gurööng

( Gulong, reprise )

Oist, daga! Tutuo bang me kinalaman ang K.I.A* nyo

sa asasinesyon nung 1983?

[* Kuratong Interigens Agensi, kunana

pero hindi nila nagets ↓ ]

KIA? Inde amin KIA!

Made in Japan yun, meyn.

Hindi rin amin yun!

Sa Koryano pa — “KIA Seoul” daw ne!

————————————————————————————————

Hang-gulo mag-usap ng mga daga… Kung hindi nyo maarok e huwag nang sisirin. Agpa-vulcanized tayo kahapon, naw wer bak sa usual ikot ng “Gulong”… Nabanggit sa Aug 07 post ang ‘sagot’ sa krisis sa kuryente

Eto naman daw ang solusyon sa krisis sa GASOLINA. →

Harruuump, tama na’ng kumersyal! [ What’s new? Minsan may lumilitaw na ADS sa ilalim ng posts ko — Ganun yata talaga pag bumabagal ang speedometer ni Faramir dyan sa sidebar.] … IBAng topic ule, sabay ko na dito para minsanan lang ang pag-iinternet.

SIGNAL #4. Tu ol stray cats (powtang-gala): Ingat sa pagkandirit sa BAHA —

baka kayo’y mabuslot sa ‘imburnal’. 😆

May page 2 na naman? Baket?

Maws-hunt muna, koya —

Tinginin kung gano katinik humanap ito impowtor na prend naten.

————————————————————————————————

[ Dig, dig, daga… Dig, dig, daga… ]

Published in: on 25 August 2010 at 5:25 pm  Comments (1)  
Tags: , , , , , , , ,

Ang muling paglabas

Tsk tsk tsk… p’rati na lang berde pakinggan ang taytol ko.

Kapo-post ko lang kahapon nung “Ipinasok sa lungga” …ngayon eto naman: “Ang muling paglabas”.

Walang bastos dyan. pero di na yung paglabas nina Trillanes ang topic ko. baka ma-hayblad ako uli pag isipin ko pa yun. kung pede nga lang, magka- amnesty na ako… para di ko na maalala.

Hano kanyo? …amnesty? hanong amnes…ay honga noh!? ahehe sori ule. “amnesia” ang ibig ko sabihin. kalimot. ulyanin… dementia praecox sabi ng mga dalubhasa.

Biro lang… hindi pa naman ako ganun katanda para mag-second childhood pusong-bata, pwede pa.

Tsaka ayaw kong maging “ulyanin” tungkol sa mga nangyayari sa ‘Pinas. hindi ka makakatulong sa lipunan kung parati mo na lang tatakasan ang isyu. indifferent. reactionary. minsan ambivalent… hindi ka Pinoy kung manhid ka. or balimbing kaya. maki-alam ka. diskarte mo na kung paano. huwag yung u-uzzi-uzzi ka lang.

🙄 — FLASHBACK — 🙄

Kaninong fan ka kaya? dun sa “barilan” ng mga artista sa Manila pen telenobela? sino sayo dyan ang tutuong bida? ahehe.

Ta-na-na-nan! ta-nan! istaring …Bik Morow! …and …Rik Dyeyson! …ta-na-na-nan! ta-nan! Kembot*!

*Combat — tele-serye ito nung kabataan ko

Apter d war, may piktyur-teyking pa ang ilang Pinoy at porendyers sa ruins ng hotel na inusukan at pinutukan.

Hokey… bago pa umulan ulit ng bala, b’lik tayo sa muling paglabas

Naalala nyo nung undas bago ako magsara ng lungga? kung gusto nyong maalala, pwede nyong i-click yung Balik sa lungga under “GANITO AKO POSTS” dyan sa sidebar sa kanan. doon nag-pramis akong muling lalabas. and I’m true to my word.

Kaya kahit tambak pa rin naman ang framing jobs ko ngayong magpapasko, kahit na malamig ang hihip ng hangin ngayon — kahit feeling mag-hibernate ang mga hamster ko — ang pinto ng lungga ay iiwan kong parating nakabukas. eniwey maski anong pilit namang makapasok ng pusa ay hindi nya magagawa.

2007-09-17 (Teepee Pompom)

Papalabas iyan — paatras nga lang. 😆 “nadala” na kasi… KUYUGIN ba naman nuon ng naglalakihang pusa sa labas…! ahehe dyok lang.

Pinantihan ko, baka ma-censor tayo!

Holrayt, wayd-open na… hano pa?

Kilala nyo ba ang estudyanteng si Eloiski? sya yung pinaka-bagets na blogger sa blogroll ko. sya yung kaisa-isang binato ko ng ABCD tag bago ko nagsara nung nakaraang undas… aba’y kagabi sa aking pagbubukas, naitsahan ako ng sangkalendaryong tag!? …ayush si pader! ahehe… naresbakan ako?

Ako nga’y tapatin nyo: ilang klase ba meron yang tag, ha? pito-pito yung nakaraan ngayon nama’y buwang-buwang. …ano kayang susunod? …ahehe …pero no problem anak. cross my heart. peksman.

😆 — “SERMON” — 😆

Sa tingin ko maganda rin naman ang layunin ng TAG. paraan ito para makilala natin ang bawat blogger. para magkakila-kilala lahat. magkabati-bati. kaya plis lang TIGILAN nyo na yang PAGSISIRAAN. away-away na nga sila-sila dun “sa itaas”, gagaya pa ba tayong mga blogger?

Ano bang power struggle dito — paramihan ng miron at commentor? …o gatungero’t gatungera?

How can we be a “PROUD PINOY BLOGGER” kung naninira tayo ng iba? ganyan ba talaga dapat ang PINOY — intrigero’t intrigera?

May kanya-kanya tayong layunin ng pagba-blogto inform. to entertain. to give advice. to convince. to express.

Sige ipahayag nyo ang inyong opinyon. ang inyong conviction. pero huwag naman ganyang me maisulat lang kayo, gagawan nyo na ng istorya ang iba. maang-maangan pa kayo e OBVIOUS naman. 😆 Now I am saying this as a rebuke kasi NAUNA ka.

Kayo ba’y “masaya” pag nang-iintriga ng iba? …aba’y dinaig nyo pa yung mga syokeng pinutukan ng tumbong na mga tsismosa sa shobis!

HUWAG naman ganyan… pag kayo naman ang ginanyan PIKON din kayo. :mrgreen:

Okey pinalusot ko lang yan… pero ikaw, mag-isip ka, p’are ko. I hope I won’t be saying this next time…

Kung kristyano ka na paris ng sabi mo, tumingin ka sa Kristong nakilala mo — huwag sa mga kristyanong sinasabi mong nakatisod sa’yo. huwag mo silang gawing EXCUSE — maski ako… In the first place, hindi ka naman basta-basta matitisod kung hindi ka lalampa-lampa.

Kaya ako personally, nako-kornihan dyan sa mga ‘kapatid’ kong born-again na nagsasabi ng: “brother, na-stumble mo ako…” …”kapatid, natisod mo ako sa sinabi mo…” …magpakatatag ka kasi, tanga! …antagal mo nang mananampalataya, balat-sibuyas ka pa..!?

I-rebuke mo ako kung na-offend kita, huwag yang ganyan… may tampo-tampo ka pang nalalaman ahahay… estimalosep! anubayan! girlfriend lang ang ganyan.

Kung GIMIK mo lang yan para dumami ang readers ko, well thank you na lang… pang-showbis yan. maraming ibang paraan. ahehe

Kung sa tingin nyo’y may naninira sa inyo, huwag n’yo nang patulan. lalo lang kayong iinisin nyan. pag minura ka ng baliw, mumurahin mo rin ba? hindi a… hayaan mo syang magsalita mag-isa. 😆

At kayong mga commentor huwag naman na kayong nanggagatong. dapat nga damayan nyong magpakahinahon ang kaibigan nyo.

Well… advice ko lang naman yan. dapat lahat tayo MAGKAKAIBIGAN dito… pero kung AYAW nyo di WAG nyo..! …pero think about it, kaibigan.

Sori dun sa ibang readers ko ha? …hindi kayo ang ibig kong tukuyin dito.

Ako nama’y nagsasalita lang generally — sa regular posts ko. wala naman akong specific na pinatatamaan. pag nagsusulat ako, WALA akong iniisip na partikular na tao — blogger man sya o hindi. kung nasasaktan ka, GUILTY ka. napa-PRANING ka lang maski hindi ko yon alam. eto lang masasabi ko:

“BATU-BATO sa langit, tamaan ay… BUTI NGA SAYO!”

Malay ko ba senyo? hindi ko naman alam ang BACKGROUND nyo. hindi ko ugali ang maghalungkat ng past posts nyo para humanap ng ii-INTRIGA at i-INTRIGAHIN ano? what made you so special, ha? who do you think you are? marami akong non-blogging readers.

May mga kaibigan ako, o kamag-anak kaya, o maski boss ko pa, o hari pa man sya ng Pilipinas o buong mundo — pwede silang tamaan …hindi ako nag-aalangan. ikaw pa kayang hindi ko pa ganun kakilala nang lubos, susuyuin ko? huwag kang mag-react, nang hindi ka nabibisto. ang unang pumutak syang nagka-eklug!

TRABAHO lang mga p’re WALANG PERSONALAN. may simpatya lang ako sa mga pami-PAMILYA. lalo na sa mga kabataan… eniwey…

2007-08-23 (Isnohontas)
O ayan…! humarap na din. huwag nyo na kasing kukuyugin.

😛 — TAG — 😛

Eto yung tag. isiningit ko na dito sa pagkahaba-haba na namang sermon ko… madali ang sang ito. para lang multipol choice na nandun na ang sagot.

Rules:

– Pick your birth month.
– Bold the 5-10 that best apply to you.
– Copy to your own journal, with all twelve months.
– Tag 12 people from your friends list.

Heto birth month ko. at yung 10 traits na tutuong ako.

SEPTEMBER: Suave and compromising. Careful, cautious and organized. Likes to point out people’s mistakes. Likes to criticize. Stubborn. Quiet but able to talk well. Calm and cool. Kind and sympathetic. Concerned and detailed. Loyal but not always honest. Does work well. Very confident. Sensitive. Good memory. Clever and knowledgeable. Loves to look for information. Must control oneself when criticizing. Able to motivate oneself. Understanding. Fun to be around. Secretive. Loves leisure and traveling. Hardly shows emotions. Tends to bottle up feelings. Very choosy, especially in relationships. Systematic.

Ang pinakatutuo e yung “stubborn” — Utak-PISON,
at saka yung “kind and sympathetic” — Pusong-MAMON.

O diba? …tsikenpid …walang maling sagot.

Ayaw ko mag-tag ng ganito, ang dale e ahehe. ang trip kong ipasa sa iba e yung iiyak sila sa hirap. 😆

anghabaaaa naman nung kalendaryo sa baba. mukhang santaon kong iiskrolin… liitan ko nga ang font size! gusto nyo mabasa ang inyo? pa-TAG muna kayo! …eni-wan?

hehehe… sige na. mag-comment ka na, pa-lurk-lurk ka lang dyan e (joke). hindi kita ita-tag… pramis.

Click this to see the TRAITS (daw) for all 12 months.

Published in: on 1 December 2007 at 5:24 pm  Comments (17)  
Tags: , , , ,