Bobo ako sa math

Aritmetik, matematiks — pareho lang ba ito?

Almost age seven, first time kong nakipag-smooching sa isang playmate na 6-year old girl (yung batang may “bangs” pag ni-CLICK nyo yang pikyur). Huli kami sa akto ng tita ko, sya pa yata napahiya. Medtech student sa Centro Escolar nuon ang auntie ko, kaya maski konti siguro, may basic syang alam sa child psychology.

Alin? Kung yung mga super-legalistic at hyper-konserbatibong matandaing inilalagay ang malisyosong pananaw nila sa pag-iisip ng isang inosenteng bata ang nakakita nun, magdyowang sampal na siguro inabot ko. Kung nagkataon, ano kaya ang naging impact nun sa aking paglaki? Hindi pa ako tumutuntong ng grade I (hindi pa uso ang kinder), at sa tutuo lang, wala naman akong naramdamang miski ano sa ismol pang pututuy ko nuon, pramis. Siguro may napapanuod lang ako mga kissing scene sa TV, ginaya ko lang.

Edad disisyete, nakapasa ako sa UPCAT; At sa Los Baños, 9 years na nagpakadalubhasa sa apat-na-taong kurso sa Pamantasan ng Pilipinas.

Aywan ko ba: Nagta-TOP ako sa math at trigonometry nung hayskul, kumbakit naging pinaka-ITLOG ko ang Calculus nang mag-college. Six units yun nung Forest Products Engineering pa ang kurso ko, Maths 26 and 27 ang course title. Ibinagsak ko yung Math 26, pwes nagretake ako — naka 3.0 naman (yehey)… Nung nag-shift ako sa DevCom, hindi required ang Calculus dito sa bagong kurso.

Edad __, hired agad ako sa isang permanenteng trabaho nung nagdaang taon, at ‘nagpakabusabos’ duon bilang isang “public servant”(?) (Dyok lang, baka may dati akong bossing na mapikon)… Kailangan kong i-blur dahil kasama ko ang aking 2nd ex-GF(?) dito sa litrato (in white shirt). Break na kami dito. Ito yung pangalawang punta ko sa kanila para suyuin sya. Sa dalawang naging ex ko, sya ang naisama ko na sa bahay, kahit pa less than two months lang kaming mag-on. “Tita” na nga ang tawag nuon sa kanya ng unang pamangkin ko.

Edad __, sampung taon ko nang nakakasama ang naging misis ko (2 years as steady, 8 years as wife).  Sarap pag ganitong bakasyon (malayo sa trabaho) kung kailan namin nagagawang lumuwas ng Maynila mula Nueva Ecija para makipagharutan sa mga pamangkin ni misis. Kino-cross stitch ni misis dito ang ireregalo ko sa kaibigan kong Pinoy US navy na na-meet ko sa Okinawa.

Edad __, custom framer, pastol ng mga hamster.

Mas mayaman pa ang aking mga daga (kapus-atiks daw, eka) — it’sokey lang, basta ‘malaya’…

Huwag mo na CLICK, baka masindak pa ka!

Protected: Li’l sis

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Published in: on 6 September 2008 at 12:00 am  Enter your password to view comments.  
Tags: , , ,

Protected: “Koryano”

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Published in: on 26 June 2008 at 2:00 pm  Enter your password to view comments.  
Tags: , , , ,

Protected: “Borkano”

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Published in: on 18 May 2008 at 12:00 pm  Enter your password to view comments.  
Tags: , , , ,

Protected: Ang brother kong 11-year-old

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Pages: 1 2

Published in: on 29 February 2008 at 7:00 am  Enter your password to view comments.  
Tags: , , , , , ,

Triple-tripleng BENTE

Nung bata pa ako ang alam kong Three Kings ay ngayon, January 6.Hindi ko alam kung papanong kalaunan ay naging January 3 ito…Ayus lang, mahirap naman pakialam pa ang kalendaryo hehe…(Wala pa kaming bagong kalendaryo!Wala ba kayong sobra dyan?)

Pasensya na kung medyo mahaba ito, pero yung tag ang talagang nagpahaba hehe — kasi naging TRIPLE ang sagot ko.Ni-divide ko na lang ito with headings para hindi masyado nakakainip basahin.

Hindi Three Kings ang rason kung bakit ngayon ko itinaon ang tag na ito.THREE QUEENS ! …ang “Three Queens” sa buhay ko

AteMommyBaby sis

Ang Mommy ko (center), ang Ate ko, at ang Baby sister ko. Iyan ang mga pictures nila nung 16-year old “PRINCESS” pa ang bawat isa sa kanila.One thing in common sa kanila?Hindi pa nila inabot ang BENTE anyos nung sila’y nagsipag-asawa. 😳

Walang kaso “Mame”, “Ate” at “M——”.Sa isang banda may lamang kayo sa amin.Binanggit ko sa TAG sa baba (#3) kung bakit.At saka nakaraos naman na kayolahat kayo, I hope.

O…yung mga teenager na babae!don’t get me wrong ha?Hindi ko sinasabing mag-asawa agad kayo.Hindi nyo lang alam kung gaano ang pinagdaan ng tatlong iyan.Pero I’m proud to say na hanggang mamatay ang father ko at ang unang bayaw ko, intact pa rin ang pagsasama ng parents ko, gayundin ng ate ko at mister nya.

Syanga palaang date na ito, sa mga ganitong oras din (5am) unang naging ganap na nanay ang mommy ko… Nagsimula syang mag-labor ng alas-singko ng madaling araw, at sa ganap na alas-syete ng umaga, lumabas ang kanyang panganay. Ibig sabihin, BIRTHDAY ng ATE ko ngayon!

— KAUNTING KWENTO TUNGKOL SA ATE KO —

Nung maliliit pa kami4 years old sya, ako 3parati ko syang inaaway (kabaligtaran kami ni Syma at Amboy).Napapaiyak ko sya! (salbaheng little brother).Ang ginagawa na lang nya, “isinusumbong ako kay ‘Papa Dyos’ ” ! Ako naman pag naririnig kong nagdadasal na sya, agad namang bumabait at sinusuyo sya, dahil ambilis kong makunsensya. 😆

Pag nag-aaway kami at napundi sa amin ang Mame, itinatali kaming dalawa.Hehe… maluwag lang naman.Kayang-kaya naming kumawala.Pero dahil alam naming parusa yun, iyakan pero stay put lang kami.Mabait ang Mommy kocharush nya lang yun.

Minsan naman may kaaway kamiisang batang nakatira sa itaas ng bahay namin sa V Mapa, Sta Mesa… mas malaki pa sa akin.Dinuraan ako sa ulo!Ewan ko… sinapok kaya ng ate ko!

Nung elementary kami, sya ang sumbungan ng mga titser ko pag may ginagawa akong “milagro” (huwag mo na akong ibisto, Ate) nareverse ang situation nung naging di-hamak syang mas malaki sakin.Sa haiskul, medyo naging magkaiba ang aming mundo.Nung nag-college, kaming dalawa lang sa anim na magkakapatid ang nag-aral sa UPLB, first semester ko nagkasama kami sa dorm.

Nung mag-asawa sya at magka-anak, ako lang ang kinuha nyang ninong ng panganay nya.

Nung mamatay ang bayaw ko, ako lang ang brother nya na nandun.

Happy birthday “Ate”… lusot ka, hindi ko sasabihin ang edad mo kasi mabibisto din nila ang edad ko! 😆

BALIK SA NANAY KO2008-01-03

Pumunta nung Huwebes (Jan 3, three days ago) dito sa amin ang mother ko.Sinyatan ni misis yang picture dyan sa kanan.

Medyo tampo, kasi mas madalang nya raw akong makita kaysa sa utol kong nasa Qatar (panlima) na basta na lamang sumusulpot ng uwi dito sa Pinas!Yung isa namang resident ng Canada (pang-apat), umuwi dito nung summer.Samantalang ako nung isang taon pa (January 2007) huling nadalaw sa Calamba.

Since I resigned, mas hirap na akong pondohan at bunuin ang almost seven hours (x2) byahe.

Pinasalubungan ako ng nanay ko ng trabahotatlong diplomas at isang nakatogang picture nung isa pang brother ko (pangatlo sa amin, sumunod sa akin) na kaga-graduate lang nung May 2007 sa San Diego CA.Ipe-frame baga?Yari… puro TY na naman ito!hehe… anyway nanay ko naman e.Tsaka yung digital camera kong ginagamit ngayonbigay ng utol kong ito.Sa February 29, ibibida ko sya sa inyo nang kaunti.(hehe… Tol, may birthday ka na naman!baka sayo mabisto ang edad ko a?Anyway, tumatanda man, nananatiling BATA naman…)

Okey punta na tayo sa TAG…

CLICK THIS to see the 20-question tag…