haydrobobik

Pantabangan, April 1994.

Ang fulow ng tubig ay parating pababa.

————————————————————————————————

Dahil sa bigla at di-inaasahang BAHA, naistranded sa kani-kanilang bubong ang mag-neybors… Ang ismol-maus,

Fasting-yawa!

Wala akong naiahong fud!

A stone-thro awey, may 2 pieces mapanis-panis nang tokwa si bRATfid:

Memyang gabi ko lalafangin —

Para di-makita ni neybor!

In da morning, hir comes batman tuda rescue! May dalang relief na freshly made white cheese na keso. 😆 Ni-reypel-down kay ismol maus.

Tenkyu, tenkyu,

My hero!

Hey! idol, amo!

Paano naman ako?

Nakita kita kagabi!

May nite-vision gogols ako, ‘no!?

Fly mi tu da moon… ♫

Miski bottled-woter lang, bosing!

Yung koko-jus ha?

Lumusong ka kasi sa tubeg!

Gar-dam-et!

Syarap! I’ll kill you!

————————————————————————————————

Akshuli, may pataas din. Atin ngang siyasatin…

— Pataas at Pababa —

( anader “bobo-sa-mathHanalyzement )

1.Ang hangin sa east, iigib ng woter sa Pacific; (pataas)

2.Ispayning wind + woter = taifung lalapit westward sa Pilipins;

(may paikot at pasulong din pala)

3.bagyo-woter + habagat (&/or amihan) = ulang papatak sa lupa; (pababa)

Sa ulang makulit, PANOT na bundoks wetly satureted…

If d sowils cant hold d woters ander, mawnten-gilids wil fez disaster:

4.lupa + woter = mudslides; (pababa)

Magpa-flanking sa ilogs ang debri + sowils, pag bumigay ang ribers,

5.istampeding woter = flashflood; (pasulong at pababa)

Sa civilized inhabited aryas, kanals r gud na TAPUNAN, derpor

6.putek-pusali + woter → sa kalsada dadaan; (pasulong uli?)

Wala nang masulingan, ang woter mag-aalsa —

7.baha ang resulta. (pataas)

8.Finally, bak as webs tu da oceans & seas. (pa-ismol na tsu-tsuna-tsunami)

————————————————————————————————

Ikaw ba’y taga-PAG-ASA?

O isang Taglish Engalog na makata?

Syarap!

Ayul qill yu!

————————————————————————————————

2-bigtoo-big

↓ ↓

Pages: 1 2 3

Published in: on 8 October 2011 at 3:50 pm  Comments (2)  
Tags: , , , , , , , , , , ,

Utaklong

( Gulong — part 1 )

UTAKLONG!

Ulan-takbo-gulong

Tatlong taludtod at isang saknong

Utaklong: paikot-ikot lang ang panahon.

[ Who’s chasing who? ]

Istet of kalamiti, anader tsapter: Pagtapos ng tagtuyot, tagbaha naman. After “Syet, ang inet!”“pWet, ampotek!” naman ngayon.

Tuwing may bagyo,

Magbubukid: Baka mag-lodge ang palay namin…

Tabing-ilog settlers: Baka anurin ang bahay namin…

Kapag bumaha,

Dagang-Iskwater: Masisisi na naman kami! (lepto)

Dagang-Farmer: Machichibog na naman kami! (star meat)

Huwag lang sosobra, may pakinabang ang malimit at malakas na pag-ulan: Patubig-pananim sa mga farmer, pampuno-dams for community water supply. Alagang hagurin ng bagyo ang bansa natin, at dyan wala na tayong magagawa. Harinawang maihaytek na ang ating natitirang nag-iisang PAG-ASA para nahuhulaan naipo-forecast nang maaga.

————————————————————————————————

Si Lance hAMRSTerRONG 😆

Magtatatlong ikot na ang blungga kaya “Gulong” ang prelude feature natin.

May separate page para sa iba’t-ibang exercise wheel sa Mansyon ng Daga, pero memya nyo na puntahan at baka magkasubukan kung gano katulin o kakupad pyuter at internet kuneksyon nyo: 😆 Treadmill ng DAGA

Meanwhile, pikyurs ng mga “gulong” KO muna… CLICK yÜ DITO ▼ ]

Published in: on 7 August 2010 at 11:00 am  Comments (2)  
Tags: , , , , , ,

Da‘yucks’

( Dayuga, part deux )

Can you spot the diperenses… en similaritis?

‘Wag yu na click pikyurs, baka mag-‘ang’ pyuter nyo…

(Kartun karakters din sila.)

Aparentli, pareho sila daga-Fwance
Syurli, both belong tu disem order (rÜdent) en famili (mÜridae) kahit pa tawagin nating “daga” yang una at “daga” naman itong pangalawa. 🙄

Mouse (Mus musculus) yung DSL (dagang scavenger-looter) na naka-eyeball two years ago ng aking blind-hamster na si Amboy. Maliban sa mangharbat ng kanyang fudstak sa umaga (daytime-sleeper kasi si hamster — kung gising man e di rin siguro makita dahil bulag nga ang isang mata), ‘harmless’ naman ang ismol-maus. “Bait” nga ang tawag ng marami sa maliliit na dagang ganito.

Rat (Rattus norvegicus) naman yung malaking nachugi ko dito sa 4th floor nung panahon ng ninunong hamster na si Bitoy (2003) — ewan ko kung paano nakaakyat [ Wats new? Kung bebe-duck nga nakaakyat ] pero sabi ng misis ko nasundan daw sya nitong Daga galing palengke. 😆 Amoy-pusali si Daga e. Ganun sila in the wilds IN the urban areas diba? Mas peborit nilang maghaybol sa mga imbu-imburnal na kung tutuusin e tao rin ang may-gawa.

Kung ang mouse ay dagang-bahay, ang rat ay dagang-labas.
May guts ang RAT na maghalungkat ng garbejs-drams habang taas-ngusong umaawit ng:

“ Ek, ek, ek, ek —
Naranasan mo na bang kumain sa ng gabundok na basura?” ♫

dahil sa laki at yAki-apirans pa lang nya e pedeng masindak kahit pusa.

————————————————————————————————

Kahit sa Europe, mas despised ang rat keso kesa sa mouse. Kung pamilyar kayo sa peak outbreaks ng Black Death nuong bago mag-Renaissance (French, meaning “reBirth”), hindi nila agad natukoy ang pinagmumulan ng misteryosong sakit. DAGA (rats) pala ang pinaka-nagkakalat ng MIKROBYO (bacterium?) ng naturang SALOT at naita-transmit ito sa TAO (yomans) sa pamamagitan ng PULGAS (flea) na kapwa-nila pinagsasaluhan. Ekolodyikal balans ‘myutwaliti’ nga ba’ng tawag dwun? Ewan ko baga.

————————————————————————————————

Yung pet-mouse ni Amboy e hinayaan ko lang. Wala namang sinirang libro o anong gamit — kasi well-fed… Hindi maghahangad ng higit pa sa kelangan nila ang mga yan, at hindi sila magboboykot kung contented… So eyun, hindi ko namamalayan, kusa at nauna pang nagpaalam kaysa sa hamster na kumupkop sa kanya.
[ By the way… alam nyo bang sa mga hamster ko ay yang si Amboy lang ang may → Fwench neym? 😆 ]

As for the big black rat, I have no choice but to kill! it, albeit mercifully, dahil ang kalusugan naming mag-asawa ang nakataya… Also, this one was an untamed beast na mas malaki pa kaysa sa mga hamster ko, derpor namimiligro ang buhay ng aking mga dagang-ninuno.

[ “Daga” o rodent din po ang mga hamster, ibang pamilya lang. ]

Medyo ‘naawa’ ako dito kay Rat nung itatapon ko na, kasi mukha namang harmless nung dedo na. Nabawas-bawasan lang ang aking ‘guilt’ nang makita kong may betlog dahil ruled-out na yung possibility na isa itong Nanay-daga na may pinadededeng mga beybing mauulila. Tatay-dagang naghahanap-buhay para pakanin ang kanyang pamilya? Maliban sa kartuns, wala akong alam na ganyan. Kayo ba, meron?

————————————————————————————————

TAO ang may dominion sa hayop. Kelangang protektahan at pangalagaan ang mga endangered species ; Dapat namang kontrolin sa pagdami ang sobra-sobra sa bilang, puksain kung kinakailangan — kasi nagiging peste na.

————————————————————————————————

Naitopic ko lang kasi tagbaha uli ngayon, posibleng mauso ang lepto. Opkurs we know it — hindi lang daga ang kewlprit.

‘Ala po dipwensya, daga ang stawwing dire.

Ngayun ko lang na-eksplor ‘tong lungga nyo.

Ako lang pala ang dagang-RAT* dine!?

Baka manggalaiti uli ang mga alewdyik sa’min.

Ikumento ba naman sa ibang blogs ang ‘disgust’ nya sa hamster family tree ko? 😕 But (ssshhh…) don’t yu sey a word — baka kayong mga hindi dagarito sa Blungga ang resbakan. 🙂

————————————————————————————————

Pasintabi lang sa mga DAGA (and I mean real, vermin RATS):

We need to hunt you down — So come out, come out wherever you are!

KakaDYAHI lang: Kung kayo man (?) ang maysala sa mabilis na pagDUMI ng ating tahanan, Kase salat kayo sa katalinuhan. Kase wala kayong pinag-aralan. UTAK-DAGA, sotuspik. 😦

*AYON sa “alamat” (kung apatetik ka rin sa kawtuns o funtasi o faiwy tales) : Iyang si Ratatuwe ay isang dagang-pusali na nag-ambisyon at nakaabot na maging hed-kusinero.

Published in: on 1 August 2010 at 1:20 am  Comments (2)  
Tags: , , , , , , , ,

tsorba

Parusa ang magkakalayo… Tsobrang pag-aalala.

Mas mahirap ang magkakalapit ang tirahan, yung walang kamag-anak sa ibang lugar. Pag nameligro ang buong komunidad, walang ibang masusulingan. Salamat na lang na sa ganitong mga panahon, kahit hindi mo kaanu-ano ay handa kang damayan… handa mong damayan. [ p∩r ↓ ]

Pages: 1 2

Published in: on 18 October 2009 at 11:58 pm  Comments (1)  
Tags: , , , ,

guyam

Nung nagbabakasyon ako sa mga lola ko sa Zambales, isa sa mga gawain ko ay ang pag-i-irrigate ng tanimang gulay sa loob ng kanilang bakuran. Enjoy naman dahil bombombahin lang ang poso, paaagusin ang tubig sa isang mahabang hukay na nagsasanga patungo sa mga plots. ( ▼ guyam… guyam… guyam… )

Pages: 1 2

Published in: on 1 October 2009 at 9:54 am  Comments (2)  
Tags: , , ,

powtik jam

Ako kaya ang malagay sa sapatos mo? Ang damang ginaw, gutom at takot — sa sanktwaryong bubong ang buong magdamag at maghapon… Napakasaklap. Hindi lang sa kalakhang-Maynila kundi maging sa mga karatig-probinsya.

Kanlungang bundok, sampupuhang ilog — rumesbak ng dapurak?? 😦

Published in: on 30 September 2009 at 6:00 pm  Comments (7)  
Tags: , ,

Narinig nyo na ba ang kulogyoks?

Mawalang-galang na po… wala pong kinalaman ito sa sineng “Teban olmayti.” 😆 At lalo namang walang kaalam-alam ang aking mga ka-DAGA-an dito, maski pa ang post na ito Seven in 5

Forwarded email message, nipamagatang… (kabooooooooM!) Saun epeks ito. Naka-silent mode kasi yung kidlat ko sa itaas e.  Me silencer? ehehe)

Kung PINOY (daw) si Noah

Taong 2005. Isang ordinaryong middle-class Pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing:

Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba’t ibang kapuluan.

Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos-puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha…

Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah.  Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos,

Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?

Tumugon si Noah,

Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo. ”

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko:

Aber nga? ◘

Published in: on 25 September 2008 at 12:00 pm  Comments (5)  
Tags: , ,

Pader

Araw ngayon ng San Juan. Sa ilang lugar sa ka-Maynilaan, uso na naman ang sabuyan ng tubig at basaan. (Taon-taon yan nuon, meron pa ba nito ngayon?)

Kabi-kabila na naman ang baha, magbabasaan pa ba tayo? 😆 Ahehe, yung mga supot na plastik… yung paris ng pinaglalagyan natin ng tubig, atsaka natin ibinabato sa mga walang kamalay-malay na nagdadaang tao — hindi kaya naiipon yan sa mga imburnal kaya andaling magbaha ngayon?

Ayon sa “PAG-ASA”, pami-pamilyang bagyo pa daw ang magto-tour sa ‘Pinas, tyak magsasawa na naman tayo sa baha… at sa mga disease outbreak — lalo na yung… 🙄 ano nga ba yung sakit na nakukuha sa tubig-baha na ang itinuturong culprit ay ang DYINGGOL ng mga daga?

Nanood ako ng balita nitong mga nakaraang araw. 😦 Hindi na yata mababawasan ang bilang ng mga napipinsala ng bagyo… at yung taun-taon na lang ay istranded na mga pasahero ng ewpweyn at bawko (baka puwedeng huwag munang magbyahe?) Nakakainis na nakalulungkot… may mga namatay at nawawala na naman. 😕 Hay buhay…

Saan galing ang holiday na ito? CLICK mo lang.

Published in: on 24 June 2008 at 12:00 pm  Comments (4)  
Tags: , , , ,