qd

(quadrunkol)

Babaero Baturero.
“Manginginom”

Magpapasko na! Maghubad ka na ng Halloween costume.


Mahabang salaysayin ito.
Yan munang manginginom, then yung babaero… eheste, baturero.

Manginginom?

October 10, sa ismol sari-sari ule
“Meron kayong White Castle na maliit?”
“Ay, wala po.” (eka nung tindera)
“Sige maski ano na lang, basta yung may kulay.”
Ipinakita nya ang isang long neck na Emperador. For sure, more than 100 pesos yun.
“Anlaki. Ginebra na lang kaya? Yung pinakamaliit.”
“E di walang kulay?”
“Okey lang, subukan ko naman ang gin.”
Naglabas sya ng ‘quatro-kantos’ na 2×2 (Miguelito), P47.00… Pinasilid ko sa bitbit kong ecobag.

Baka kasi makita ng aking neybor.
Akalain e manginginom na rin ako.

Mahigit isang taon na akong pa-shot-shot sa loob ng kubol, testing different types of wines and liquors.

Dhrink mojerately.
Pizzz!

Hey, guys! Am I missing something?
Bakit mga nakasuot-pandigma kayo?

Miski helmet lang, dapat meron ka den
kase wala kang suot na oficcial bbonet.

Bakit nga ba ako umiinom? That leads us to the discussion on what I am doing now as a ‘mason’ (coat, uncoat)…

Baturero!

Until now ay DI ko pa alam kung ano ang tawag sa nagkakabite ng bato — kabetista ba, o kabitero?
Eniweys, I learned while working na hindi lang pala hazards ng pitpit na daliri or patay na kuko ang dapat kong pag-ingatan; Pwede din palang mapudpod ang aking kapalarans (talampakan sa kamays) — fingerprints, especially.
Nakakanipis pala ng kutis ang pagsesemento?
(See 1st and 2nd photos)

Hindi ko maiwasang kamayin kase di ako satisfied pag gumagamit ng tools; Ang siste, asiwa din akong magsuot ng guwantes — abala lang, ganun. Mas malamig pa sa kamay kapag nababasa ang suot na guwantes. Gumamit na rin ako ng thick rubber gloves pero nagkabutas-butas dahil naiipit sa pagkakabite.
Twice na rin akong naglinis ng graba. For three days, halos maghapong nababad sa tubig ang aking mga kamay (4th photo), umuulan pa nitong huli. Me advantage naman ang ulan dahil di ko na kelangang bumaba sa ulbog para umigib ng tubig na pambuhos.
Yes, hiyang ako dito sa Baguio (may heat intolerance ako) pero ibang usapan na kapag corrosive cement ang didikit at lulusaw sa mga daliri ko.

Para hindi ko masyadong ramdam ang sakit, tumatagay ako nang konti makapananghali bago ituloy ang pagsesemento. I fill not more than half of my jigger with the wine or liquor, taz dina-dilute ko ng tubig para hindi mainit ang arrive sa sikmura.

Mas makirot kapag nagsisimulang guminaw pagsapit ng gabi, at kinaumagahan lalo na kung nababasa ang kamay ko. At this point, tinitiis ko na lang dahil ayaw kong uminom sa gabi o umaga. Nagsusuot ako ng knitted gloves sa pagtulog at kapag nakapahinga.

Three more apparent advantages(?) ng aking pag-inom…
1. Wala pinipiling oras itong pagkalaki-laki at pagkadami-daming mga lamok! Para silang mga bampirang mas umaatake kapag makulimlim. Wala silang dalang sakit, pero masasakit ang bites… Imaginin mo yung may buhat akong malaking bato, taz sabay-sabay silang walang-humpay na mangangagat?

— Hindi ko gaanong ramdam ang kagat nila kapag nakatagay ako.

2. Para makatipid sa refilled drinking water, tubig sa ulbog ang ipinangkakape ko. Pinakukuluan ko ang tubig sa aking stove na ang fuel ay denatured alcohol.

— Pagdating sa aking bodega, additional pamatay-bacteria ang alak-alcohol.

3. May ilang klase at brands ng wine or liquor na tila nakabawas sa heartburn o acid reflux ko sa gabi.

— Posible kayang pinapatay ng alkohol ang intestinal bacteria na nagko-cause ng aking hyperacidity?

Wateber…


Don’t worry.
I am fully aware of my
ginethics.

Published in: on 25 November 2019 at 12:00 pm  Comments (1)  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2019/11/25/qd/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. Scheduled post ito (Nov 25) pero hindi pa tapos kase paakyat ako today (Nov 11). 🚍 Di ko sure kung mahaharap kong tapusin ito habang nasa Baguio. ⚒ Limited ang aking time at battery power for my devices sa Haybolsite. ☀️🔋


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: