Baluga

► See all Baluga posts

Sa bandang likuran naman ito. ↑

Me natutunan akong acronym nung hayskul: “Katuga” — Kain, Tulog, Gala. Gawain daw ito ng ‘walang magawa’. (Gawain pala nila, ay di may ginagawa!?)

(DITO ▼ CLICK)

Pages: 1 2

Published in: on 31 July 2009 at 11:50 pm  Comments (13)  
Tags: , ,

Sa bandang harapan

4th floor

(Hello, Sun!) Mabilis ang pagsibol at pagtaas ng araw mula sa kalupaan. (Quo vadis, homebodyhubby?) Pakaliwa, hanggang tanaw lang; Pakanan, tatlong palapag palusong para sumayad ang paa sa lupa. (Hello, world!)

Pag ganitong mainit ang panahon, ‘parusa’ ang ‘magkulong’ ng bahay. Hindi na sapat ang mag-FRAMING nang buong araw, titigil pagdating ng dapithapon, at tatanawin sa bintana ang paglubog ng araw.

Dalawa ang units sa ikaapat na palapag ng gusali kung saan kami nakaupa. Pag-akyat mo ng 4th floor, nasa bandang kaliwa ang pinto papasok sa amin: isang wala pa sa 6 x 7 metro-kwadradong espasyo. Hindi ko naman iniinda ang kaliitan ng selda kong ito, dahil dadalawa lang kami ni misis, kasama ng sandosenang miyembro ng pamilya ng DAGA na hindi naman matakaw sa teritoryo. 😆 Sa apat na konkretong dingding o pader ng kwarto, isa lang dito ang may mga bintana — yaong nasa gawing likuran ng gusali na nakatapat sa kanluran. Mula sa bintanang ito ko kinunan ang mga SUNSETS.

Want an eastward gaze? Go for it, CLICK this…