwa ng “birthday” ng Manunubos na inilagay laang ng kinagisnan nating religion sa Dasember 25

Sige, celebrate it as long as you are able (di na ako kokontra dyan). Kung wala kang boypren, siguro naman e meron kang mga kapatid at magulang, aydi groupie na lang… Kung di ka makauwe e konting tiis pa, humanap ka dyan ng makakasama (I mean nothing bad ha)… Share what you have (kung anuman ang meron ka)… BUT if the situation demands na hindi ka makapaghanda o wala ka ekamong makasama dis yulta-ed season, ituring mong ito’y ordinaryong araw lang (e diba nga?) kesa naman ganyang nagseself-pity ka. KuuuU! Taun-taon na lang e huhugot-hugot ka! Para kwitmat laang? Lilipas din eyan.

Kung ako senyo, itutuloy ko lang ang regular na ginagawa ko, dami ko kayang dapat trabahuhin… Kewl na kewl!

Beyitasitmey:
Maligayang paz-ko, paz-mo at paz-nating lahat!


TIP ko senyo:
Wala ka pa ring peace kung ‘happy’ ka laang.

Happiness (temporary) is dependent upon outside circumstances;
Joy (permanent) comes with our personal relationship with the Saviour.
Published in: on 25 December 2017 at 5:00 am  Leave a Comment  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2017/12/25/redandan/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: