m-d

(mother-daughters)

Three hugot-quotes on Mother’s Day


Nung ipinapanganak ka,
nasa hukay ang isang paa ng nanay mo.

— Iniluwal akong SUWI ng aking MOM sa bahay lang nuong mga panahong hindi pa trending ang Caesarean: Ako pa kaya ang hindi aayon dyan?

Dapat magpasalamat ang isang TAO sa kanyang mas nakatatandang kapatid: kase kung namatay ang nanay nila sa panganganak dito, wala SIYA ngayon sa mundo.

— Okey lang kung ang magsasabi nyan ay isang nanay na walang favorite o kinikilingan; Pero KUNG IKAW na “anak lang” na mas matanda sa magkapatid ang magsasabi e hindi madaling paniwalaan kase baka nagmamapuri ka lang?

Though hindi ako ang panganay, may apat akong younger siblings. Never akong nagdeklara nor magdedeklara ng ganyan.

Hayaan mong ang kapatid mong MAS BATA SAYO ang magpatotoo. Tanungin mo ang sarile mo kung anong klase ka bang ‘mas panganay’ — naging ulirang ATE o KUYA ka ba sa ading mo, o komo mas elder ka ay abusada/abusado?

Whatever.
All I know is second-borns are monsters LOLZ!
Dra Ratepeke and 2 others like this.

Ikaw naman na ‘mas bunso,’ huwag ka inggitera o inggitero. Maaaring mas nabigyang-luho ang mga mas nauna sayo pero mas mahirap ang pinagdaanan nila kase sila ang ‘napagpraktisan’ muna ng hindi pa experienced na mga magulang nyo bago nakarating sayo. Mas mararahas na away ng parents nyo ang kanilang nasaksihan; Mas madami at mas masasakit na palo ang kanilang natanggap.

Hindi magandang may POLARITY among siblings, na ang usual na magkakakampi e yung mga nagkakaintindihan at nagtatakipan ng kani-kanilang mga katarantaduhan. Kapag hanggang sa paglaki ay ganyan pa rin kayo, siempre mas papaboran mo yung kukunsinti sa kalokohan mo, na kaya lang din ‘nakakaunawa’ e may ganansya syang napapala sayo.

Ang anak, kayang tikisin ang nanay;
Ang nanay, di kayang tikisin ang anak.

— Its depen… Merong mga nanay na nag-iiwan ng anak nila sa LOLA nito; Di bale sana kung single-parent (as in, or ‘as if’) na kelangan talagang mag-work. 👩‍👧 Pero hindi e, naglalamyerda lang!

At malamang, may mga kilala kayong palage ngang kabuntot ang mga anak nila (say, sa malls) pero mas inaatupag ang sariling pagge-games o pagpe-facebook? Manunuod ng sine o pelikulang ‘angkop’ sa kanila pero makasasama sa murang isip ng bata!

Or mga nanays na pusturang-pustura samantalang ang kanilang mga anak ay mukhang mga YAGIT! 💩 And how about yung di man lang kinikilabutang magpa-abort?

May mga nanays ding PABAYA o MALUPIT sa mga anak nila, hellooow!? Pano kang di makakayang tikisin ng mga walang-utang-na-loob na “putang-ama” ekamong mga yan paglaki nila?


Case-to-case basis itong huling hugot-quotes. ❌ Pedeng totoo, pedeng hindi…

IKAW, paté?
— ANAK ka na may nanay; at
— NANAY kang may mga anak na rin…
Paano mo ba sila itratong pareho? Matuto ka na sa karanasan ng mga henerasyong mas nauna sayo.


Napupuna ko kasing tila sinasamantala ang social holiday na ito para iratsada ang pagbabangong-puri sa social media. Hindi ko po nilalahat. 🏹 Nangtsatsamba lang.

bouldr bouldr n d atmosphre.. f ur hit dont b angr..
All be it as it may, happy all mothers’ day!

Published in: on 12 May 2019 at 10:00 am  Comments (1)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2019/05/12/md/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. […] ISIPIN MO ha: Matagal nang tapos ang mother’s day (once a year lang yun) pero halos everyday ka pa rin kung mag-share ng hugot-quotes favoring motherskasi nanay ka. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: