3D

Wuhu, kita ko pa din!
Di ako manggugulo, pramis.


Nyay!?

Readers, sa amin kayo magtatanong, hane?
Wag sa iba’t baka iyo’y mga naghuhugas-kamay laang.


LINKS MpsD / WordPress facebook (pedeng hindi mo kita)

Workout. Bago kami sinawaan ay tatlong doktora (obstetrician-gynecologist) ang kinonsulta namin:
1. Primero sa isang matandang doktora na in-A.I. pa si misis, of course from mine. Sa Capitol Medical Center sa Quezon Avenue sa Kyusi yun, tandang-tanda ko pa… Weeks before that e niresetahan pa ako ng vitamins (e.g., Rogin E) para i-increase ang aking sperm count.
2. Nung namatay si Doktora, lumipat kami sa isang dalagang OB-GYN din (also a churchmate) kaya almost weekly kaming nasa St Luke’s. Walang nakitang diperensya in terms of ovulation or sa passage ng Fallopian tubes… So,
3. ni-refer nya kami sa isa pang doktora (infertility expert) in the same hospital. Dito na-diagnosed na may endometriosis si misis. (Kaya pala parang palagi syang ‘nakukunan’)… Although at her age ay medyo high-risk na ang magpaka-pregnant, sabi ni Doktora ay posible pa naman itong remedyuhan.
Before 1997 yan. Mas okey sana kung makapag-vacation leave kami ni misis ng 6 months, uninterrupted; Pero malabong mangyaring mag-sabay dahil magkasama kami sa iisang department…

Haha, study leave dapat, chong!
That means, 24 successive ovulations!

Hongah noh? Kaso yawko na ngang mag-arar!
Saka yawko mataling lalo dahil sa kontrata.

I still suggest a long vacation.
Then, pa in-vitro kayo.

Ingbitro? Anubayun?
Prang expensib pakinggan.

4. Around 1998, when we have given up all the rigors of a medical workout, ni-refer kami ng isang kaopisina namin sa isang komadrona-manghihilot; Kase yung misis nya na hirap ding magbuntes e nagbuntes din pagtapos magpahilot… Nasa bahay lang o sa shop namin ang misis ko since July 1997 dahil nakumbinse ko rin syang mag-resigned. She was 38 then.

Adoption. Aside from our KBF quest, ilambeses ding may nag-alok sa amin ng ipaa-ampon.
1. Around 1996, may buntis na nagbabalak ibigay ang ipanganganak nya sa amin. Kaso, pinigilan ng kanyang nanay dahil ang akala nito e magagalit ako kapag nalaman kong magkakaanak ulit itong babae nang hindi nila kayang buhayin ng asawa nya; Samantalang ang talagang ikinadismaya ko lang naman ay yung pagpapa-abort…
E di eyun: Ipinanganak yung baby nang walang sinasabi yung nanay at lola sa akin. Babae yung bata, at pagkaganda-ganda pa! Sayang… Pero mukhang okey din naman yung nangyari, kase, kahit naman siguro tanungin mo yung bata na 21 years old na dalaga na ngayon, malamang hindi sya nagsisisi na hindi sya pinaampon sa amin ng nanay nya nuon…
Atsaka malay ko ba? Baka naging dahilan pa yun para lalo pa kaming punta-puntahan nang walang kaabog-abog nung nanay who thinks she knows everything…

Hindi namin kelangan ang ‘simpatya’ nya sa amin (kase nga wala kaming anak) para guluhin nya ang buhay ng asawa ko.

2. Some months before mag-resign ang aking misis, may inilapit sa aming buntis. Sabi namin dun sa young mother-to-be, kukunin namin pag babae; kaso lalaki yung ipinanganak nya (sayang, ka-birthmonth ko pa naman).
3. Nung resigned na ako (year 2000), may pumunta sa aming babae na taga-San Jose: sing-edad namin, around 40s. Tatlo na raw ang anak nilang mag-asawa, kaya payag din ang mister nya na ipa-ampon sa iba ang kanyang ipinagbubuntis. Hindi rin namin kinuha, kasi lalaki yung naging anak nila.
4. A few months later, may iniuwi sa Angono ang kaibigang doktor ng bayaw ko: isang baby boy na iniwan ng nanay sa ospital pagkapanganak. Duon sa bahay ng aking byenan nila inalagaan ng ilang buwan (open kasi sa adoption ang aking mga in-laws). Iniaalok sa amin pero hindi namin kinuha, kaya inampon ng isang mag-asawang nasa edad 50s (taga-Bisaya) na wala ding anak.
5. Late last year, sinabihan ulit si misis ng isang kakilalang babae na may ipinamimigay ulit na bata: “Guapo” daw (3-year old), anak ng isang dalagang nabuntis ng foreigner… Wehe, maski eka ko hindi imported, basta baby GIRL!
Early this year, sabi ko kay Choi mag-adopt na kame kahit 8-year old na batang babae, as in parang nagkaanak na rin kami nuong 2010 na aming 20th anniversary. 👪 Pag nasa early 70s na kami ay di may 21-anyos na dalaga na rin kami. 👴🏼👩🏼👵🏼 Pero sabi nya hindi NA pwede dahil sa sitwasyon namin ngayon ay baka di na namin kayanin (na papag-aralin) — Yun din daw ang opinyon ng aking bunsong hipag at ng aking byenan.

Putol na nga ata saking branch ang apelyido ng aking lolos
o kahit man lang ang aking BLOODline? 💉

“kahit… bloodline” = derpor anak (ko) sa labas.
apelyido = maski adopted (HINDI kamag-anak) na ang middle name at surname ay isusunod sa apelyido namin ni misis.


‘Everything happens for a reason.’ (eka)
Me nai-post na ako tungkol dyan; Dinetalye ko lang dito.

Pages: 1 2

Published in: on 28 September 2018 at 7:21 am  Leave a Comment  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2018/09/28/3d/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: