Two fathers

Daddy” – when I was 1 year and 8 months old; “Tatay” (in plain white T-shirt) – almost 10 years before his wife gave birth to my future girlfriend.

Naibida ko na ang Dad ko DITO nuon, di ba?

Ang Tatay naman, hindi ko na rin nakita nang personal dahil magsasampung taon na syang namayapa nuon pa mang bago ko maging girffriend si misis.

Tubong Gubat, Sorsogon; independent – ‘sinundo’ ang kabiyak (Tubong Atimonan, Quezon) mula sa pagiging katulong ng mga Morato sa Quezon City nuon. May ala-Cinderella story sila ng byenan kong babae 😛 …pero para hindi na masyadong humaba ang post na ito, sa August sa birthday ng mother-in-law ko na lang ikukwento.

Medyo underheight ang tatay ni misis, at dito sya nagmana, hindi sa nanay nyang pulos overheight naman ang lahing pinanggalingan. 😛 Pero ma-PR, at isa rin ito sa mga ‘naipasa’ ng tatay nya sa kanya.

Ayon sa mga kwento ng waswit ko, isang masipag na ama ang Tatay, nagsikap buhayin at papag-aralin ang mga anak sa pamamagitan ng pag-aalaga ng baboy – katulong ang kabiyak at ang ilan sa kanilang mga panganay. Nung gawin ang kulungan ng baboy, si misis na elementary pa lang nuon ang nagbubuhat ng hollow block (buti hindi nabagsakan ang paa) at nagpiprisintang taga-halo ng semento. Nung highschool, katu-katulong naman sa pagbubuhat ng dram-dram na kaning-baboy na kinukulekta nila mula sa Quiapo. Naging “Tatay’s girl” tuloy si misis.

Isang pagkakataon, nung nasa college na si misis, medyo kinabahan ang mga kaklase niya dahil may napansin silang isang lalaking nakasakay sa taksi ang nakatingin sa kanya. Nung lingunin ni misis ang tinutukoy, napangiti na lang sya.

“Tatay ko yun. Sinusundo na ako.”

Sa gabi, nagta-taxi driver ang Tatay; mahigit tatlong ulit na rin itong naholdap.

Isang kaso, kinuha ang kanyang relo at kinita sa pagpapasada. Matapos syang masugatan sa itinutok na balisong, palihim na sinundan ang holdaper sa inuuwian nito. Nung matiyak ang lugar, iniwan saglit… pagbalik may kasama nang dalawang parak. Nakaharap ang salarin. E di paano? Nakatikim sya ng mala-FPJ na de rapido mula sa ‘byenan ko’! 😆

October 1979, napansin ng 11-year-old pa lang nuon na kanyang bunsong daughter ang kakaibang itsura niya sa walang-tinag na pagkakasandal sa sofa. Cardiac arrest… Hindi nila alam kung gaano katagal na sya sa ganuong estado, but my wife and a neighbor tried to revive him. Si misis lang ang kapamilyang nagbuhat kasama ang kapitbahay na iyon para dalhin sya sa ospital. Declared dead on arrival.

Mula sa aking pagkabata, ‘solved’ naman ako sa pagkakaroon ng isang ama, kahit pa medyo ‘bitin’ nga lang dahil maagang namayapa ang dad ko.

Sa aking buhay-may asawa, yung pagkakaroon ng ‘pangalawang tatay’ sa katauhan ng isang hindi ko kaanu-ano ang talagang hindi ko na naranasan… Sa isang mister, gaano ba ‘ka-exciting’ o kakaba-kaba ang magkaruon ka ng isang father-in-law? Yung tutuo ha? – hindi yung father-out-law o byenang hilaw lang. 😛

Published in: on 15 June 2008 at 8:00 am  Comments (6)  
Tags: , , , ,

Macho

Mga lolo ko, lahat matagal nang namayapa.

Ito ang mga lolo (sa father side) na mas kilala ko lang sa mga kuwento ng tatay ko (bukod sa tatay niya) :

Lolo Enrique – lolo ng dad ko; tatay ng Lola Liit (nanay ng tatay ko). Nuno kong Bikolano na hindi ko na inabot nang buhay nuong ipinanganak ako.

Tito Nanding – tiyuhin ng dad ko by affinity; asawa ng tiyahin niyang younger sister ng Lola ko. Lolo Nanding is a son(?) of the painter Amorsolo. Hindi ko na rin siya inabot, pero ilang beses ko na ring na-meet nung bata pa ako ang anak niya na pinsang mas nakababata ng dad, na kilala lang naming magkakapatid as “Tito Don.” Pintor din si Tito Don paris ng kanyang ama at lolo. May isang pinag-praktisang painting ang Tito Don na ibinigay nya kay Dad nuong 1977, at ito ay nasa sa akin pa hanggang ngayon. Ni-frame ko, kasi medyo related ang subject sa mga daga. 😆 Hulaan nyo nga kung ano ito?

Tito Rod – tiyuhin ng dad ko; kapatid ng Lola ko. May tatlong beses ko din sigurong nakita ito pag pumupunta kami sa kanila sa Balut, Tondo, Manila nung bata pa ako – bago sila lumipat sa States.

Mayroon pang isang tiyuhin ang Dad (panganay na kapatid ng Lola) na hindi ko na matandaan ang pangalan, namatay daw nang tinamaan ng bomb shrapnel nuong panahon ng Hapon.

Ito naman ang mga lolong mas matagal-tagal na nakasalamuha ko nuong bata pa ako (sa mother side) :

Lolo Papang – tatay (at spoiler 😆 ) ng mom ko; asawa ng Mamay (nanay ng nanay ko). Tubong Iba, Zambales. Anluwage (karpintero) ang mas alam kong trabaho niya, pero naipasok daw nuon bilang guwardiya sa “palasyo” nuong panahon ni President Ramon Magsaysay. Siya yung prumotor ng mga pangalang “Koryano” at “Borkano” ng 2nd at 3rd brothers ko.

Lolo Piding – tiyuhin ng mom ko; bunsong kapatid ng Mamay ko. May post na akong kuwento tungkol kay lolo fisherman.

Yun lang dalawang Lolo na underlined ang nasa ‘direct parental line’ ko; ibig sabihin, kung hindi sila nag-exist, walang blog na “mayaman pa sa daga” sa wordpress ngayon – dahil hindi mag-e-exist si homebodyhubby.

Hmmm? 🙄 HBH, rather than a connecting dot, is a period at the end of a lineE di wala nang susunod pa para gumawa ng blog na milyonaryo pa sa daga!” 😆

The following is too good to miss. CLICK HERE.

Published in: on 14 June 2008 at 8:00 pm  Comments (6)  
Tags: , , , , , ,

Larawan ng dalawang ina (Part 2)

Mommy” – about 6 years and 9 months before I was conceived, or 7 years 5 months and 30 days before I caused her her longest labor of childbirth; “Nanay” – 39 years before I was sealed for a lifetime commitment with her daughter.

Kung babalikan nyo yung mga larawan sa nakaraang post ko kanina (“Larawan ng dalawang ina, Part 1”), yung bata pong kilik duon ng isa kong lola ay siya pong aking ina nung isang taong gulang pa lang siya.

Mame” ang nakagawian naming tawag sa aming ina.

Mas “Mother’s day” kong maituturing ang birthday ko, dahil sa kaunaunahang araw ng petsang iyon, 11:30 ng gabi (“0-year-old” pa lang ako) mas naging ganap na ina sa akin ang nanay ko (lalo’t breech birth ako). Anim kaming magkakapatid (pero sa awa ng Diyos ako lang naman ang ipinanganak na naunang lumabas ang paa). Samakatuwid, bukod sa araw na ito ngayon, masasabi kong may anim pang espesyal na mother’s day ang nanay ko.

Pareho kami ng mom ko na ipinanganak ng September. Pareho din kaming suwi, kaya parehong takbuhan ng mga natitinik ng isda sa lalamunan. Nung dalaga pa ang mom ko, maraming binata daw ang nagkukunwari lang na natinik. 😆 Sa September na lang ang mahabang kwento?

Isa pang mother?

Syempre hindi natin pwedeng iisantabi ang isa pang nanay – ang “nanay-sa-batas.” Mother-in-law, o biyenang babae ang ibig kong sabihin.

Nanay” ang tawag sa kanya ng kanyang pitong anak, at maging ng kanyang (mga?) manugang na paris ko. Maaaring hindi ako ang peborit nyang son-in-law o manugang; basta para sa akin, siya lang ang peborit kong byenan. Dapat ko ring pasalamatan sya, kasi kung hindi dahil sa kanya, wala ang misis ko. Malaki rin ang nagawa niya sa paghubog ng magandang ugali at pagkatao ng misis ko.

Sa dalawang mothers ko… Sa lahat ng mga nanay… Sa lahat ng mga ‘Tita’ o tiyahin na ngayo’y tumatayong ‘nanay’ sa mga pamangkin nila… Binabati ko kayo:

Maligayang Araw ng mga Ina!

Eto pa ang ibang istorya ng mga dakilang ka-NANAYan (motherhood) I-click nyo na lang ang mga sususunod – mga kuwentong DAGA nga lang?

Seven stories of madAGArhud:

  1. The menopause litter
  2. Daughters became mothers
  3. The 17-day mother
  4. Dying young
  5. Teenage dad and mom
  6. Byudang ina ka
  7. Kulang sa pansin (Part 1)

Published in: on 11 May 2008 at 2:00 pm  Comments (7)  
Tags: , ,

Larawan ng dalawang ina (Part 1)

Dalawang malapit pang “nanay” na kilala ko: (1) “Lola Liit” – mommy ng dad ko, at (2) “Mamay” – kilik ang one-year-old nyang panganay.

May dalawang pang nanay na directly related sa akin:

Pangalawang NANAY ko sila nuon… Gusto mong makilala?

Published in: on 11 May 2008 at 12:00 pm  Comments (9)  
Tags: , , ,