d’trak

Ang buong akala ko nuon e first time ko pa lang nakayapak nung July 1988 sa CAVITE: pangalawang punta na pala yun?

ME LINKS ANG COLORED FONTS MpsD/Wordpress facebook (pedeng hindi mo kita)

Kelan? Saan mismo? Sino kasama ko?
1965 Jul 30 Cavite City* family
1988 Jul Cavite City Wala… ako lang.
— 1988 Jul Cavite City Thess B.
— 1988 Jul Cavite City — Choi, Cora & Thess
— 1988 Aug Cavite City — Juni & Vangie
1988 Dec Tagaytay (isinama ko si Choi) 2nd bró & our family
early 1990s GMA Choi
1992 Sep Alfonso Choi, Nanay & Bok
1992 Oct 10 Alfonso Choi & my in-laws
1994 Jun 11 Corregidor Choi
1998 Aug 29-30 Bacoor, Kawit (isinama ko si Choi) My OIC batchmates
early 2000s Cavite City Choi & Nene
2015 Mar 1-3 Tagaytay Choi
2016 Mar 18 Tagaytay Mom, 3rd bró & family
2017 Aug 14 Tanza, Cavite City, Kawit, GenTri, Bacoor, Imus Choi
2017 Oct 18 Cavite City & Kawit Solo flight, balikan
2018 Mar 28 Maragondon, Ternate Choi
* Sa Cavite City ang una (1965);
Then, after 23 years, apat na pangalawang punta — every week from July thru August 1988, balikan ako pauwi ng Calamba o Los Baños (Laguna).
Nalimutan ko ding sakop nga pala ng CAVITE ang Tagaytay, na dahil sa visibility duon ng bulkang Taal ay naipagkakamali kong parte ng Batangas — at ang Corregidor, dahil sa proximity nito sa Bataan.

Ekyusmi po, nagkalito-lito lang ako non.
Kinureksyun ko na yan nung June 2017 memoryal post sa fezbuk!

Eto ang isa pang table (same info but different presentation). Yung hindi ko ini-link dyan ↑ sa itaas ay nandito ↓ sa ibaba.
Saan sa Cavite? Ilang ulit na? Kelan ako nakapunta?
Cavite city 8 1965, 1988 Jul-Aug, 2000, 2017 Aug & Oct
Tagaytay 3 1988 Dec, 2015, 2016
GMA 1 early 1990s
Alfonso 2 1992 Sep & Oct
Corregidor 1 1994
Kawit 1 [+2] 1998, [2017 Aug & Oct]
Bacoor [2] [1998, 2017 Aug]
Tanza, General Trias, Imus [1] [2017 Aug]
Maragondon, Ternate 1 2018
MpsD/Wordpress facebook Total = 17 Kasabay sa mas naunang punta [ ang nasa brackets ]
Yang 1965 ang matagal kong di-alam kasi 4-year old pa lang ako nuon. All the while, akala ko sa Olongapo yung naitabi kong family picture (with maternal relatives). Sa Sangley Point pala yun, eka ng U.S. navy kong tito nung nakita nya 2009 ang upload ko sa facebook.
Anyways, ang talagang sadya ko sa aking pagbalik nung Aug 2017 ay para mangalap ng impormasyon tungkol sa aking father-side lolo. Nasa Cavite na rin lang ekako, nakakatihan ng aking mga paang gumawi sa General Trias, hanggang sa napadpad na nga ng Maragondon nung Marso nitong taon.

Antagal ko na kayang minamanmanan ang “trending” ng imahe sa 5-pesu naten: A long, longtaym even before nipost ang June 2012 entri.

me nidagdag n ngapo ko dun itay..

Pabago-bago trending sa papalet-palet na admin.
Mapirmes na kaya diyan?

So what you… eheste, we are saying is we were distracted from our “search” by that visit to Gen Tri?

Hmm, “de-tracked” na lang, meron bang ganun?
Nandun ↓ sa mas ibaba ang istorya.

Hehe, may pa-table-table pa,
wala pa pala dun ang istorya.


May 3, 2018 (four days nang patay ang aking relo), pauwi kami sa Nueva Ecija galing ng Baguio…

As usual, sa kanang bahagi ng bus kami naupo ni misis.
Hindi naiba sa pangkaraniwan kong pagbaba ang araw na yun: kokonti ang pasahero, at dumadami lang ang sasakay pagdating ng Urdaneta. Maraming bakanteng upuan at magkatabi pa rin kami tulad ng dati, pero hindi na nagdalawang salita si misis nung sinabi nyang lumipat muna ako sa left window seat… Maya-maya, kumaliwa ang bus sa kanto ng Binalonan.

“Hindi na dadaan ng Urdaneta? Baka umiiwas sa inspector?”

Malimit kong masakyan ang bus (same driver and conductor) kaya wala akong kamali-malisya kung hindi man kami tinitikitan simula kanina. Yeis, joke lang yang sinabi ko ke misis. Umiiwas lang siguro sa matrapik.
So, I was expecting na kakanan ito papasok ng Asingan, dadaan sa Sta Maria, (Tayug,) San Quintin; Then, lalabas sa Umingan para tugpain ang usual na ruta — Lupao hanggang San Jose. Nagpi-free fb ako kaya di ko napansin ang dinaanan, pero pakiramdam ko e biglang kumaliwa uli ang bus. Sumilip ako sa bintana…

“Nasan na ba kame? (sa isip-isip ko)
Hindi yata ito ang daan papuntang Asingan?”

Pinikyuran ko ang nadadaanan sa labas at di ako makapaniwala nung makita yang nagtataasang poste ng power grid sa kanan. Tingin uli ako sa kaliwang bintana (nawala na isip sa kapipikyur) at saglit na saglit lang ay makalawang ulit na rumagasa sa paningin ko ang malalaking letra sa entrance ng isang eskwelahan: “Juan C. Laya…” Nakalagpas na kame sa school at paliko na sa kanan kaya iyon na lang ↯ ang aking napikyuran (Labo pa nga o!)
Dumaan ang bus sa bayan ng San Manuel nang hindi ko agad namalayan? Dyan po kasi sa library ng Juan C. Laya school ako sinabihan ng mga kamag-anak ko duon na pumunta para mag-research ng history ng San Manuel na sinulat eka ng aming lolo Crispo.


Baka kase makakuha rin ako ng impormasyon tungkol sa mas nauna pa naming mga ninuno?

Published in: on 25 November 2018 at 3:59 am  Comments (1)  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2018/11/25/d-trak/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. Scheduled post din ito… In five days paakyat ako, idugtong ko na lang yung istorya sa pasko.


    0n 25 Dec 2018 at 11:59 pm arrobbac appended:

    Ayun na po (as I promised)…

    Rebyuhin natin ang mga punta ko sa San Manuel:
    Ang una (solo) ay nuong 2016 Nov 25;
    Pangalawa, isinama ko si misis, Dec 25;
    Pangatlo (with 3rd bró) 2017 Feb 13 from Zambales;
    At yan ngang pang-apat (2018 May 03) na parang sinadyang napadaan lang ang bus kaya hindi na sumayad ang mga paa ko sa lupa.

    Kunsabagay, wala naman akong planong sadyain ang library nung araw na yun kasi nga gagabihin na kami. What I am saying is, sa coincidental na paglipat ko sa left window seat (palagi kami nakaupo sa kanan) at pagdaan ng bus sa San Manuel (sa Carmen ang usual na ruta) ay parang pinaalala sa aking nawili sa Cavite ang aking mga talampakan para di mabigyang panahon ang paglalagalag sa Pangasinan.


    Sa dinami-dami ng group pikyurs ni Aguinaldo, di malayong (baka) makakita ako ng kahit isa na naruon ang lolo Severino (?)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: