f-d

(femina-dominari)

Behind every successful man is a woman…

kicking his ass!”


Wrong!
Successful ako kasi matalino at masipag ako, true?


“Wow”

Sige na nga…
Pero nitaqwil ka ng jowa mo kase nagtaxil ka,
taz nakapag-jowa ka uli ng iba kase successful ka.


“Haha”

Bakit nga ba tila kelangan pa ng ‘push’ mula sa isang babae para itong si lalake ay maging ‘great’?

— Madaming examples nyan sa literature or history (remote or recent) at madami na ring sari-saring articles ang nasulat tungkol dyan. Itong post ay hindi para dumagdag duon, personal ko lang itong obserbasyon.
Kapag nagiging discouragement na ang asawa, itong si mister e naghahanap na lang ng inspirasyon sa iba, kaysa tamarin syang mag-ambisyon, o magpakagumon sa bisyo (yosi, sugal, mamam) at machugi nang maaga.

So, babae din ang capable na sumira sa lalaki, ganun?
Applicable ba sa lahat yan?


“Angry”

Aru, wala namang sinabing “lahat”…
Yun sigurong mister na may asawang nagger at domineering, reklamadora at kontra nang kontra.


“Cry”

— Maaaring hindi tutuo sa marami, in fairness naman sa ilan(?) na ayaw nang mag-asawa (kung di man ayaw nang maging lalake) kase hindi naging magandang modelo ang naging pagsasama ng kanilang ama at ina. Mas okey naman ang ganun (yung hindi nag-asawa) kaysa sa hindi nga daw bakla pero Mama’s boy pa rin kahit may asawa na.

Wala namang ‘lumagay sa tahimik’ na may perpektong alam. Lahat ng mag-asawa ay may mga bagong natututunan sa marriage relationship kapag naruon na. Pero maraming failed marriage ang bunga ng maagang pag-aasawa dahil sa pagtakas sa magulong pamilya.

Kaya mga INENG, magpaka-mature muna. Tapusin ang pag-aaral and be wise! Kasalanan nyo na kung kayo’y pipili ng tamad (taz nambubuntal pa) o alam nyo nang may tendency na maging babaero… Or, baka nga mas mabuting huwag na lang kayong mag-asawa?

Kase kung nag-asawa at nagkaanak na kayo, KULANG ang maging “mabuting nanay” lang: Maging mabuting misis din sa tatay ng mga magiging anak ninyo.


“Love”

— Isipin MO: Kung mabuting nanay KA nga sa mga anak mo, pero ang impresyong ibinigay mo tungkol sa tatay nila ay negatibo, palagay mo ba e magiging epektibong ama o ina sila kapag sila naman ang nagsipag-asawa?

Mga ineng, kayo rin… Gusto nyo bang magpaka-bitter hanggang sa tumanda kayo, at hugot-quotes pa rin sa social media ang inyong pampalubag-loob? Aba e, kung mag-uulyanin na rin lang kayo ay bakit hindi pa yung magagandang bagay ang ipag-ulyanin ninyo?


“Like”


Uhm, WAG-agagalet! Dati na’kong nagpopost about these topics… Add-add MO pa kasi ako sa fezbuk, taz apipindot KA dun sa links ko (click!)👈🏼🙄 Apa-paranoid ka tuloy sa kaiisip na personal itong ‘patama’ SAYO.

Published in: on 16 June 2019 at 9:00 am  Comments (1)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2019/06/16/fd/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. […] Ano sa tingin mo, karapat-dapat bang ipag-post ng ganyan ang husband mo?
    If yes, di kaya ikaw ang MAS dapat nagpo-post nyan?
    If no, aydi huwag! Tungkol sayo na lang ulet! […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: