impromptu

Tinanghali ako ng gising — pasado alas-nuwebe na yata… May naalala ako kaya diretso agad sa laptop. Punta ako sa website nya

Nyay! 😯 Pwede ba magmumog muna? O kaya magwinig ng mata?

“ ‘Indi pede! Impromptu nga eh!” 😆

Wala ako webcam, kunin ko muna digital cam ko ha? Wala akong babaguhin sa karakas ko, pramis yan.

. . .

O, eyan! 😳

Ahehe… nakabonete ako matulog, hindi ko na inalis. Buti na lang ‘ala ako muta, ‘ala din makita kayat ng panis na laway sa pisngi.

————————————————————————————————

TAG RULES:

1) Take a picture of yourself right NOW!

(Ngayon na! 😕 Huwag na humarap sa salamin!)

2) DON’T change your clothes, DON’T fix your hair… Just take a picture.

(Walang suklayan 😆 walang ayusan ng damit!)

3) Post that picture with NO editing. (Walang burahan ng tagyawat!)

4) Post these instruction with your picture.

5) Tag 10 people to do this.

i-KLIK mo rito ◙ ora mismo.

Published in: on 15 December 2008 at 10:48 pm  Comments (9)  
Tags: , , ,

Bobo ako sa math

Aritmetik, matematiks — pareho lang ba ito?

Almost age seven, first time kong nakipag-smooching sa isang playmate na 6-year old girl (yung batang may “bangs” pag ni-CLICK nyo yang pikyur). Huli kami sa akto ng tita ko, sya pa yata napahiya. Medtech student sa Centro Escolar nuon ang auntie ko, kaya maski konti siguro, may basic syang alam sa child psychology.

Alin? Kung yung mga super-legalistic at hyper-konserbatibong matandaing inilalagay ang malisyosong pananaw nila sa pag-iisip ng isang inosenteng bata ang nakakita nun, magdyowang sampal na siguro inabot ko. Kung nagkataon, ano kaya ang naging impact nun sa aking paglaki? Hindi pa ako tumutuntong ng grade I (hindi pa uso ang kinder), at sa tutuo lang, wala naman akong naramdamang miski ano sa ismol pang pututuy ko nuon, pramis. Siguro may napapanuod lang ako mga kissing scene sa TV, ginaya ko lang.

Edad disisyete, nakapasa ako sa UPCAT; At sa Los Baños, 9 years na nagpakadalubhasa sa apat-na-taong kurso sa Pamantasan ng Pilipinas.

Aywan ko ba: Nagta-TOP ako sa math at trigonometry nung hayskul, kumbakit naging pinaka-ITLOG ko ang Calculus nang mag-college. Six units yun nung Forest Products Engineering pa ang kurso ko, Maths 26 and 27 ang course title. Ibinagsak ko yung Math 26, pwes nagretake ako — naka 3.0 naman (yehey)… Nung nag-shift ako sa DevCom, hindi required ang Calculus dito sa bagong kurso.

Edad __, hired agad ako sa isang permanenteng trabaho nung nagdaang taon, at ‘nagpakabusabos’ duon bilang isang “public servant”(?) (Dyok lang, baka may dati akong bossing na mapikon)… Kailangan kong i-blur dahil kasama ko ang aking 2nd ex-GF(?) dito sa litrato (in white shirt). Break na kami dito. Ito yung pangalawang punta ko sa kanila para suyuin sya. Sa dalawang naging ex ko, sya ang naisama ko na sa bahay, kahit pa less than two months lang kaming mag-on. “Tita” na nga ang tawag nuon sa kanya ng unang pamangkin ko.

Edad __, sampung taon ko nang nakakasama ang naging misis ko (2 years as steady, 8 years as wife).  Sarap pag ganitong bakasyon (malayo sa trabaho) kung kailan namin nagagawang lumuwas ng Maynila mula Nueva Ecija para makipagharutan sa mga pamangkin ni misis. Kino-cross stitch ni misis dito ang ireregalo ko sa kaibigan kong Pinoy US navy na na-meet ko sa Okinawa.

Edad __, custom framer, pastol ng mga hamster.

Mas mayaman pa ang aking mga daga (kapus-atiks daw, eka) — it’sokey lang, basta ‘malaya’…

Huwag mo na CLICK, baka masindak pa ka!

In my life…

one-year-old homebodybaby

Helow? hellooowww… batet tanun ang modem to ??? …tatlo tunud-tunud na powt na ang tulang to!

Mga negative films ito ngayon. Ineksakto ko nang isang rolyo (36-exposure) — B&W at color na pinaghalu-halo. Kung nitatamad kayo tinginin yung pikyurs, huwag nyo na lang ‘ipa-debelop’ ang mga negatibs. 😆

There are at least 36 MORE… ▼

PHOTO-finish

sinaunang putokraperdzapayuking putokraperkapten dyak isparo

During my former employment, I was caught in the middle of analog-to-digital transition of photo-imaging. Nuong hindi pa uso ang digital camera at photo-editing computer software, 😆 I had been doing things the HARD WAY. Eto ang tatlo sa mga pinag-praktisan ko nuon (you may CLICK on the thumbnail for a larger me :mrgreen: ) — simula sa mano-manong slide magic technique of multiple FILM exposure (photo #1, 1993). Sinadya kong piliin yang una para ipakita ang SABLAY… Salamat na lang dahil later nauso ang computer. Yung pangalawa ay pinagpraktisan ko gamit ang Aldus Photoshop 1.0 (? Japan training, 1996), at yung pangatlo gamit ang Adobe Photoshop 5 (?) bago ako mag-resigned sa PhilRice nung year 2000.

Samakatuwid, hindi pa iyan ang sagot ko sa TAG ni repah sa akin.

CLICK you ito, para makita ang mas hi-tech na TAG ni repah.

Tukso… layuan mo ako?

Wigwam and Teepee are the twin son and daughter of the teenage couple Mochawonka the “wiggler” and Isnohontas Kotonbol.

Wigwam Wigglerson is the husband of the departed Beria-girdel, a Boolagang. Beria-girdel died because of birthing problem, leaving Wigwam a widower.

Teepee Pompom is the wife of Ispidbol. The post entitled Baog na Daga explains why Ispidbol and Teepee have no hammies of their own.

(Tatlong paragraph, tatlo agad ang link… tsk tsk tsk, hanep!)

Wigwam’s morning exercise

Hamsters are also active during the very early morning. Wigwam is shown here ‘warming down’ in preparation for his all-day sleep, to wake up again at around 5pm for another ‘warming up’ for the approaching activity in the evening.

Teepee’s vocal languages

The sound you heard is typically exhibited by males. I presume that this is their expression of loneliness, boredom or drowsiness.

Ispidbol is the hamster in the bigger cage at left. Teepee is the white one at right. The sounds they make are the hamsters’ SEX and MATING call languages.

Click this for USAPANG PINOY: My Japayuki experience…

Si Lolo at si Lola

Walang PINOY dito sa ‘Pinas na hindi alam ang kantang ito:

“Lo…!

Mabuti pa kayo… ni Lola! ♫

Namulat sa matitinong bisyo…!” ♪

Isa yan sa mga nag-hit na reggae ni Joey Formaran, ang singer na mas kilala sa pangalang “Blakdyak.”

Hindi niya ako fan, naalala ko lang — Kasi mga hamsters kong senior citizen ang kwento ko ngayon, at nagkataon pa na ang mga dagang ito ay anak ng namayapang HAMSTER ko na pinangalanan kong BLAKDYAK.

Tatlo ang matatandang hamsters ko dito ngayon: sina Isnowitwit, Isnobol at Ispidbol. Pero for a special feature, next post na lang ang BUNSONG LOLONG si Ispidbol. Bago malagas ang dahon ng araw na ito sa kalendaryo, lalabas yan ngayon, mamayang gabi siguro…

Minwayl, yung kambal muna ang ikukwento ko — isang lolo at isang lola, pero hindi mag-asawa. Pareho na silang byudo at byuda.

Granduncle in “Bahay ng mga Kuya” (25 Nov 2007)

The hamster is Isnobol (Snowball). The homecage was named after the Harurendilayk brothers Blakdyak, Bebong and Bugoy. The noisy wheel (yung parang gulong ng pison) was named “Arrowangkada”, after Arrow, the late husband of Isnowitwit.

Isnobol is my most patient hamster. He can be handled in almost any way. Maski lapirutin mo pagmumukha pag hawak mo, hindi nagpipilit kumawala, hindi nangangagat.

Grandma in hamster playpen (22 Nov 2007)

The hamster is Isnowitwit Kotonbol (Snowitwit Cottonball) in the unfinished hamster playpen. She was named so because she was round and fluffy when she was young.

In her senior days, Isnowitwit is still active and strong. She is, in fact a great grandma already. My youngest hamsters Syma and Amboy are her great-grand-offspring.

Parehong puti ang buhok ng dalawang matandang yan, pero hindi uban. Talagang puti na sila maski nung mga beybi pa — albino hamsters kasi, ahehe.

🙂 😀 😆

O… ano pang hinihintay nyo? Iyon lang… tapos na! Kwits. Wakas. Period. Tuldok! dot. com. Fin. The end.

USAPANG PINOY? Sige… tungkol sa mga matatanda (CLICK!)

Pamana ng isang DAGA

The storyteller behind Ikabod tower. Right: The Tower, “aerial” shot.

Kilala nyo ba si Bitoy?

Bitoy and Bebang are the names of the first pair of hamsters in this family: They are the ancestors. If you want some detail, you can go to the second post of this blog:

A tribute to Bitoy and his girlfriend

Yung mga alerdyik sa daga e okey lang kung DI nyo type ang blog ko, no problem. Meron nga dyan alerdyik sa pusa, o kaya sa aso — maski sa surot pa nga. Alam ko naman ang feeling ng mga me “allergies” na paris nyo.

Pero TIP lang: If you have a phobia (irrational hate or fear) there is something wrong with you — maski tanungin nyo ang bespren nyong saykayatris… Learn to overcome it. Okey lang kung hindi kayo magkahilig sa kinaa-alerdyik-an nyo, just do away with the “prejudice”. Hindi ko naman ipipilit sayo itong blog ko. Maglaro ka ng apoy hangga’t gusto mo ahehe. Daig mo pa ang sumuntok sa buwan.

Dun naman sa mga tatay na alerdyik sa ingles: Maghintay lang kayo, hane? — Tutal nakakaintindi naman kayo. May foreign readers din kasi ako (Yang allergy sa foreigners, xenophobia yan. Dapat balanseng pananaw sa bagay-bagay). Usap tayo mamaya tungkol sa mga DYUNYOR nyo. Pramis, mananagalog ako…

I was a former government employee — a desktop artist, still cameraman, video editor (sometimes), exhibit developer, and scale-model-maker. As a research photographer I loved shooting small insects in rice fields for crop protection. When public officials here and from abroad were visiting our Institute I also shoot them. Mga scientists, ambassadors, congressmen, senators; May mga barangay kapten barbel pa kung minsan, escorting presidents from Cory thru FVR (to Erap) — Sayang hindi ko na inabot si madam GMA… So that was one of my jobs — shooting insects and politicians. Nung kalaunan e hindi ko na malaman kung sino ang insekto at ano ang politiko. I resigned in 2000 — As a freelance servant, I have chosen custom-framing to earn my keep.

Now, in my framing jobs, moulding scraps littered every corner of my house. Instead of disposing, I used these materials to construct some domicile for my hamsters. Thru this, my wife and I are entertaining kids who visit our small home. Makita lang naming namimilog ang mga mata ng mga paslit sa tuwa at pagkamangha, kami ni misis ay masaya na. Entertaining these children was not part of the plan — nagkataon lang… I made the homecages because my hamsters need them; It just so happen that simple carpentry are among the things I enjoy doing.

“Bulwagang Bitoy” (Bitoy Hall) with the Lupindilayk Wheel

The hamster was Faramir, direct descendant of Bitoy. Faramir was the grandfather of Ispidbol on the father side. This video was taken in May 2005.

“Bahay ni Lola” (Bebang Pension House)

The hamster was Boromir, Faramir’s elder twin brother. Boromir was the grandfather of Ispidbol on the mother side. Taken during the house’s early stages of construction (03 July 2005).

“Mansyon ng Daga” (Hamster Mansion, still unfinished)

September 30, 2006. Ikabod tower is the structure at right. The hamster was Bebong, one of the offspring of Faramir, just like me, unable to sire. No big deal.
(Mga fathers, yung sabi ko kanina ha? Usap tayo.)

So that’s it…! A father hamster’s legacy to his sons and succeeding generations. “Ang pamana ng isang ninunong daga sa kanyang mga anak-anak at mga kaapu-apuhan.” (Yun lang? Anubayan…)

Mga bata, hanggang dito na lang tayo, hane? Maglaro muna kayo sa labas at kakausapin ko lang ang mga tatay nyo.

To my foreign readers, the next topic concerns a ‘national issue’ and is an Usapang-Pinoy lang. Thank you for reading about my hammies.

Redi? KLIK nyo dito.