Huli man

[ WALANG KINALAMAN ang SINEng ire sa pamagat at pangunahing tema

ng kasalukuyang post intre.]

May kasabihan tayo sa Tagalog:

Huli man daw at magaling, huli pa rin naihahabol din.(CLICK HERE ▼)

Pages: 1 2 3

Published in: on 19 August 2009 at 12:00 pm  Comments (1)  
Tags: , , ,

güd-virus

Tags and awards are good ‘viruses’ that keep the passion to blog burning.

Keep on infecting others! 😉

Follower… Sa tingin ko lang, parang ‘subscriber’ na rin ang ibig tukuyin nito — as in (halos) walang palya ng pagsubaybay sa kada issue ng isang publication tulad ng magasin o dyaryo, or in the case of a blog, sa bawat post entry.

Follower din ako ng ilang ka-blog; Ang siste nga lang, sa bihira kong pag-o-online ngayon, minsan hindi na ako nakakapag-comment sa mga natabunang posts (other than the most recent one) kahit pa binabalikan at binabasa ko rin.  Sa aking nangangaunti 😳 nang commenters, dalawa ang obvious na regular ‘subscribers’ sa aking mga inilalathala dito:

1. Ang nagbigay sa akin ng award (Bumagay ang kulay sa blog-template), at

2. Ang pagpapasahan ko ng award.

Thanks again sa award, bluedreamer.

I-share ko sayo, RJ… Naka-link sa graphics ang original niyan.

Sa lahat ng followers ng MPSD (regular or irregular, visible or otherwise) — salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay.

————————————————————————————————

Ang post na ito ang istoryang tinukoy ni Doray daga sa sinundang entrybut not about those kind of viruses this time… Hinga muna nang kaunti… pag ganyang puro bad nyus ang makikita mo sa TV — manlulumo ka sa pagsu-subscribe sa mga kaganapan sa Pilipinas. 😦

Published in: on 17 June 2009 at 12:10 am  Comments (1)  
Tags: ,

Juan, Juan, Juan…

OPERATION 111

111th Philippine Independence Day

June 12, 1898 — The declaration of Philippine Independence

(from Spanish colonial rule) by Filipino revolutionary forces under

the leadership of General Emilio Aguinaldo. (Click for MORE ▼)

Pages: 1 2

Nay-unsHammie

Ten days na sanang hammie-nanay si Doray ngayon… kaso nga, hindi eh.

Si Boolaboy Berio kasi! (nasisi pa ang boypren)

Si Doray Daga ang T.B. item #4 sa sinulat kong entry pagkauwi nitong huling luwas ko ng Maynila. Binili ko sya sa Cubao para maging ina ng mga susunod sanang karakters ng Blungga.

Si Doray ay isang porendyer-hamster na piniling maging isang local citizen upang maging gerpren ni Boolaboy Berio, isa sa mga kahulihulihang salinlahi ng angkan ni Bitoy. Kita nyo naman ang kulay, hindi nalalayo sa isang orig na Golden o Syrian hamster.

O e bakit nasisi si Berio? Kase… (Dito ▼ muna ang CLICK)

Pages: 1 2

Ka-prends

Kape… kape… k a p e e e . . . !

[ Ahehe, maluluma ang panaghoy na “Tubig… tubig…” ng isang nagdidiliryo sa gitna ng disyerto.]

Panaghoy (request) ko yan kay misis para ipagtimpla ako ng kape, counter– antok at pagod dahil sa pine-frame ko ngayon — cross stitch projects ng mga first year high school na bata. Sa Friday morning nila kelangang ipasa.

Hwaaah!!! Hanggang kaninang 6:30 pm, may dumarating pa. 😥 Hindi ko matanggihan — hindi naman dahil sa kita, kundi dahil parang makukunsensya ako sa mga bata.

Haynako, buti na lang may isa pang nagpe-frame dito sa bayan… si Mang Rene na magse-70-year-old na yata (angkapal na ng lente ng salamin sa mata). Considered namin sya as ka-prends sa framing service — hindi kakumpitensya. Pero sabi ng mga nanay ng mga bata, hindi na rin daw mahagilap sa pwesto nya ang matanda, tambak na rin siguro ang pa-RUSH sa kanya. 😆

Kape ka dyan? Mga ka-blog, siguradong gising kayo dito. (CLICK yo)

Ka-prends… ka-prends… ka-prends!!!CLICK yo uli ▼ wala na maustrap.

Published in: on 11 February 2009 at 11:40 pm  Comments (5)  
Tags: , ,

Wanistunayn

“Blog-GADA”

Natatandaan nyo ba yung impromp-10 tag sa akin ni virtual inaanak? Sabi ko duon:

“Hmm… may magnanasa pa kayang masampulan ng tag na ito?

“Hindi nga? Di ba ilang beses nang naulit ang ganitong klase ng listahan ng tungkol sa sarili, iba-iba lang ang bilang? Empre, mas exciting pa rin yung may multiple choice, guide questions, o konting LARO… Pag simpleng listahan lang kasi paris nito, ‘ala na syang gaanong thrill…”

Kaya kung pano natin nilagyan ng konting “thriller” (pikyur ko) 😆 ang tag na iyun, gimikan natin uli itong ngayon.

Ni-tag kasi ako — about oneself uli, at sampu na naman. Medyo naiba naman ang tag ngayon ni bunso, pero para mas lalong unique, baligtarin natin, hane? Hanyo na kung hindi nyo ma-gets ang post title* …basta eto’ng sagot sa tag:

Published in: on 3 February 2009 at 10:00 pm  Comments (8)  
Tags: ,

A Tribute Campaign: Certified Senior Bloggista

bluedreamers-award-goldcup-2009 jeniffers-award-2k9-badge

Two for the road to 2010.

Ambait talaga ni jeniffer… Kung kelan naman ako medyo “tinatamad” na sa pagkokompyuter, saka naman in-invite niya ako dun o 🙄 (yang asul na badge).

Okey lang siguro kung isinabay ko na rin ng display ang isa pang napaka-gandang award (Yeah! 😀 😀 Merong ISA pa!) na katatanggap ko lang this week. Eniweys, parehong may “2009” … nalulula din ako sa original size nyang badge kaya ko medyo niliitan.

Salamat nang marami. Lalo tuloy nag-umigting ang aking sigasig na hindi basta na lang iiwan ang lunggang ito. …zzzzzzzz… CLICK to wake me up.

T.B.

May TB ako… uho! uho! hohoho!

Buwan din ng Enero (panahon ng tag-ubo?) last year nung magpaskel ako ng isang entry Tungkol sa BAGA… Pero hindi tuberculosis ang topic ko ngayon.

Touch Button → ◙

Published in: on 30 January 2009 at 5:00 pm  Comments (11)  
Tags: , , ,

impromp-10

da-ninong

Nyay! “Hansome-ma” ba? Ahehe, ito po ang orig bersyon niyan. godfather

Paunawa tungkol sa pikyur

1. Hindi ito tag. Laru-laro, ‘ala lang magawa. 😆 Kaya di na kelangan pakatihin ang kritikong pag-iisip, huwag nang bigyan ng ibang twist.

2. Pasko kaya yang theme na yan ang biglang pumasok sa isip ko. Naalala ko lang ang aking mga inaanak sa tunay na buhay.

3. Hindi pala bagay sa akin ang naka-amerkana? Mas mukha akong gangter (gagster) kaysa dun sa sindikato-lider na bida.

4. Tinanggal ko ang kamay na may kurus, baka ako’y mapagkamalang papet o galamay (tentacles) ng kung sinong amo. No way!

5. Hindi ko pinatay yang pusa, kahit pa ako’y mahiligin sa daga.

Paris nun minsan, nagrekwes uli ang mga daga ng mubi–poster: this time ng pinakahuling(?) tatay sa pamilya nila, kaya eto Obyus ba na kelangan i-cropped ang pusa?

“Impromp-Ten” Tag?

pindu-10 mo rito ◙ sambeses lang.

Published in: on 20 December 2008 at 10:00 pm  Comments (4)  
Tags: ,

impromptu

Tinanghali ako ng gising — pasado alas-nuwebe na yata… May naalala ako kaya diretso agad sa laptop. Punta ako sa website nya

Nyay! 😯 Pwede ba magmumog muna? O kaya magwinig ng mata?

“ ‘Indi pede! Impromptu nga eh!” 😆

Wala ako webcam, kunin ko muna digital cam ko ha? Wala akong babaguhin sa karakas ko, pramis yan.

. . .

O, eyan! 😳

Ahehe… nakabonete ako matulog, hindi ko na inalis. Buti na lang ‘ala ako muta, ‘ala din makita kayat ng panis na laway sa pisngi.

————————————————————————————————

TAG RULES:

1) Take a picture of yourself right NOW!

(Ngayon na! 😕 Huwag na humarap sa salamin!)

2) DON’T change your clothes, DON’T fix your hair… Just take a picture.

(Walang suklayan 😆 walang ayusan ng damit!)

3) Post that picture with NO editing. (Walang burahan ng tagyawat!)

4) Post these instruction with your picture.

5) Tag 10 people to do this.

i-KLIK mo rito ◙ ora mismo.

Published in: on 15 December 2008 at 10:48 pm  Comments (9)  
Tags: , , ,

Tulak

“Ay, cha-malamig, cha-malameg!!!”

Nung una kong makita ang pushcart na ito sa bahay ng anak-online ko, yan talaga ang unang salita na naisip ko… Tulak! Syempre, kariton e. Rolling store. Marami ngayon dito sa baba ng building, nagtitinda ng mani, popcorn, fishball o kikyam dahil magpapasko. Sey mo, may French fries pa na iba’t-iba ang kulay at lasa ng polbo!

Nang mapunta naman ako sa bahay ng inaanak-online ko at ni-tag nya ako, aba eh dito’y nagsimula na akong mapuyat sa pagmumuni-muni ng ganito:

Ano ga ang pumasok sa isip ng mga anak na are at ngayon pa nakaisip magtinda ng sa-malamig? Ka-ginaw ngayon a? Baka lalong sipunin at ubuhin ako! 🙄

Pero nung marealized ko yung sinabi ni anak-online na Vitamin C (expert syang alamin kung ano ang ibebenta dahil may tindahan sila ni mudang nya) at yung inaasam-asam ni inaanak-online na PSP, namulat ang isipan ko:

Lemonada is good for battling sipon at ubo, and selling such can help raise some money. Makatutulong ka na, makakaipon ka pa ng pambili ng PSP.”

Kaya payo ko sa mga may edad nang paris ko, parating pakinggan ang ideya ng mas nakababata… aush ba, mga anak? 😉 Pede naman di samahan ng yelo. Thank you, thank you eloiski sa tag! 😀

Kaya eyan… nagtulak na rin ako!

————————————————————————————————

Ang mga sumusunod na pagsasalaysay ay pawang kathang-isip lang.

Anumang pagkakahawig ng mga pangalan at lugar sa tunay na buhay

ay sadyang hindi sinasadya…

(Rated PGR)

← PUSH da RED BUTTON

Published in: on 5 December 2008 at 12:30 am  Comments (5)  
Tags: ,

Tawad-award

PLAQUESO.
Hindi ko natanggap, CUTE lang kaya inarbor ko dito. mollyann.com

Aside from my holiday posting, may dalawang bagay (at least) na pag nangyari ay hindi uubrang hindi ako magpaskel ng isang entry:

  Pag may bobwituari o daganibersari.

  Pag may natanggap akong “award” o tag,
provided na nabanggit ito sa comment sa pagsilip ko dito sa blungga o kaya’y nakita ko sa pagbisita sa blog ng nagbigay ng tag.

Blog ng hamster chronicles ito, kaya magpopost ako pag may okasyong tulad nyang una; Derpor yang pangalawa ang pagtuunan natin ng pansin.

dagaward bitag
DagAWARD BiTAG

Meron pa, CLICK mo dito. ◙

Published in: on 26 November 2008 at 7:21 pm  Comments (3)  
Tags: , , ,