m

( lq, ilustreyted )


📷

From here ↖ move clockwise:
→ 1896(45) → 1896(35) → 1897(33) ↴
1964(94) ← 1899(32) ↵

Ipakita ko lang ngayong undas itong selfie ko nadalaw kong puntod o (sinasabing) lugar na kinamatayan ng limang kilala nyo nang tao sa kasaysayan ng Pilipinas: (1) Atty Marcelo H del Pilar, (2) Dr Jose Rizal, (3) Gat Andres Bonifacio, (4) Heneral Antonio Luna, at (5) Pres Emilio Aguinaldo.

Year of death (at edad nuong namatay) yang nasa caption.
Nasa ibaba kumbakit namatay at kung paano (unang) inilibing.

Apelyido na lang para makamenos sa space; Pen name sa case ni del Pilar para hindi nyo maipagkamali sa isang di nya kamag-anak na taga-Makati.

Born Died Age Why died (Pre-) Burial
Plaridel 1850 1896 45 Tuberculosis (borrowed grave)
Rizal 1861 1896 35 Executed (shallow grave)
Bonifacio 1863 1897 33 Murdered (shallow pit)
Luna 1866 1899 32 Assassinated (churchyard)
Aguinaldo 1869 1964 94 Coronary thrombosis in his courtyard

Atin pang busisiin (onti lang):

1. Plaridel.
Namatay sa Barcelona, Spain… Nailipat lang ang kanyang mga labi dyan sa Bulacan after more than 24 years. (Detail HERE ← click!)

2. Rizal.
Kung natural death iyang kay Plaridel, itong kay Rizal ay hindi. Dito sa Pilipinas sya ni-firing squad, sa kinatitirikan ngayon ng kanyang monumento sa Luneta. Unang inilibing nang patago sa Paco bago mailipat dyan nuong 1912 (after 16 years) ang kanyang mga labi.

Napaiksi ang buhay nina Rizal at Plaridel dahil sa kanilang dedikasyon para sa kalayaan ng Bayan.

3. Bonifacio.
Kontrobersyal ang petsa at lugar kung saan pinatay at ibinaon si Andres Bonifacio at ang kapatid nyang si Procopio. (See THIS)

4. Luna.
30 kilometers lang mula sa Muñoz ang lungsod ng Cabanatuan. Bukod sa undas, naisip kong ito ang i-schedule na post ngayong buwan dahil kaarawan din ni Luna ang October 29.

Mga Kastila ang nagpabaril kay Rizal. Kapwa-Pilipino naman ang kumitil sa buhay nina Luna at Bonifacio — mismong mga kaanib nila sa kilusan datapuwa’t kuwestionable kung kalayaan nga ng Pilipinas ang talagang ipinaglalaban. Execution is much kinder than how Luna and Bonifacio were killed: Kinuyog at pinatay sila na parang hayop.

‘Hilaw na kamatayan’… a life cut short.
Nasa midlife, kaya sabi ko half-term.”

Kunsabagay, maski naman sibilyan ka lang e pangkaraniwan ang namamatay nang maaga nuong mga panahong iyan, what more kung kasama ka pa sa giyera? Pero yang kina Luna at Bonifacio e talagang ibang klase, tsk tsk tsk!

Premature death din ang nangyari kina Luna at Bonifacio, pero HINDI sila mga ‘hilaw na bayani’…

Mabilisan ang naging paglilibing kina Plaridel, Rizal, Bonifacio, at Luna. Wala nang burol, parada o anumang ritwal.

5. Aguinaldo.
Si Aguinaldo ang naka-survive hanggang magsi-alisan ang mga Kastila at mga Kano. Inabot pa nya at nalagpasan ang panahon ng Hapon. Muntik pa nga nyang abutan nuong naging presidente si Marcos…

Hindi lang ‘half-term’ kundi halos one third lang ang naging edad ni Luna o Bonifacio kumpara sa edad na inabot ni Aquinaldo… Madami sigurong nakipaglamay nung siya’y namatay? Mula sa Kyusi, dinala sya sa Kawit at inilagak dyan sa loob ng bakuran ng kanyang (dating) mansyon. Madami din kayang dumalaw at nakipaglibing?

Kyuryus din ako kun sumilip naman(?) para mag-pay-his-last-respect ang 55-yr-old pa lang non na lolo ko.

Almost 95 years old…

Napakahabang pagkakataon para makapagnilay-nilay* bago binawian ng buhay. (*sana)

Eka ng otor sa 1998 artikol na nabasa ko (& I quote):
“there is one [monument] that surpasses all others.”
Taz ni-quote pa nya ang sinabe ng isang namayapa na ring merkanong president (& I quote ageyn what he quoted):
“His (Aguinaldo’s) monument is the Philippine Republic.”

Up to now, madami pang sumunod na mahahaba din ang buhay — kesyo dating presidente, senador, etc… Yung iba nga e alive and kicking pa.


Limang puntod pa lang, pero marami nang memorial ng iba pang martir akong namataan.🔍 Me nasasabat ding monumento ng ilang bayaning(?) ‘hinog sa pilit’ paminsan-minsan…

Pages: 1 2

Published in: on 31 October 2018 at 11:31 pm  Comments (2)  
Tags: , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2018/10/31/m/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. This post was drafted and composed as early as May this year, and date-stamped to be published (automatically) on October 31, 2018 at 11:31 pm.
    Yang pagpunta sa Cabanatuan ay binabalak ko pa lang… Ilang beses ko nang nadadaanan nuon habang nakasakay sa official vehicle (PhilRice) or tricycle ang monumento ni Heneral Luna, pero hindi ko pa nalalapitan para suriin at mapikyuran.

    Busy pa rin ako now… As of this comment, hindi pa ako makapasyal sa Cabanatuan, kaya blangko ang lower right photo dyan sa collage. For the meantime, i-display ko muna dito itong pikyur ng small statue (from PMA) na aking kinunan.

    General Luna’s mistake was he trusted to turn his back on his enemies — kaaway nyang mga KUYOG na kung tumira ay patalikod… “Mga traydor! Mga duwag!”

    Magtatagal uli ako sa Haybolsite, kasama ko si Choi na aakyat ng Baguio tomorrow (July 27)… May God bless us always and keep safe our stay and journeys.


    0n 11 Sep 2018 at 1:27 pm arrobbac appended:

    Okey, napuntahan ko na rin (September 8)… May limang pikyurs na nadagdag.

  2. EwOk 10 + 6 + 1 = 11,051,985 11,519.85 11051985

    Sino’ng mas naaalala nyo dito ↘ sa kaa-upload ko lang na pikyur?


    E di si Mabini.
    Wala sya ↑ sa dinalaw mong 5 memorial.

    Si Bonifacio.
    Binalik na sya sa limang piso.

    Hmm… May naalala pa ako…

    Oops teka muna wait lang!
    Bakit nga ba naging 6 pesos ito?

    Sige na nga si Rizal!
    Calamba boy ka, di ba?

    Seryusli.

    Si Luna? Wala sya sa coins, pero birthday nya ngayon!
    Alangan naman kasing si Aguinaldo?

    Si Apo. Si Apo ang naalala ko.

    Our former president?
    Anung kuneksyon ni Marcos sa post o dyan sa upload mo?


    Numero ang tignan mo.
    After 7 days, lagay ko sa page 2.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: