t9

( tarrobbac-9 )


Tiyam-tiyam na thlowback, ta timeline ni allobbac!

Sa pinto ng bawat dekada, mga pangyayaring, in one way or anoder, sakin ay may ‘tama’… 🏹 ( tama = sapol, or hit in English )

ME LINKS ANG COLORED FONTS MpsD/Wordpress facebook (privacy set, pwedeng HINDI visible)

1969. Masyado pa akong totoy dito… Maliban sa Monday-thru-Friday na pagpasok sa eskuwela, taz uwi-bahay para maglaro e wala akong matandaang event na me BIG impact sa buhay ko.


May lima pa. Huwag mong ituloy basahin kung hindi mo tatapusin.

1979. At age 19, nagtanan ang elder sis ko.

Hindi ko malimutan ang defeated expression sa mukha ng Dad nuon. As for me, di ako makalabas kase hiyang-hiya ako sa mga kapitbahay… Naibangon naman ng (naging) bayaw ko ang aming dangal (honor), kaya nga abut-abot na ang ngiti ko dito o (click!) June ‘79

1989. At age 19, ang younger sis ko naman ang nag-asawa.

Professional na ako that time kaya somehow, kinaya ko. Sinong tao kaya ang maniniwala sa sinasabi nya nuon sa aming Mom? Feb (6?) ‘89

That is ridiculous!
Sino ba ang violente sa aming tatlo?
Remember: It always takes two to tango!

Naalala ko pa yung sinabi ni 1st bró nung nagpunta sya sa Laureola (sa Juliano sya nakatira) para ipa-alam sa aming magkakapatid na si bunso ay ikakasal na daw nga:

“Hindi ko alam kumbakit magpapakasal na sila; Dapat mauna si Arleen ( referring to me ) o si L_______ ( my 2nd bró ) …”

Puna tuloy ng isang auntie ko (nasa ibang lugar) na relative ng Mom:

“ Anuba yang mga anak ni Ate?
Walang ginawa kundi magsipag-asawa!”

Maano naman kung halos magkasunod na ikinasal si 1st bró (1986) at si 3rd bró (1988) e seven years naman ang lumipas magmula nang ikinasal ang panganay sa amin? Kuu, may mapag-usapan lang.

Kami ang mga una nilang pamangkins (panganay ang aming Mom sa kanilang magkakapatid), natural lang na kami ang unang magsisipag-asawa kaysa sa mga anak-anak nila (pinsan namin) na mga nag-aaral pa nuon.

December 1989 ang talagang plano namin ni Choi (misis ko), kaso kahit di kami elibs sa pamahiin e iniwasan na rin naming ‘sumukob sa taon’…

Napalipat ako sa Nueva Ecija earlier (around October~November 1989). Naka-vacation leave nuon si Choi at sa kanila sa Angono sya umuuwi. I was expecting na itutuloy na nya ang leave sa pagre-resign.

Ang paglipat kong ito sa Central Luzon ang naging simula ng hindi-ko-na-nasubaybayang paglaki ng aking mga sumunod na pamangkins — kung saan ang tatlong magpipinsang 1989-borns ay seven, five, & four months nang ipinagbubuntis nuon ng mga nanays nila dito. June ‘89

1999. The gintong ani reminder

Second time na ito ng pagkaka-omit ng aking pangalan sa listahan. There was a first time when, according to an officemate, ay iniyakan pa daw ni Choi dahil wala din ang name nya sa list ng binigyan ng incentives (hindi pa sya resigned during the GPEP program). Nasa Japan yata ako nuon (1996) kaya hindi ko alam?

Sabi ko kase, huwag na maghabol sa mga ganyan. Maski nga sa staff housing nuong 1992 di ba?

The omission of my name in the GA list reminded me of my promise (the Lord meant it for good), so seven months before 2000 Feb 29, I decided to say bye-bye to my pain-in-the-ass. Di na ako kinailangang pilitin: Though I was phobic then, I voluntarily checked myself in.

Paano nga kaya kung lumindol o nagkasunog?
Ni hindi ko kayang iligtas ang sarili ko dahil paralisado ang kalahati ng aking katawan!


I failed to deal rightly with my fears. I blamed my wife for not resigning soon… When I got well, I became proud: I rebelled against God.

2009. Getting-in-touch with family thru social media

I learned about facebook during our Dec 2008 reunion… Excited ako, kaya ko nga nai-post ito. Tore

2019. My 30th year as a Novo Ecijano; Still no idea as to when I will be a legit resident of Baguio.

Ano bang legit-legit?
Maski pa illegit, basta taga-Baguio na ako!


Kapag SIYAM daw eka e bitin.
Hintayin mo na lang ang
joyful 10s na ipo-post dito sa MpsD next year.

yes der musbe a closur.. pra di mging pt.less drama..
zzz…

Published in: on 3 March 2019 at 9:59 am  Leave a Comment  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2019/03/03/t9/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: