28

(mag-un pa nuon)

17.19 months earlier

12 months ago
Di pa mabasa yun karatula, me kunek yan sa‘ting tema. (Tignan ang comment sa ibaba)

Eka sa akin ng isang highschool batchmate sa facebook: “Ha? Bakit?”
Tinanong nya kasi kung ilan na anak namin ni misis, taz sinagot ko, “Wala.”

Hongah, bakit nga ba wala pa?
Samantalang sya e full-term na lolo na.

Okey lang yan e… Yung nagpa-sublease ng pwesto nila nuon sa amin, eka kay misis, sabay turo sa kausap na tricycle driver: “Eto baog din!”
Pinagsabihan namin, tinablan naman…

Well, matagal na ito, pero isipin mo: Ka-lalaking tao, mas matanda nang ilang taon sa amin, taz christian (daw) pero napakagaspang kung magbiro? Kung di pa mukhang artistahin ang mga dyunyor nya, ay di lalo pa siguro? Palagi ko kasing sinasabihan si misis, mag-iingat sa mga taong hindi popormalan.


Sa natural na takbo ng buhay (naks!) talaga namang napakadaling ‘gumawa ng bata,’ di ba? Pero kung mabubuo nga yung bata, kung mape-fertilizer ni one-in-a-bilyun superman si egg promdi obari — Nyay! usapang mikrospokyo na yun… 🔬 Okey, nabuo: Papagkit kaya ang embryo/fetus sa tamang lugar sa soft matres na bahay-bata? Okey ule, hindi ectopic ang pregnancy: Kakapit ba si baby for full nine months sa sinapupunan ng kanyang mommy?

Kunsabagay, mukha ngang hindi ganun kakumplikado para sa mas nakararami miski yang from conception to childbirth, ano? Merong mga mag-asawang kakasal pa lang e may baby na on their 10th monthsary.

Walang mintis!
Congrats, mister and misis!

May mga santa babae pa ngang nabubuntis agad kahit first time lang (daw) nakipagsex (dahil ni-rape pinilit lang daw ng boypren) kaya napakasal (nang di oras) after 4 months (halata na kase)

Hmp, wala ding mintis?
Best wishes na lang sa mga nagmamalinis.

It’s really a natural thing to propagate — maski nga amoeba dumadami — kaya para ngang kataka-taka (baket?) at katawa-tawa (para kay kuya ↖️ ) na may mga mag-asawang 28 years nang nagsasama e wala pang anak.

Korek ka dyan, kami nga ni misis yang 28th anniversary pero itong sumusunod e hindi na para sa amin

Alam nyo ba kung gaano ka-disappointing sa ilang mag-asawa ang hindi pagkakaroon ng anak? Put yourself on their shoes…

Kung hindi mo alam, ingat ka sa mga biro mo. I heard testimonies of a few wives na sumasakay lang pala sa kantyaw ng mga kaopisina o kakilala, taz duon ngu-nguynguy sa malalapit na kaibigan nila…

At lalong ingat ka kapag hindi ka nagbibiro, yung alam mong nakapanliliit ang iyong sasabihin kase iyon ang talagang intensyon mo: ang makapanakit.

DI MO BA ALAM? Natatandaan ang isang tao hindi lang sa mga bagay na kanyang ginawa kundi pati sa kanyang mga binitiwang salita… Parang shareable quotes sa fezbuk, ganun.

Jesus Himself said:

I tell you, on the day of judgment people will give account for every careless word they speak, for by your words you will be justified, and by your words you will be condemned.” (Matthew 12:36-37)

Anyways, in my first paragraph I say “ilang mag-asawa” kase di naman lahat… Madami kaming kakilalang magdyowang tulad namin na pa-easy-easy lang, paris nitong isa sa mga hindi kinai-ilangang batiin ni misis kapag pumupunta sya sa PhilRice:
“Kumusta? Meron na ba?”
“Wala pa ate e — Idol kasi kita.”

Oo, hayaan mo nang kami-kaming mga “baog” (eka nga ninyong mga prolific) na lang ang magbiruan…

Well, better safe than sorry. There are some other ways to hurt or insult and demoralize a young childless couple more than tactless words. So, eto ang aking payo sa mga kabataan:

BOYS: Huwag kang mag-aanak sa labas, kase that may be detesticle-izing sa isang husband na ‘duwag sumubok sa iba’ para lang patunayang hindi sya ‘lampa’… Or hindi matanggap na baka nga sya’y talagang lampa?

GIRLS: Huwag kang magpapa-abort, kase that may be hysterectomizing sa isang wife na hindi mabuntis-buntis.

Eka nyo: “Sarili kong buhay ito, di ko sila inaano. Bakit ko sila iisipin, di naman nila ako matutulungan sa problema ko?”

knya knyang survival..
pra dn po plang hamster itay..


Nyay? Anudawa mo dyan, anak?

Walang pakialaman? Ay di ikaw na… Isaalang-alang mo na lang ang iyong sarili na parang di na naisip na MASAMA yang gagawin mo… Bad! Kasalanan sa Diyos at sa tao, lalo na sa isasakripisyo mo.

HUWAG kang gagawa ng isang bagay na sigurado mong pagsisihan balang araw… Free yourself from guilt. Yun bang tipong kung sisilip ka man dito at magbabasa ng posts ko ay hindi mo iisipin o mararamdaman na ika’y aking pinatatamaan? 🏹

Blog amin‘to!


❌❌❌❌ Do not cross my line of fire! ❌❌❌❌
Baka kase agagalit ikaw pag di ko sadyang nitamaan.

Published in: on 3 March 2018 at 7:28 am  Comments (1)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2018/03/03/28-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. Ooops! “Bantayog” ↖ ang talagang ispeling nyan!

    TRIVIA: Talambuhay ito, hindi tsismis…
    Alam nyo bang si Rizal ay nagkaanak ng stillborn (premature) kay Josephine Bracken? Hindi nabuhay yung baby, kaya duon pa lang e naputol na ang lahi ni Ka Pepe…
    Walang anak, pero hindi na-tuldok-an ng kanyang pagkamatay ang pangalan ng ating pambansang bayani.

    Wehe, are you saying na ikaw e
    magiging parang si Rizal din?

    Nde noh?
    ‘Ala ako sinabeng anyan!

    Dhats kes-tu-kes vasis! Sumtyms jenius dha pudras, but dha djunakis… Pizzz!

    Oist, tama na yan.
    Ere sa ibaba ang dapat nating pinag-uusapan.

    Nabasa nyo ba ang caption nung pikyur ng kubo sa itaas? Memya mo na i-view ang pikyurs, hane? Eto muna ule…


    Binanggit ko dyan sa post ang dapat na topic nung aking post last year (2017.03.03). Madaming kuha (puro kulayful at magaganda) dun sa aming punta sa Tam-awan ang hindi ko pa naia-upload sa facebook… Tsk! — inabot na ako ng hiatus (indefinite!) nang di pa naipopost ang lahat ng pikyurs.

    nung undas p kau huling nag fb..
    miss u npo itay..


    Henga, anak? Anuna kaya linilink mo sa aking timeline?

    Second entry 2018, MpsD-2 Kronikol:
    — Pebrari 5-10, 11-25 ∙  Kabite pa more, wid lusong* in-betwin. *Sautbaun dyarni, 33 hrs 55 min away from Haybolsite

    Nasa Baguio ako for around 20 days (Feb 5~25); Bumaba nuong Feb 10 at umakyat din pabalik kinabukasan.

    Feb 10 ∙ BAGUIO 🚍 11:15 am → 5:45 pm Cubao 🚍 6:00 pm → 8:00 pm Halang junction Calamba 🚙 10:10 pm → 10:15 pm Lecheria ⛪️
    Feb 11 ∙ Lecheria 🏍 11:50 am → 11:55 am kanto Pansol 🚍 12:00 n → 2:00 pm Cubao 🚍 3:15 pm → 8:50 pm BAGUIO 👣 8:55 pm Haybolsite ⛺️


    Okey, ayun uli yung isang pikyur (CLICK mo!) →
    Mababasa mo sa sinundang upload nyan ang nasa plaqueng
    info na nakapagkit sa kubo. 🗿

    ○○○


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: