pliptitri

‘Ala nang duda: →

Ebriyir, ako’y pabata nang pabata.

25 ako las-bewtdey — ngayon 23!

————————————————————————————————

Dalawa ang komon sawor-greyp ng SALAT sa kwarta:

1. “Ang mga ANAK ko ang aking kayamanan.”

2. “Di bale na’ng mahirap — basta WALANG SAKIT!”
Health is wealth, eka nga.

Isa-isahin nga naten… Sige, CLICKa-CLICKahin mo dito

Pages: 1 2

Published in: on 18 September 2014 at 4:00 am  Comments (1)  
Tags: , ,

t4

10th! → ( Angono, Rizal )

First time in 9 years na nakapag-celebrate kami ng anibersari mordan 150 kms awey-from “Maligaya”.

Pages: 1 2

Published in: on 3 March 2014 at 7:00 am  Comments (1)  
Tags: , , ,

bew

( undasjalowin powt )

Black ket sa 4th floor ↑ ↑ White ket sa suming-pul

Bew?

Anubayun, ha?

Bew-mants ageyn,

kaya malamig na naman ang simoy ng hangin.

O hindi ba? Ang tutuo nyan, magdadalawambu-wan ka nang makaririnig ng krismas karols. Sinakto ko lang ang post sa date na ito dahil ang gitnang-gitna ay memyang hatinggabi (Awoooooo!) 😯

!?

🙄

Hindi ka maniwala? Sige, kompyut natin:

Prom Sektembew 01 to Oktobew 31 = 61 deys;

prom Nobembew 01 to Desembew 31 = 61 deys!

Datmins,

der ar 122 bew-deys, ol-in-ol.

Ahehe…

Anggulo nyo talaga kausap! 😡

Tanung-tanung ka pa kasi. 😆

Obyus na ngang blak-en-wayt.

Pages: 1 2

Published in: on 31 October 2013 at 12:00 am  Comments (2)  
Tags: , , , , , ,

baktuwan

( baku-bako, kongkluded )

Baktuwan?

Repley ba‘to nung pers powts-apirans ko?

Hinde,

may “skwer” yung sa iyo.

Sana, ako naman ang bida dito.

… pede?

No wey

— di ito para sa iyo.

Sige na.

… plis?

Bahala ka.

Edi ki-click ka NA NAMAN dito?

Pages: 1 2 3

Published in: on 19 July 2013 at 12:00 pm  Comments (1)  
Tags: , , , , ,

baktusey

( pyotyor ng baktusi )

Yehmeyn! Ayembak tusei “Ba’t ba hangga ngayon e

pindut ka pa nang pindot sa sekwels ko?”

Obyus ba? Dey kip-kaming bak kase

tayps nila prati akong nakikita. 😆

Mga tsong, tinginin nyu ‘to nahuli ko…

Gugamba naman yan?

— hindi ↓ GANGGAM!

Published in: on 8 July 2013 at 8:26 am  Leave a Comment  
Tags: , , , , , ,

tsu-yot

(anader powt wer da hombadi’s on baluga-mowd)

Pinikyuran olmos 2 yirs egow →
Ni-plug-in ko lang kasi Pangasinan Day ang April 5.
Hindi nyo naitatanong, tagarito ang aking mga ninuno at katribu.

————————————————————————————————

Simula nung umpisahan naming asikasuhin ang Haybolsite, lalung dumalang ang pagluwas ko (Pinakahuling nasilayan ko ang Balintawak nuong Nov 29 at Dec 01 ng 2009, kasama pa namin si Doray). Palaging dito-dito na lang ang gala ko, o kaya sa karatig-lalawigan — tulad nga nyang pikyur ↑ sa itaas.

Sa Baguio na rin lang ako bumibili ng gamit sa framing. Di nagtagal, medyo ininda ko ang ismol na kita ko. Mas maliit kasi ang discount sa Baguio kumpara sa kinunan namin ng chopper & joiner sa Pasay… Opkurs mas mahal ng konti (9%) ang pasahe paluwas kesa paakyat, pero pwede naman itong i-offset sa dami ng bibilhing gamit kada byahe.

So, after almost four years, nagpasya ang promding hombadi na muling makatuntong sa lungsod ng Maynila. Isinabak ang di-pa-nalalabhang sapatos na ginamit last year sa Batad: Naipagpag ang natuyong putik ng Banaue highland sa may dalawang kilometrong mainit na semento ng Makating syudad. Distaym, hindi natanggal ang muling ni-rugby-hang traction sa aking rabersyus.

——————

2 kilometers, nilakad nyo amo?

Naligaw kayo?

Mas puro pa rin ang hangin sa probinsya

kahit tila dry na dry ang Nuweba Esiha.

————————————————————————————————

4th floor + haier pang kronikols sa PAGE 2

Pages: 1 2

Published in: on 5 April 2013 at 11:00 pm  Leave a Comment  
Tags: , ,

wayndap

Tabak ng Japox: one of my ‘take-homes’ in 1996.

Iwind-up natin yung nabiting diskusyon nung Dec 30:

Don’t think that I came to bring peace to the earth!
I came to bring trouble, not peace.
” (Matthew 10:34)

Contemporary english version (CEV) ang pinagkunan ko ngayon para mas klaro at hindi morbid pakinggan. “Sword” kasi ang ginamit sa halos lahat ng ibang bersyon, imbes na “trouble”. Para bagang war-freak?
Hindi kaya ginamit lang ito figuratively? Sasawayin ba Nyang managa si San Pedro kung war-freak Sya?

“Hindi nga war-freak, ‘trouble-maker’ naman!” eka mo siguro.
Baka mas lalo kang madismaya pag nabasa mo itong kasunod na mga talata?

…way-don-yu-klik → ❌ HIR?

Pages: 1 2

Published in: on 31 January 2013 at 7:00 am  Leave a Comment  
Tags: , , , ,

rewayn

Wala me paputoks, pwede na ‘to pangsalubong sa nyuyir.

← dito galing yan, part 2 ng last year’s bidyo

Hmp!

di mukang pang-new yr!

— mukang pang-undas!?

All-year bidyu-rebyu na lang tayo! |◄◄ rewind

Pages: 1 2

kambaks

( Walang kinalaman sa katataposts na series of 1 kams & 2 baks. )

Bisi-bisihan me sa kaba-baluga kaya madalang ang pagba-blog; At dahil kokonti nga ang posts ay di magkaumayaw kung saan ilalagay ang ganito o ganuong topic. Dito na nga lang, between 13 & 31.

Two kambaks. I-split natin kaya passed muna tayo sa ating pikti-cious seryeng pang-aiufs, aush ba?

kambak 1kambak 2

↓ ↓

Pages: 1 2 3 4

Published in: on 22 August 2012 at 4:58 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , , , , , , ,

plawors

plough — hila ng carabough

caraboughtulak tagahila ng plough

derpor, “plough-ers” = caraboughs

← Rejected pikyur dito;

ang dapat dyan ay dito.

Si Dikyam ba itish?

Pudra ni Blaki?

Pudra ka dyan!?

Babae yan!

Konwari ka pa!

It doesn’t matter now.

Bakit alam ni sioux ang

tungkol ke tatay!? 😕

Ewan ko, koya…

🙄

————————————————————————————————

Kopi-brek ( PAGE 2 )

Si Temyong Bulalaquey sa bæstfoks ( PAGE 3 )

Pages: 1 2 3

Published in: on 31 May 2012 at 5:19 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , , , , , ,

putokpor

Olrayt, andito pa’ko! Eto ang prinamis kong part 4 ng putok-series. This time, it’s all about a hobby that never bloomed into a full profession — Putokrapi!

————————————————————————————————

Latakdispo inventori! Sari-saring Pang-nyut-kolektibols in my kastodi. Hindi pa uso digital cameras nuon kaya halos lahat ay 135 film ang bala. Ilista natin akording to kranologi:

1.camera oscura (1983 May 01).

Twin-lens camera ito na ginawa ko lang nuon mula sa illustration board, bago kumuha ng basic photography sa Devcom. Ang lenses ay 47mm 1:4, maximum f-stop is 32. Syempre ang pagkasa (film-advance) ay manu-mano. Ang exposure ay depende sa kung gaano kabilis mo i-push ang sliding shutter. 😆

2.Minolta Hi-matic 7SII with 40mm 1:1.7 lens; f16 max. Manual rangefinder-focusing. Manual film advance & rewind. Manual or auto exposure. Shutter speed (SS) 1/8~1/500, B. ASA 25-800 (DIN 15-30).
Accessory: Minolta 20 electronic flash.

Camera ito ng bayaw ko, binili sa Saudi nung binata pa sya… Hindi na nya masyadong nagagamit ito nung umuwi sya, kaya ipinagamit muna sa akin habang nagbe-basic photography ako. Natapos ko ang subject, pati ang kurso, pero hinayaan nya lang na nasa akin ito. Nagamit ko pa ng ilang panahon ito sa trabaho habang hindi pa nakakabili ng sariling camera ang opisina sa Los Baños.

3.infra wetzlar w B.J.Oehler • Wetzlar Felgner Punktar 35mm 1:2.8 lens (f16)… Manual focus, film-advance, and exposure. SS 1/25-1/125, B, T.

Ipinrenda ito sa mga hipag ko ng isang may utang sa kanila. 1987, ibinigay na lang sa akin dahil di nila mawari kung ano film. Most likely 126 cartridge, kita nyo kung gano ka-antik ang dating. Gumawa ako ng paraan kung papanong magkakasya ang 135 film… Eto sampols ng kuha. → ← Sa Burnham, kokonti pa tao.

4.Polaroid Sun 600 LMS Land Camera.
Fixed focus 106mm f14.6 lens. Automatic variable speed 1/200~1/3 sec & aperture shutter f14.6~f45. Photocell (silicon photo-diode) Built-in electronic flash.

Instant film na Polaroid 600 ang bala. Kada film pack ay may sampung shots, at naruon na rin ang bateryang magsu-supply ng power sa flash at camera.

Ipinadala ito sa akin ng mamay ko (1988) as a graduation gift siguro. Isa sa mga kamerang baon ko nung mag-training sa Japan — kasi pag isi-nyut, segundo lang e makikita na ang kuha.

5. & 6.Snapoi & The Spy.

Size 110 film, fixed focus & exposure, manual film-advance — sale promo ng Agfa (1989). Yang “case” na yari sa illustration board ay ginawa ko lang.

Pang-daytime lang na matingkad ang araw, at dapat ang kukunan mo e hindi nakatalikod sa araw. Kung makulilimlim, mas mataas na film speed ang dapat mong gamitin. ASA 200 at 400 ang karaniwan sa 110 films.

7.Snapper 110E by Agfacolor. Fixed focus and exposure, manual film-advance.

Bagong-kasal kami ni misis (1990) kaya can’t afford pa ako bumili ng disenteng camera maski second-hand lang. For a 110 film, mas okey na ito kaysa dyan sa items 5 & 6. “Sun-lover” din, nabili ko sa Baguio.

8.Minolta 16 E • E with Rokkor 25mm 1:2.8 lens. Two manual focus settings: medium shot & infinity. Manual film-advance. Auto exposure via selenium meter (facet-like structures). ASA 25-400 (DIN 15-27). With flash sync terminal.

Ibinigay sa akin (1991) ng kaopisina kong painter, kasi hindi rin namin mawari kung saan kukuha ng “10 x 14” (mm) na film… Ayun — di gumawa ako ng sariling film size at cartridge!

9.Sequence camera with four fixed-focus lenses. Fixed exposure. SS ~1/2sec. Manual film-advance & rewind.

Nakatuwaan ko lang bilhin nung 1992. Sa standard na 35mm film, apat na “action shots” ang masa-syatan. Daytime camera na tulad ng items 5, 6, and 7 — kaya hindi kelangan ang baterya.

10.Olympus PEN EED w F. Zuiko 32mm 1:1.7 lens (f22). Manual focus, film-advance & rewind. CdS meter. Fully automatic and aperture priority autoexposure. ASA 12-400.

Accessory: Optar 152S slave flash. GN 49(ft) or 15(m) at ISO 100.

Power: two AA batteries. Dimensions: 92 x 60 x 41mm. Weight: 88g. Base plate for slave operation.

35mm camera ito na half-frame — ibig sabihin, dun sa 36-exposure rolls mo ay makagagawa ka ng 72 pikyurs. Nabili ko nang second-hand sa Hidalgo (1992 Aug 01) … Yang flash (brand new na sale) ay nabili ko naman separately sa SM North EDSA, kinabukasan.

11.Le Clic compact 110. 110 film. Fixed focus & exposure, using two AAA batteries for built-in electronic flash.

50% discount sa One Stop Photo Center, SM City Annex, North EDSA (1992 Aug 02) kaya bumili ako ng dalawa. Ibinigay ko ang isa sa pamangkin kong 10-yr-old pa lang nuon.

12.Nikon FM2 35mm SLR chrome body.
Manual film advance & rewind. Manual exposure. Focal plane shutter: 1 ~ 1/4000sec, B. ISO 12~6400. Battery for built-in exposure meter: 3V lithium, or two 1.55V silver-oxide, or two 1.5V alkaline-manganese. Dimensions approx 142.5mm(W) x 90mm(H) x 60mm(D). Weight approx 540g.

Accessories:

Tamron AF 24-70mm Lens 1:3.3-5.6 aspheric zoom (f22 max). Length = 59.6mm Diameter = 76.4mm Weight = 270g.

Nikon Speedlight SB-16 Flash. Manual, auto or TTL exposure ASA 25-800+. Zooming, tilting and swiveling head.

AI Nikkor MF 85mm Lens 1:1.4 (f16 max). Length = 72.5mm Diameter = 80.5mm Weight = 620g.

At last, nakabili ako ng sariling camera (body) na fully manual at ‘professional’ sa Hidalgo (1993 Dec 18). Nasundan ito ng pinabili kong wide-tele zoom lens, then electronic flash, sa mga kaopisinang nag-training sa Japan. Yung malaking portrait lens ay ako na mismo ang bumili, sa Tokyo nung 15 Jun 1996.

13.Yashica D TLR with Yashikor 80mm 1:3.5 lenses (f22). Manual focus. Manual film advance. Manual exposure.
SS 1-1/500, B. ASA 10-400 (DIN 11-27)

Personal camera ito ng beteranong photographer na dinatnan ko na sa MRRTC (bago ito na-merged sa PhilRice), ibinenta nya sa akin nung 1994. Medium-format (6x6cm) ito na ang film ay 120 roll. Makailang beses ko ring ginamit ito sa trabaho kapag manunyut ako ng pikyur for book cover.

14.Minolta 110 zoom SLR with zoom rokkor-macro 25-50mm 1:4.5 lens (f16). Manual focus and film-advance. Fully automatic and aperture priority autoexposure.

Naispatan ko sa Hidalgo (1994 Apr 16) second-hand pero mahusay pa ang hitsura at kundisyon… SLR na 110, mura? Types! Isinabak ko ito nung mamasyal kami ni misis sa Corregidor.

15.Canon Canonet with SE 45mm 1:1.9 lens (f16). Manual rangefinder-focusing. Manual film-advance & rewind. Manual or auto exposure. SS 1 – 1/500 B. Selenium meter. ASA 10-400 (DIN 11-27).

Pinaaayos sa akin nung 1995 ng isang kaopisina; naunang nagresigned kaysa sa akin, hindi pa ito ulit binabalikan. Natuyong adhesive yang dumi, hindi kalawang.

16.Canon AiAF 105 Autoboy ZOOM 105 with 35-105mm 1:3.5-8 lens. Autofocus. Auto film-load, advance & rewind. DX-coded auto-exposure, with built-in flash. With databack and remote control. Battery: 2CR5 6V lithium.

Haytek na point-&-shoot, isa sa dala ko nung 1996 JICA training.

17.Fujifilm Cardia Mini Tiara with Fujinon 28mm lens.
Point-&-shoot: Autofocus.
DX-coded auto-exposure, with built-in flash. Drop-in film-loading: film advances all-the-way upon loading, then “rewinds back” one-frame-at-a-time as you shoot. With databack. Dimensions approx 100 x 60 x 30mm.

Accessory: LPL TPP-257 Pocket Tripod.

Twice akong bumili ng camera kasi naiwan ko kung saan yung una. Primero, bumili ako sa Tokyo (1996 Jun 16). Wala pang isang buwan, naiwaglit ko sa Okinawa. Sayang, kung meron daw akong pangalan at address na nakasulat o nakasama dun sa camera, malamang naibalik pa — maliban na lang siguro kung foreigner din ang nakakuha… Dahil kursunada ko na nuon pa ang modelong ito (nakita ko sa isang bisitang JICA sa PhilRice nung 1995), hindi ako nag-atubiling bumili uli (Jul 27) bago lisanin ang Japan — kahit pa mas mahal nang ¥9000 sa Okinawa at walang English user’s manual na kasama.

Mismong ang mga kasama ko sa OIC e kayut-na-kayut (pati dyan sa mini-tripod)… Bakit daw wala silang nakitang mga ganito nung nasa Tokyo sila, iba tuloy ang nabili nila… Naghanap sana sila sa Shinjuku, kung sa’n naro’n ang kabi-kabilang putokrapors-istols — as in parang Hidalgo-Quiapo dito sa Pilipinas.

Bihira kasi ganyan-kaliit at titanium-finished na film P&S nuon. Napagkakamalan ngang digital kahit ngayon.

18.Fujifilm APS single-use camera with built-in flash. Binaklas ko para makuha ang flash mechanism. → Parang ganito ← ang hitsura nyan.

Nung nasa Japan ako (1996), nauuso ang APS film pero ayaw kong bumili ng mga mahal pang APS camera. Derpor, bumili ako ng murang disposable (fixed focus & exp, manual film-adv) para makita itsura ng kuha. Ito ang camerang isinu-surrender sa processor pag nai-syat na lahat ang laman, tapos ang ibabalik na lang nila sayo ay ang film cartridge (nasa loob developed negative) + contact prints kung saan pwede kang pumili ng gusto mong ipa-print ng malaki-laki.

Hanggang makauwi ako e hindi ko naubos ang laman. Dito ko na isi-nyat nang isi-nyat at sa Cubao ko na rin ipinadevelop. Sayang ekako yung flash na umuubra pa, kaya inoperatik ko muna yang camera, tapos yung film cartridge lang ang isinurender ko.

Quality wise, maganda nga ang APS, pero hindi rin gaanong tumagal ang APS film format hanggang sa nauso na nga ang digital cameras.

19.Ricoh XR-2 SLR body with XR Rikenon 50mm 1:1.4 manual focus lens (f16). Manual film advance & rewind. Manual or auto exposure with built-in exposure meter. Focal plane shutter: 4 ~ 1/1000sec, B. ASA 12~3200.

Tumirik na camera, iniwan sa akin ng aming executive director — baka daw sakaling magawa ko pa.

20.Olympus PEN EES-2. D. Zuiko 30mm 1:2.8 lens (f22). Four manual focus settings: portrait, medium shot, long shot, infinity. Manual film-advance & rewind. Selenium meter. Full auto and aperture priority autoexposure. ASA 25-400

Half-frame din ito, ‘kapatid’ ng Olympus PEN EED ko (item #10). Kasama sa iniwang souvenir (1996) sa akin ng aming butihing direktor.

21.Yashica MF-2 with 38mm 1:4 fixed focus lens. Manual film advance & rewind. Auto exposure with pop-up flash. ASA 100 and 400. Power source: two AA batteries.

May nag-iwan na namang kaopisina sa akin (1997)…

22.Olympus XA 2 with D.Zuiko 35mm 1:3.5 lens. Three manual focus settings: portrait, medium long shot, infinity. Manual film advance & rewind. Auto exposure, ASA 25-800, with removable A11 Electronic flash attachment (100, full, 400 ASA settings). Self timer.

Isa pang hand-me-down kolektor’s item. Wala naman akong nakikitang malaking diprensya e iniwan sa akin (1997).

23.Nissin pf-1 with 34mm 1:3.5 lens. Active autofocus 0.95m~infinity. Auto film load, advance & rewind. DX-coded auto exposure (1/60~1/250, f3.5~f11) for ASA 100 & 400. Built-in flash (GN10 for ISO100). Power source: two AA alkaline batteries. Dimensions: 128(W) x 74(H) x 64(T) Weight: 335g w batteries.

Reliable na point-&-shoot, nabili ko at a discounted price sa One Stop Photo Center, SM Megamall (1997 Aug 09) — nakakahon na para laang mga sabong-pampaligo. Bumili ako nuon ng extra, ibinigay ko kay Li’l sister.

May “inspected” yan kasi ginamit kong back-up nung kami naman ang bumisita kay FVR sa Malacanang… Nung nag-resigned ako, ilang beses ding nahihiram sa amin. Eto, nalaos at nalaos ang film, hanggang ngayon ubra pa kahit ang flash nya. At only Php570.00?

24.Focus 35 with 35mm fixed focus lens. Manual film-advance & rewind. Fixed exposure for ASA 100 to 400 films. Hot-shoe for optional flash.

Promo ng Chowking. “Focus free high quality camera” eka, pero pinalitan ko pa rin ang plastic lens ng real glass lens na waste-material mula sa isang pina-repair na camera. Daytime camera ito; kung madilim, salpakan mo ng flash.

25 & 26.More point-&-shoot (2000 ~) …

Nagkausuhan ang ganito nuon. Isang pares ng murang penlight batteries, tutok-at-pindot lang kelangan. Eto dalawa pang ‘expired’ cameras na pinadala kay misis para ipa-“Bahala ka na dyan!” sa akin: 😆

Konica MT-7 with 36mm 1:4 fixed focus lens. Auto film-load, advance & rewind. Auto exposure, ASA 100-400, with pop-up flash.

Nikon Nice Touch 3 with 31mm fixed focus lens. Auto film-load, advance & rewind. DX-coded auto exposure with built-in flash.

Ahe 🙄 anungabang gagawin ko sa mga ito? Hayai lang muna dito… seryusli, tayps kong mag-kyureytor ng antik-putok-museyum.

27.Canon EOS50 fully automated SLR camera. Autofocus. Auto film-load, advance & rewind with built-in motor drive. Eight exposure modes, ISO 6-6400 (25-5000 for DX-coded film) with built-in flash. Power source one 2CR5 6V lithium. Dimensions: 152.5mm(W) x 104.5mm(H) x 71mm(D) Weight: 590g.

Accessories:

Canon EF 28~80mm Lens 1:3.5~5.6 AF (Ultrasonic). Length = 71.2mm Diameter = 66.4mm Weight = 200g

Canon Speedlite 380EX Flash. Dedicated auto or TTL exposure. Autozoom, tilting head. Power: four AA alkaline (LR6 or AM-3) or NiCd (KR15 or KR51)

Papauso ang digicam kaya gustong ibenta ito ni 3rd brother sa mga kakilala nya sa Saudi, kaso walang gustong bumili sa presyo nya. Ibinigay na lang nang libre sa akin nung 2004… Minsan na ring nagamit ni misis ito sa mga church activities sa Muñoz.

28.Minolta DiMage A1 5.0-megapixel Digital camera.
2/3-type progressive primary-color CCD 7.2~50.8mm (135mm equiv: 28~200mm) f2.8~f3.5 lens. Video AF system. 11mm viewfinder & 46mm monitor LCDs. Power source: one NP-400 lithium-ion battery (7.4V 1500mAh) Dimensions: 117(W) x 85(H) x 113.5(D) mm Weight: 560g

Accessories:

Lithium-ion battery charger BC-400.

Battery pack BP-400. Accepts two NP-400 li-ion batteries, or six Ni-MH or alkaline batteries.

Optar 7300AFi electronic flash*. Manual or auto exposure (ISO 50-1600). Tilting and zooming: wide-35, standard-50, tele-85mm head with adapter for 28mm wide.

Ang aking first (& only) digital camera ay bigay ni 1st brother. Hindi ito full-SLR, kaya compact at magaang na tila point-&-shoot. Ipinakita nya ito minsang binisita nya ako dito sa bahay, 30 Mar 2005, at ibinigay sa akin nung ako naman ang umuwi ng Calamba more than a week later, April 11.

—————————————————————————————

Na-out-of-order ito Dec 2005; ako’y medyo namrublema kung saan ipaaayos dahil tumigil na production ng Konica-Minolta cameras. Dinala ko sa Solid Electronics Corporation (service center ng Sony): minor electrical damage lang daw kaya hindi hebi ang binayaran ko. Nabawi ko at nagamit uli since late Sep 2006 — Mas lalo pa yatang tumatag after the servicing?

Then, on January last year (2011), tuluyan nang na-drained ang tatlong lithium-ion batteries na kasama nito. Very useful pa rin ang camera dahil pwedeng gamitan ng anim na AA ang battery pack na bigay din ni utol… At least for now habang di pa ako nakakakita ng NP-400 batteries na out-of-stock na rin yata.

Anyways, as long as the cameras are working, magagawan ko ng paraan (ako pa?) At kahit pa siguro masira na yan, itatabi ko lang. Mas pinahahalagahan ko ang “bigay” o ipinagkatiwala kaysa dun sa binili ko lang.

—————————————————————————————

* Kasabay yang electronic flash sa mga nakita kong “sale” (see point-&-shoot item 23) sa megamall nung 1997. Antagal kong hindi magamit dahil walang mapagkasyahang hot shoe… After almost 8 years, dito lang pala sa camerang ibibigay ni utol uubra. 🙂

Deryuar! 28 cameras all-in-all (but not all are still serbisabol)

————————————————————————————————

🙄

Parang “bitin” ano? Kung hindi ko pala tinanggihan yung alok na digital ni 2nd brother e saktong 29 lahat… Sabagay, may digital camera na nga ako di ba? Saka mas nag-complement pa nga yung TB na pinili kong ibigay nya.

🙄

Hmm, pa’no kaya? Kelangan madagdagan ng isa kasi leap year ngayon 😀 … Eto na lang:

29.Canon PowerShot S410 Digital Elph 4.0 megapixels with 7.4-22.2mm 1:2.8-4.9 zoom lens.

Hiniram ko lang ito at naisoli na rin… Matagal akong napagsilbihan nito (26 Jan to 07 Nov 2011) para i-record ang hayland-kronikol.

🙄

Magdagdag pa tayo ng dalawa para hustong 31:

30 & 31.Bak tu ▲ da basic-Blak-Baks:

blackbox médium format, and

blackbox micro format

Naumpisahan kong gawin (2001) pero tinatamad pa akong tapusin.

————————————————————————————————

Aush! Bilangin nga natin ang pikyurs…

28 lang, ba’t nagkaganun? 🙄 Dagdag tayo isa litrato para balik sa 29:

O eyan ↓ “Group Pikyur” nila.

Wala sa shot na yan ang digital na bigay ni utol (item 28) kasi yun ang aking ipinangkuha. Ahehe, kung pede nga lang na i–set ni camera ang self-timer nya, taz tatakbo sya dyan sa grupo para makasama sya…

Dami ano? Camera pa lang yan, hindi pa kasama yung accessories… Saka putok-buks & magasins, dami din.

————————————————————————————————

Da putokraper ( PAGE 2 )

toksikret sa bæstfoks ( PAGE 3 )

Pages: 1 2 3

Published in: on 29 February 2012 at 8:00 am  Comments (1)  
Tags: , , , , ,

buga

[ krokodile tears ]

*pugak!* *pugak!* *pugak!*

Gardamet!

Naunahan LANG ako!

Naku ha?

Akala ko pa naman astig ka!

!?

Ampanget mo pala umiyak!?

Syarap, yu fagut!

Ayul qill yu!

Ekk!!!

Bogang bungo!

*pugak!* *pugak!* *pugak!*

————————————————————————————————

Napapansin nyo siguro sa foreign movies, lalo na kung syinuting sa lugar na may snow — kahit hindi naninigarilyo, bumubuga ng ismok yung mga karakter pag nagsasalita… Misty breath ba’ng term duon? Simpli fog lang din o ‘usok’ ang tawag ko dun — at kahit dito sa atin, umakyat ka lang ng mataas pa sa ulap e bubuga ka na rin ng ganuon…

Bugabulary of terms:

fog = a dense mass of water droplets suspended in the air.

Sauns-alayks:

fag = sigarilyo ; siyoke (faggot)

fug = mausok o nakasusulasok na lugar o kalagayan

pug = lahi ng aso ; uber-bulinggit na fusil

pugak = kalbo? or makinang naghihingalo? (“pupugak-pugak”)

pugon = furnace in english

Pinakamalamig nitong mga unang araw high-up inda mawntens, at uber-lakas ang hangin in da entire Pelepens…

Di mo na-gets? 😕 Eto ule, me bakgraun-MUSIK na clue… Boo-gaaaah!!!

————————

Drag-on. 😆

Ang nag-iisang mythical kureityur sa Chinese zodiac.

————————————————————————————————

!?

Hmm…

[ CLICK to display → all “Chinese new year” post entries ]

bæstfoks ( PAGE 2 )

Pages: 1 2

Published in: on 23 January 2012 at 8:00 am  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , ,

║║║

iiiiii… !?

Anu na namang dry joke iyan?

Clue:

“xi-xi-xi”

Ah, you again…

“siki-siki-siki”?

Harumppp!

Mali…

Eek! 😮

Bakit may baril!?

Hokey, halukay-archive

Any voluntir?

😳

1 yr + 1 mo + 1 da ago = tenkyub

😀

2 yrs + 2 mos + 2 das ago = naynaynayn

Ahem! Of course —

3 yrs + 3 mos + 3 das ago = etetet

😆

Tenkyu, folks!

Ano, bespren?

Gets mun—

O… Nasan na yung

kausap ko?

Umales, umales…

Akakita a pules!

————————————————————————————————

“11-11-11” [ Display all kyubik’ posts ]

————————————————————————————————

║—║—║ … posti.

Posting pambakud ang tingin ko dyan.

Ang Haybolsite

ikordun na natin.

Kewl ka lang, kumander.

Kahit yung kubol pt. lang muna.

Highland chronicle (PAGE 2)

Grinding-in-tandem sa bispoks (PAGE 3)

————————————————————————————————

bakodbakor

↓ ↓

Pages: 1 2 3

elhidi

Persnayt (Sep 04) nung araw na ako’y nag-evac-w8 na promdi bodega

————————

Hindi ulan ang naririnig nyong ingay sa bubong; Fog yun na ‘nasala’ ng puno at naging hamog na pumapatak mula sa mga dahon.

————————————————————————————————

Latak-dispo inventori muna: bulsababol sulong-de-kowyente

(Pocket Flashlights). Dami akong naging, pero are lang ang surviving:

Kategori 1: Incandescent (tungsten-filament) bumbilya.

Ang ilaw, manilaw-nilaw. Magastos sa bateri; Sa pangmatagalang gamit, ang bulb ay easy mapundi.

1.Fancy keychain na bigay ng uncle ko nuong 1979. May kasamang bolang compass ito na ngayo’y nasa towertop ng Mansyon ng Daga. [Power source: one 2X625A micro cell battery]

2.Keychain na binili sa Divisoria (early 2000s) kasama ng marami na amin ding itininda-tinda. [Power: two AG 10 micro cell]

3.Waterproof, on-sale promo (1994?) ng NationalTM minsang bumili kami sa groseri ng naturang baterya [two “AA” size].

4.Alarm wid plaslayt, na aming nabili nuong 1991 sa salestalk ng isang kakilala. [Batteries: two “AA”] … Ganito daw ang gamit nito:

Habang nasa loob ng naka-zipper mong bag ang buong unit, nakalabas naman ang “loop” at nakasuot sa kamay mo. Pag hinablot ng isang isnatser ang bag, matatanggal at maiiwan sayo ang loop. Magdidikit ang naka-off na switch at maa-activate ang alarma sa natangay na unit [ Parang granadang nitanggal ang pin, pero di sasabog ]. Mag-iiskandalo ang alarma, kaya ang isnatser matataranta. 😆 Malamang na maitapon nya ang bag dahil kahit saan tumakbo ay pede syang masundan at matiklo.

Kategori 2: LED. Brilliant white or colored ang ilaw. Tipid sa power;

Mas durable ang lifetime ng bulb.

5.Kwintas ito na naga-flicker-flicker, na nauso ang bentahan nuong mid-2000s sa Divisoria [Power: three LR 736 button cell]. Kung bumisita kayo kanina sa Mansyon ng Daga, ganito yung Faramir’s Beacon sa Ikabod Tower. 😀

6.Keychain flashlight na blue ang light, bigay ni 3rd affinity sister, around 2005. [Power: three LR 41 or LR 736 button cell bateris]

7.Photo viewer (na may plaslayt), bigay ni mader nung latest uwi ko ng Calamba (2009 Nov 30). Rechargeable sa pyuter via USB connector.

8.← Selpown ko (lotek lang) may plaslayt.

Huwag nang ipang-ilaw ito, sayang. I-reserve na lang ang bateri for texting or koling.

Plain flashlights na multi-LED:

9.With 9 LEDs, powered by three “AAA” size batteries. Pasalubong ni misis pag-uwi nila from Hangkang (2010 Mar 01).

Sleek sa itim na kulay. Kahit may-kamahalan ang baterya, super-liwanag at tumatagal. My peborit. Ang plaslayt na kinatamarang ilabas kaya ako nag-fall.

10.With 4 LEDs, rechargeable sa 220V. Bigay kay misis ng kanyang 1st sister (2011 Aug)

Penk!? Eto yung pinagamit sa akin ni misis nung persnayt ko sa kubol duon ↑ sa video. Lesser ang intensity than my 9-LED flashlight, pero menos-gastos (may low or high settings), environment-friendly (no batteries to dispose), at tumatagal.

By d wey, LED stands for “light-emitting diode”.

————————————————————————————————

Hindi ba…

Lihisleyt, Ehekyut, Dyodaesyl?

Apat yon, ‘pre; taklong powers lang yan.

Anuyung isa?

Ang Huwan

Mapungdi-pungdi na.

Haw sofistiketed!

Pede ba pakiyelaboret?

Bili ka dyaryo.

Basa ka na lang.