m

( lq, ilustreyted )


📷

From here ↖ move clockwise:
→ 1896(45) → 1896(35) → 1897(33) ↴
1964(94) ← 1899(32) ↵

Ipakita ko lang ngayong undas itong selfie ko nadalaw kong puntod o (sinasabing) lugar na kinamatayan ng limang kilala nyo nang tao sa kasaysayan ng Pilipinas: (1) Atty Marcelo H del Pilar, (2) Dr Jose Rizal, (3) Gat Andres Bonifacio, (4) Heneral Antonio Luna, at (5) Pres Emilio Aguinaldo.

Year of death (at edad nuong namatay) yang nasa caption.
Nasa ibaba kumbakit namatay at kung paano (unang) inilibing.

Apelyido na lang para makamenos sa space; Pen name sa case ni del Pilar para hindi nyo maipagkamali sa isang di nya kamag-anak na taga-Makati.

Born Died Age Why died (Pre-) Burial
Plaridel 1850 1896 45 Tuberculosis (borrowed grave)
Rizal 1861 1896 35 Executed (shallow grave)
Bonifacio 1863 1897 33 Murdered (shallow pit)
Luna 1866 1899 32 Assassinated (churchyard)
Aguinaldo 1869 1964 94 Coronary thrombosis in his courtyard

Atin pang busisiin (onti lang): Dito MO i-click! ↴

Pages: 1 2

Published in: on 31 October 2018 at 11:31 pm  Comments (2)  
Tags: , , , , , ,

121

(mas nauna)

1898 June 12 iyon; 1897 Apr 26 ito.
Kawit duon; Maragondon dito.

Yung nauna kong uploads ay sa mansyon ni Aguinaldo; Itong ngayon ↗️ ay sa “puntod” ni Bonifacio… Di ba nag-pramis akong me itatapat sa mordan 60-pikyur album ko sa efbe?


Hintay nyo pa konti.
Wala na una-una o dami-dame.
Trial house Execution site

Published in: on 26 April 2018 at 3:00 pm  Leave a Comment  
Tags: , , ,

una

Sino kayang tao ang hindi naging promotor ng kahit na ano?

Sa mansyon sa Kawit ↗ yang aking celphie… Kung prends tayo sa efbe, ang makikita mong pikyurs ay mordan 60.

Pages: 1 2

Published in: on 30 November 2017 at 12:00 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , ,

mawdew

( muwdewd : 1897 May 10 )

Naun ko lang napansin

— montik na maging ka-born ni Wigwam si Bonifacio?

Oonga po, uncle!

Nob 29 ambewtdey ni idol!

But syurli da maner op chuginess wilnot be daseym

as dat op dapipols pridam-payter oplong ago.

Ba’t yan ang pinag-uusapan nyo?

Anlayo pa ng November 30!

→ W’eno ba ngaun? ←

Published in: on 10 May 2014 at 12:00 pm  Comments (1)  
Tags: , , , , , , ,

ay-dol

Kilala nyo ba SILA? ← click

Mag-LOGIN ka kase sa facebook, taz CLICK mo din yang pikyurs,
para ma-alman mo ang historia.


Kung wala kang makita (the album may not be visible to public) — click mo na lang itong wafung mukha ko, taz piliin ang posts na may ‘TAGS’ ng kanilang pangalan.

Published in: on 30 November 2013 at 12:00 pm  Leave a Comment  
Tags: , ,

kkk

KKK…?

Hinde, iba yun

lower-case ito.

kuri-kuring kapatiran!

Hindi rin…

kkk (“ek-ek-ek”) = “kakapa-kapa.”

————————————————————————————————

Buti pa ang pira, may tao;

ang tao walang pira.

[ Ubrang ikategori sa latakdisposts ]

Napapansin nyo siguro ito sa mga PISO natin: mas mababa ang value ay mas ‘kilala’ ang taong naruon… Sa 1 peso halimbawa — si Gat Jose Rizal ang nakalagay.

Obyus na sinadya ang pag-iimprenta ng mukha ng ating mga bayani sa pera para hindi mawaglit sa isip natin ang kanilang mga ginawa — as in memorial note, ganun… At kung sino yung mas dapat na ipakilala at ipaalala ay dun inililimbag sa mas mababa halaga… Empre nga naman — mas mura, mas widely circulated(?) … parang campaign material din baga?

Ayaw ko ng Rizal.

Gusto ko Ninoy o Macapagal!

[ Di nya ↑ kilala sina Abad Santos, et.al. ]

Sino nga bang tao ang hindi kabisado ang iba’t-ibang kulay ng kwarta?
On da oder hand, anu bang silbi sayo ng mga ‘martir’ na narinig mo lang sa elementari o haiskul histori?

Histori returns,

it happens oldataym.

Ewan ko kung inabot nyo yang limang pisong papel na sinampol ko dyan sa itaas… Kung ngayon lang kayo nakakita ng ganyan, malamang lalong hindi kayo pamilyar sa mas naunang 5-Peso bill:

Nung pinalitan ng pikyur ang mas lumang limang pisong ↑ ito, ang tinanggal na mukha ay isiniksik sa sampung piso.

← [ eyan datietong bago ] →

[ Hmm, anungabang panahon nagkasama sina Mabini at Bonifacio!? 🙄 ]

Kalaunan ang limang pisong heneral ay naging coin na lang… Inpeyrnes, naisisingit pa naman ang supremo sa dalawang piso. [ Tenkyu ha? ]

Matagal nang inalis ang 2-peso. Ngayon, bukod sa baryang mamiso, ang dalawa pa nating peso-coins ay ito:


june 5 2018.. i upd8 po ntin itay..

Wekwek wEhbun brothers and 29 oders like this.

————————————————————————————————

Hayland-kronikol ( PAGE 2 )

Mor ekekek sa bæstfoks ( PAGE 3 )

Pages: 1 2 3

half-term

(alegori wan)

Ang lihim sa likod ng peynting.

Alam myo ba kung para saan ang mga ito? →

Labing-anim (16) na aluminum strips + tatlumpu’t dalawang (32) pakong-bakya… Ginamit ko ang mga iyan para banatin sa stretcher ang canvas ng paintings na ipina-rush ng framing sa akin nung ‘sanlinggo.

Mumunting bagay na nagkaroon ng malaking silbi sa kabuuan ng nakakwadrong-likha na malamang ay nakadisplay na ngayon sa marangyang bahay ng nagpagawa. Nasa likuran, pero naruon pa KASAMA ng painting, pirming makikita at ‘maalala’ kung sisilipin lang — Hindi tulad ng nag-iisang pakong-bakyang ito na matapos magsilbi para butasan nang tig-dalawa ang labing-anim na aluminyo ay itinapon lang sa BASURA…

[ Ahehe, wala kasi ako drill-bit na pino kaya pinagtyagaan kong gumamit din ng pakong bakya para butasan ang mga aluminyo. Sya yung balu- baluktot na nasa left-hand corner ng clickabol na thumbnail pikyur. ↑ ]

Buti na lang, ang tao ay hindi tulad ng isang pako… May alam ka bang pako na mag-aabalang gumawa ng isang bantayog para sa isang martir na pako? 😆

[ Seriously, CLICK here… ]

Pages: 1 2

Published in: on 30 November 2010 at 7:00 pm  Comments (1)  
Tags: , , , ,

Sigaw!

Grrrr!!! Raaaaaaaawrrrr!!!

Nalilito talaga ako sa mga palipat-lipat ng mga holidays natin. Kung hindi mo gaanong gamay ang Philippine History, hindi mo na malaman kung kailan ba nangyari ang kung ano.

Tulad nitong Araw ng mga Bayani… Sabi ng isang source, every 26th day of August… Eka naman ng iba, every 4th Monday of August, which, in this year falls on August 25.

Nung tignan ko naman sa 2008 calendar namin, August 31 (Linggo) ang pula… NyAy!? – talaga palang pula, Linggo nga eh.

Tignan ko nung nakaraang taon (2007), August 26! Tignan ko din yung 2006, August 27! Teka muna, bakit nga ba ako nag-iipon dito ng kalendaryo?

Psst! … ni-move na sa Lunes a? … August 25 !:mrgreen:

Ha? Nipospon uli? (Ano ba talaga ateng?)” 😕

Haiiii! Wafaaaa!!! Yaaaaaaaaiiiikks!!! (Sigaw-karatista yan!)

Ahehe… huwag po kayong mag-alala – hindi ako talaga galit. Ansarap lang kasing mag-ranting minsan, maski hindi ka tutuong galit. 😆

Hindi naman importante kung anong araw di ba? Yung diwa ng holiday ang mas mahalaga… Kaya yang palipat-lipat ng dates, ayaw ko nang usisain kong may advantages o wala. Sa ganang akin nama’y walang epekto yang mga ipit na araw o extended vacation, dahil dito lang ako sa bahay nagtatrabaho. Sarili ko ang time ko, sarili ko rin ang boss ko – yehey! (Ahehe… bossing ko nga rin pala si misis!) … Pero syempre, makikihapi na rin ako para dun sa iba!

CLICK THIS for more.

Ipinasok sa lungga

 

Wala talaga ako ka-plano-planong ipasok ito ngayon. pero hindi ko mapigil. gusto ko lang ibulalas ang nag-uumalpas na init ng puson ko.

Sentimyento ko lang ito. pag hindi ko i-post baka magkasakit ako sa puso.

Ha? hanuyun? puson? …anong puson? tama naman ispeling ko a:

p! — u! — s! — o! …PUSO!

Ay yung nasa first paragraph ba? honga noh!? sori ha… init kasi ulo ko e. pati daliri ko sumasablay na ng tipa sa kibord.

Nakngpota… hindi ka na nga naglalalabas ng bahay para wala kang masamang makita. kumbakit sa tuwing magbubukas ka ng TV ay nakaka-buset ang mga ibinabalita.

Kaya nga yoko ng manood ng NEWS. hindi na “new” ito e. natututo lang akong magmura… gardemet! salamagan! pakdatshet!

Dito samin sa probinsya, pag my RAT-hunting campaign, pini-flame thrower ang lungga para maglabasan ang mga daga.

Kagabi nakakita ako ng ganitong eksena sa TV. hanep full-battle gear. akala mo yung TV series nuon na sina Rik Dyeyson at Bik Morow ang istaring. nu ngang taytol? “Kembot” ba yun? …ay Combat pala. 😆

Kitang-kita nyo naman… pinagta-target. pinagti-teargas. kawawang Manila Pen. Pati yung armored vehicle ipinasok sa loob ng lobby. baka di alam parking rules. kelan pa nagka-parking space sa loob nun? ahehe

Kelangan ba yuuuuuun…!? ewan ko senyo… basta dito na anlayo-layo na sa Manila e abot pa rin ng carpyu. haruuuuuuuump!!!

Hayst… PINOY gyera PINOY. kelan mai-istap ito…

Tama na nga. mahahayblad lang ako. baka memya mo matigok lang ako sa araw na ito. bertdey pa naman ni Bonifacio.

Pansin nyo ba? si Ka Andres lang ang may berdey na pula ang araw sa kalendaryo? bakit kaya? bakit hindi dedo-dey paris nung kay Rizal? ahehe…

Baka naman kasi me gustong itago ang mga gumawa ng holiday na ito nuong panahong iyon. iwas-pusoy na pag-usapan kung paano “nagpakabayani” si Bonifacio… na iniligpit sya ng kapwa Pilipino? … ay, ewan ko uli sa inyo.

Tama na Robert. mahirap nang maging detalyado pa. 😯 baka memya maipasara nang wala sa oras ang iyong lungga. dito ka na nga lang “sa loob” malayang nakapagsasalita.

1998 (Ka Andres)
Lawton, Ermita (1998)

Ahehe… ngayon lang umiksi ang post ko a. sana laging ganito.

ay nakngpot — …! … hoy, hoy, huwag na oy!