Uy!

(another forever young post)
💐

uy [ ōōy Tagalog, interjection ]
an exclamation of surprise

Nakagawian kong itapat sa Rizal day ang aking posts about our pamangkins (and my inaanaks as well). May bago akong mga nakilala this 2017:
nicknames lng po..

Shane. Isang kaapelyidong taga-Bacoor na naisipan kong i-pm kahit dati’y hindi kami fb-friends.

Nagtanong ako kung may maire-refer syang kaapelyido namin — or kahit hindi, basta’t may kamag-anak o kakilalang kaapelyido namin na taga-Cavite City. May kinalaman ito sa aking query about Lolo Erasmus. Nagulat ako dahil pinsan daw ako ng kanyang Papa…

“Sino ba ang tatay mo?” (tanong ko ule)

Nung sinabi nya ang pangalan ng father nya (tukayo ko din), nuon ko lang napagtanto na anak pala sya ng first cousin ko na anak ng idol kong Tito! Hmm, bakit nga ba parang may kutob akong kami’y nagkita na?

“Sya’ng photographer nung birthday mo! Ninong mo pa nga yata…”
(sabi daw sa kanya ng Papa nya)

Yes, naaalala ko uli: 25 years ago, pinuntahan namin nina 1st & 3rd brós itong aming pinsan sa Maynila. Iisa pa lang nuon ang anak nilang mag-asawa (a daughter) at first birthday nga nito nuon.

On August this year, pumunta kami ni misis sa Cavite City at pinalad pang mapasyalan sa Imus itong mag-asawa at ang kanilang tatlong anak… Shen is a young woman now! They showed me that photograph: first time ko lang itong nakita.

Summer. Born April this year, first child (a daughter) ng aking panganay na inaanak at pamangkin (nephew).

We met her during Mom’s (her great grandma’s) 79th birthday last September. After my three second-level nieces, isang girl uli na tatawag sa akin ng “Titolo”…

Zymon. Born July last year, first child (a son) ng first child (a son) ng isang younger brother ni misis.

Samakatuwid, ‘second-level’ pamangkin na rin namin ito ni Choi sa kanyang side. Ito ang kauna-unahang apo sa tuhod ng aking byenan. Hindi pa namin personal na nakikita — maybe some time pag pasyal uli namin ng Cavite… Dito rin ang probinsya ng nag-iisa kong bilas na babae.

..

O, balong…
Anudawa mu dyan?


wala lang po..
hapi new yr itay..
arrobbac and 7 oders like this.

Published in: on 30 December 2017 at 5:00 am  Leave a Comment  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2017/12/30/yo-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: