rebo

Ol-awt wor:

Komon, komon!

Tigok kung tigok!

Di-tugma ngalan mo sa placard mo.

Ano ba talaga gusto mo…

(Ahem!)

Deir oberthro or yur awtonomi?

Bahala na, miski ano…

Gusto ko lang manggulo ng pagbabago.

Tigil-powtotan:

Eek!

Wag mo itutok samin yan!

O eyan… Ayus ba,

mga acheng?

Acheng?

Ekyusmi no!?

Ba’t kaya ang mga bading

Di naman nanganganak e dumadami ??

————————————————————————————————

I hope I could go back to this post for a more serious (ows?) discussion.

[ Yüng 2ngkol sa “rebol” ha? Dyan sa growth rate ng badaf-popu ay wala akong a-lam.]

Tignan mo nga naman, magtatapos na ulit ang Nobyembre

Sa inyong lahat, maligayang pagpasok ng buwan ng kapaskuhan.

————————————————————————————————

Bakit ka ba nanggagalaite? ( PAGE 2 )

Yomans sa bispoks ( PAGE 3 )

Pages: 1 2 3

Published in: on 30 November 2011 at 8:48 am  Comments (2)  
Tags: , , , , , , , , , ,

║║║

iiiiii… !?

Anu na namang dry joke iyan?

Clue:

“xi-xi-xi”

Ah, you again…

“siki-siki-siki”?

Harumppp!

Mali…

Eek! 😮

Bakit may baril!?

Hokey, halukay-archive

Any voluntir?

😳

1 yr + 1 mo + 1 da ago = tenkyub

😀

2 yrs + 2 mos + 2 das ago = naynaynayn

Ahem! Of course —

3 yrs + 3 mos + 3 das ago = etetet

😆

Tenkyu, folks!

Ano, bespren?

Gets mun—

O… Nasan na yung

kausap ko?

Umales, umales…

Akakita a pules!

————————————————————————————————

“11-11-11” [ Display all kyubik’ posts ]

————————————————————————————————

║—║—║ … posti.

Posting pambakud ang tingin ko dyan.

Ang Haybolsite

ikordun na natin.

Kewl ka lang, kumander.

Kahit yung kubol pt. lang muna.

Highland chronicle (PAGE 2)

Grinding-in-tandem sa bispoks (PAGE 3)

————————————————————————————————

bakodbakor

↓ ↓

Pages: 1 2 3

putak-tilaok

Mga 20 times straight, every 10 seconds — kahit hindi madaling-araw:

“Eh! e-e—eeeeeeeh!”

Akala ko nung una, naglakihan at naging ganap nang tandang ang mga boy-sisiws ni Nanang-hen. Taka lang ako kumbakit alanganing putak na di ko mawari ang mga TILI-ok? Dahil kaya lumaki silang walang nakopyahang ‘wastong’ pagbigkas ng “Taktalaok”? … Kung inyong matatandaan, iniwan sila ni Tatang-tandang nung sila’y mga bibe beybi pa… Kung may Lolo- o Ankol-rooster man lang sana ano?

Naibida ni misis na may nakita syang nyuli-arrived ismol-manoks sa kapitbahay, at duon ko lang nalaman na iba pala ang nagmamay-ari ng mga mahiwagang tilaok…

————————

Choli po :blushed:

mga bantam-chickens pala!

Ahe, prati kasing paders-en-sans ang pinag-iinitan naten.

Maders-n-dawters naman — at distym, focus tau sa yomans [click mo ↓ dito]

Published in: on 11 July 2011 at 3:33 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , , ,

hinayupax

(mga hayup na papa)

Sekwel to inamals

Ilang araw ding hinanap ni Mang Pedring ang missing white rooster.

“Hindi na babalik yun… baka nakakita na ng ibang dumalaga

dyan sa likod,” — ang nanghihinayang na sambit.

1.Si Mang Pedring (hindi si San Pedro ha?) ay kapitbahay ko sa Baguio. Ang puting Tandang na hinahanap nya ay ang ama ng 17 chickoldren ni Nanang Hen na nabanggit ko dito nung nakaraan.

“Itatali ko na lang pag nakita ko,” may pag-asang pahabol,

“o kaya masaltik — nang me maipampulutan.”

2.Kumusta naman si Inay-Maya?

Ilang araw din silang aali-aligid ni Itay-Maya sa labas. Kahit madalang ko nang mapansing may dalang uod sa tuka, buong-tiyaga pa rin silang sisilip-silip sa bintana — nagmamatyag at nagbabantay sa mga nagmamay-ari ng di-na-ganuon-katinis na mga “siyap”.

————————

Nilakihan ko ang siwang ng kisame para hindi mahirapan ang mga Anak-Maya, na bagamat excited, ay tila takot pa ring lumabas sa sang-maliwanag. Naglagay na rin ako ng tuntungan para di-maging peligroso ang kanilang pagbaba. 😀

Si Itay-Maya

hinihintay ang paglabas ng dalawa pang anak nila.

Sa madaling kwento, ginabayan sila ng ebun-couple hanggang makaya na nilang ikampay ang sariling mga pakpak at makapangharbat ng matutuka. Di magtatagal, makakatagpo ang mga ænakay na ito ng katuwang sa paggawa ng pugad, en as yunow it — Paikot-ikot lang ang life.

Kun trip yu magresearch → Passer montanus

————————————————————————————————

Iniwan kami ni Papa…

Magmula no’n nagbago na kulay ng mundo ko!

Ako na lang daddy mo…

Tatawagin kitang “Anak ng Puchang-Gala.”

Awey!!!

Kumakatay ako ng PowsA!

————————————————————————————————

Paumanhin po 😳 mga giliw na mambabasa: I know this is a serious matter.

TIP ko sayo anak: mas magiging epektib kang ama kung lulubayan mo na ang pag-aalaga sa galit mo sa erpats mo… Tagal na nun! — MALAKI ka na ‘no?

HFD.

Published in: on 19 June 2011 at 8:18 am  Comments (5)  
Tags: , , , , , , , ,

inamals

(mga inang animal)

“Isusubo na lang, ibibigay pa sa anak.”

Ilang beses mo nang narinig yan? Sang-ayon ka ba na likas sa isang ina ang magsakripisyo alang-alang sa anak? ‘Anak muna bago ang sarili’ — nakasaksi ako ng ganyan kelan lang, sa bundok at sa patag:

1.Sa haybol site, may pagala-galang Inahin. ← (dito ba galing ang English word

na “Mother Hen”?)

Si Nanang-Hen, may 17 chickoldren. Kakahig-tutuka ang Inanok sa lupa… Pag me nakitang bulate, hindi nya kakainin kundi hahayaang pag-agawan at pagsaluhan ng kanyang mga bibeng- bebing-sisiw.

2.Dito sa 4th floor, nasa labas ang CR. Iniiwan naming bukas ang maliit na bintana sa likod… Dahil pirmi kami nasa Baguio nawadeys (derpor tagal na di nagagamit banyo) may ebun-couple na pabalik-balik dito.

Weeks later, may naririnig na kaming mga sisiyap-siyap sa kisame.

Si Inay-Maya, prating may uod-pasalubong sa tuka. Madalas gusot pa ang balahibo na tila nakipagbuno sa uod… At imbes na lunukin na lang ang uod, dadalhin pa yun sa loob ng kisame para isubo sa mga ænakay niya.

Syurli, hindi nanay ang chichibuging mga bulate at uod… Kung nagkataon, sino pa kaya ang magpapakain sa mga anak-ng-bulate at anak-ng-uod?

————————————————————————————————

HMD.

Published in: on 8 May 2011 at 7:17 am  Comments (3)  
Tags: , , , ,

sa ngalan of the father

When a man is faced to choose between his wife and child, who will he spare? Malamang pareho nyang pipiliin, at kung buhay ang nakataya, sasabihin pa, Ako na lang ang kunin mo Lord, huwag ang mag-ina ko.

Karaniwang mas malapit ang loob ng mga anak sa ina, lalo na kung si tatay lang ang nagtatrabaho at wala nang panahon sa mga bata. Minsan naire-reinforce pa yan ng pagbibigay ni nanay ng di magandang image tungkol kay tatay. Na-inis kay tatay, Demonyo talaga yang ama nyo! eka ni nanay. May mag-anak na tanyan 😆 sa tutuo lang. →

Wives, sons and daughters, CLICK nyo dito ▼

Published in: on 20 June 2010 at 11:50 am  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , ,

Natural na

When a woman is faced to choose between her husband and her child, sino kaya ang kanyang pipiliin? Most likely ang anak nya.*

[ * Sabagay kahit siguro si mister ganito ang gagawin: ang kanyang mag-ina muna

bago ang sarili nya. Pero saka na natin pag-usapan yun, nanay ang bida ngayon. ]

Hindi lahat ng misis naging ulirang asawa, pero napakabihira naman siguro kung meron mang mga nanay na hindi naging mabuting ina. Natural na sa kanila ang mag-sakripisyo ng sarili para sa mga anak. Maski sa mga hayop mapapansin mo yan di ba?

Sa mga dalagang hindi maintindihan ang kanilang ina:

“Balang araw magiging nanay ka rin!” 😆

Sa mga naging ina sa pagkadalaga:

Maging nanay muna; huwag magmadaling humanap ng mapapangasawa.

Sa mga babago pa lang na naging nanay:

O ‘di ba, anhirap maging nanay?

Sa mga nanay na may apo na:

Depends ka pa rin sa nanay mo? Apo na nya sa tuhod yang apo mo.

Alin ka man dyan sa mga nauna:

Maligayang araw ng mga nanay!

(click here)

Published in: on 9 May 2010 at 7:00 am  Comments (5)  
Tags: , , ,

naynaynayn

Hindi lang sister — mother superior– super-madir din ang monghang daga.

Si Syma na yata ang pinakamalupet na hamster ko. Nung ibinalik sila sa amin, walang puknat kung kawawain ang mas batang kapatid na si Amboy. Napupuna ko tuloy (nuon) mapalapit lang ang kinalalagyan ng kulungan nila, itong si Amboy nagkakasakit na. Allergic na sa ate nya?

Sa pagiging masungit ni Syma, may epekto kaya ang bigla at maagang pagkawalay ng dalawa sa kanilang ina? Kung natatandaan nyo ang istorya nila, isang maghapon ding aksidenteng nawala ang nanay nila; nahanap naman uli, pero hindi nagtagal ay maaga ring namayapa.

In time, napabait ko naman si Syma. Kahit hindi na nag-asawa, considered na nanay na rin dahil in-adopt nya si Doray daga.

Si Doray? Alam nya ‘sampid’ lang sya sa angkan, pero ‘ala lang sa kanya. Tanggap na nyang kapamilya sya… At sure ako, hindi yun dahil sa haybol ng daga na ita-turnover sa kanya.

————————————————————————————————

[ Ibang istorya, hindi kwentong-DAGA! CLICK MO DITO ]

Pages: 1 2

W’eno na?

Pagtapos mong magsunog-kilay (paris nito? → Ansipag mo bata! click mo) grumadweyt ka na rin (yehey!) ………… 🙄 Now what?

January 1988, pitong buwan pa lang akong naha-hire sa opisina. Dahil sa new year’s resolution, napaaga ako ng pasok. Bukod sa dalawang matandang sikyong duon na natutulog, ang aming payat at sakiting janitor pa lang ang dinatnan ko. Tutal wala pa namang alas-otso, naisipan kong i-set ang dala kong camera sa ibabaw ng mesa… KLIK!  Kunwari eka e janitor ako.

W’eno pa? KLIK mo uli… ◙ ← dito naman.

Published in: on 18 October 2008 at 11:48 pm  Comments (9)  
Tags: , ,

Ma-windang talaga ako sa math!

Sem break na naman. Hindi ko maiwasan ang matawa sa sarili pag naaalala ko nung estudyante pa ako – ang ilang araw at gabi ng pagka-cram, at matapos yun, ang kuhanan ng grades.

“Form 5A” nga ba ang tawag dun? – yung listahan ng mga grado every end of each semester na makukuha sa College Secretary’s office?  Mataas o mababa, pasado o bagsak, nakaugalian kong ipunin ang listahan ng grades ko.

Niyaya ko ang isang barkadang iskulmeyt na kunin ang Form 5A namin.  Nabuburyong sya dahil walang magawa nuon.  Imbes na walang makausap sa pag-iisa, napilitang sumama sa akin.  “Napilitan” – kasi obyus namang ayaw na ayaw nyang makita ang grades nya.

E di kinuha nga namin… matapos sulyapan yung kanya, aba’y nilamukos lang at ishinyut sa waste can na nadaanan namin? “Hmp! Pang-gulo lang yan!” eka pa.

CLICK HERE to read the rest of this post entry…

Published in: on 8 October 2008 at 8:00 pm  Comments (14)  
Tags: , , , , , ,

Mother’s day… in September?

Natatandaan ko nung ako’y estudyante pa… Desperado na ako sa grades ko, at kamamatay pa lang nuon ng aking dad. Wala namang halong hinanakit, ewan ko ba kung bakit nasabi-sabi ko sa nanay ko:

Kung minsan nga, parang gusto ko na ring mamatay… 😥

Ahehe… don’t get me wrong. Not in any time of my life na naging “suicidal” or “death-wisher” ako (Ako pa? Ay fighter–survivor ako!) Na-imagine ko lang, kasi tinanong nya ako nuong nagkataong naka-EMO mode ako. Malagihay pa nga yata dahil sa dalawang bote ng Pale Pilsen (beer) na minamam ko. What I really mean to say is: “Ano kaya kung namatay na rin ako?”

Napansin ko’ng natigilan ang mom ko, bumaling ng tingin sa iba. Tapos eun… nangilid ang luha at sisinghot-singhot na…

Marami akong naging alagang mga DAGA (anubayan! hehehe) at hanggang ngayon may siyam pa nga, di ba? 😀 Minsan, kapag sabay-sabay silang nagno-noise barrage tuwing gabi, napagmumuni-muni ko:

“Hindi kaya naiinip ang mga hamsters ko sa buhay nila? Masaya kaya sila sa monotonous na “gising-kain-IKOT-kain-tulog… gising-kain-IKOT-kain-tulog… (uli)” na gimik nila? Hindi kaya sila nagsisi na ako ang naging “tatay” nila – ako na simula pa nuong ampunin ang kaunaunahang pares na ninuno nila, ay wala nang hinangad at ginawa kundi ang maibigay ang lahat ng kaya kong ibigay para guminhawa at maging ENJOYABLE ang kaiiksing buhay nila?” 😆

(Sa tutuo lang, kung seryus pet-owner ka, mai-imagine mo rin yan.)

Ahehe, alagang daga pa lang iyan; Ay paano pa kaya kung anak mo na?

CLICK here, for more application sa buhay ng mga Daga.

Published in: on 19 September 2008 at 11:30 pm  Comments (3)  
Tags: , , ,

Putok sa buho

Kung hindi kayo absent sa Pilipino subject nyo nung itinuro ang alamat na ito, kilala nyo ang nasa pikyur. In our own Philippine mythology, sila’y sina Malakas at MagandaPinoy version of Adam and Eve, kumbaga.

Ayon sa kwento, isang pagod na ibong sarimanok ang dumapo sa isang napakalaking puno ng kawayan. Dahil may naririnig syang tunog mula sa loob ng kawayan, tinuka nya ito. Nabiyak ito sa gitna, at mula sa loob ay tumambad ang isang wafung mensu at isang sexbomb-byuting girlalu. Ang magdyowang iyan ang naging magulang ng mga unang naninirahan sa islang ito.

Napakaiksi. Makukuha mong isalaysay sa isang paragraph lang. (Madaming long versions, google search nyo na lang click!)

Simpleng kwento. Simula ng isang magandang lahi (Naks! I’m proud of it!) — Isang lipi mula sa mag-asawang “iniluwa ng kawayan”

Paano kaya kung isang batang — eka nga sa matalinhagang paraan ng pagtukoy o pagbabansag — “putok sa buho?”

Simpleng pagkakamali. Simula ng isang buhay na maaaring humantong sa masalimuot na kinabukasan. CLICK this to continue reading…

Sori din, itay… (Part 2)

( Bible Week series #2—2 )

NOTE: Kung binasa mo ang naunang post ( “Sori anak… Part 1” ) pero hindi mo babasahin ito, tsismis lang ang napala mo. Di bale nang huwag mong basahin ang Part 1, basta basahin mo lang sana itong Part 2. …sige na please.

Eto yung iniwan kong tanong —

“May tanim ka pa rin bang galit sa tatay mo?”

————————————————————————————————

— KAMUSTA NA KAYO NG TATAY MO? —

Huwag mo nang hintaying magSORI ang tatay mo. Bihira sa ating mga lalaki ang nagsasabi ng “feelings” natin, kasi napagkakamalan tayong “bakla” (tangnang stereotyping na yan!)

Isa pa, hindi basta-basta magbababa ng pride chicken nya yun. Baka lang kasi lalo mong arte-artehan.

Kaya kung hihintayin mong magsori sayo ang tatay mo, baka umaasa ka lang sa wala. Do not use your EAR — use your HEART! Ano bang pinagsasasabi mong “Time heals wound?” Bakit hindi ngayon na habang buhay pa sya?

“LOVE heals all wounds” na lang, mas madrama pang pakinggan. 🙂

Pansin nyo siguro, malimit, ang ama ang “terror” na magulang… sya ang mahigpit! Bukod sa “sya kasi ang lalaki,” bakit kaya?

Paano, malimit din, ang mga nanay sobrang bait at kayang-kayang artehan at i-manipulate ng mga anak — nakukuha sa pang-ii-emotional blackmail si Mama. Hehehe… baka naman binabalanse lang ni Papa? Kasi kung pati si Papa ay kaya mo ring ganyan-ganyanin, ikaw na ang magpatakbo ng pamilya nyo… Tuloy, bida si Mama. Si Mama ang spoiler, kaya kay Mama na ako. Sa tingin ng mga anak, si Mama ang anghel na martir 😥 si Papa ang demonyo. 👿

Pag tanda mo, saka mo lang malalaman na hindi pala talagang ganun si tatay mo. Sana lang, huwag mong dalhin ang impresyong iyan hanggang sa pagtanda mo. In the long run, MAGKAKAMPI yang nanay at tatay mo — alang-alang sayo. Kung ikaw din lang ang pag-uusapan, palagay ko’y walang bida’t kontrabida dyan.

Maaaring nasa middle age ka na, humigit-kumulang nasa kwarenta… Ang tatay mong nasa sisenta o sitenta na, naruon sa Golden Acres… o kaya sa probinsya — o maski sa bilibid pa! Hindi mo man lang madalaw dahil sa ginawang pagbalibag sayo nang minsang uminit ang ulo nya dahil sa kaiiyak mo nung musmos ka pa lang.

Matagal na yun. Matanda na tatay mo. Mahina na. Maski hindi umamin, matagal nang nagsisi yun.

Puntahan mo! Baka magulat ka pa pag nabigyan ka ng payo na hindi mo pa naririnig sa tanang buhay mong mahigit na sa apat na dekada. Tandaan mo: maski tumatanda ka pa, mas di hamak na tumatanda rin naman ang tatay mo nang higit pa sayo.

O e di sige, kung hindi mo pa kaya (o talagang hindi na pwede) huwag na (muna). Ito na lang ang iiwan ko sa inyong mga lalaking may galit sa tatay nyo — Mahihirapan kang maging epektibong ama hangga’t may kimkim kang galit sa tatay mo dyan sa PUSO mo.

Sa limang buwan na itinagal ng blog na ito, wala na akong minura kundi ang mga luko-lukong ama na nagpakaluko-luko nung kabataan pa nila.

(Pwede nyong balikan ito: Pamana ng isang DAGA)

Mga ilang panahon pa, ipapasa na nya ang BATON sayo — ang “baton” na iyan ang magkakalat ng lahi nyo, magiging tatay ka rin. Gagaya ka pa ba sa kalokohan nya?

Parang relay race din yan (one of my PE courses sa college, track and field). Kailangang maipasa muna sayo ng naunang tumakbo ang baton bago ka makatakbo.

Ang tanong: Sisihin mo ba ang nauna sayo, na kaya kayo matatalo sa race e dahil ang bagal nyang tumakbo? 🙄 Bakit hindi mo na lang tanggapin ang baton sa kanya at tumakbo ka nang mabilis sa abot ng makakaya mo?

Alam kong mahirap sa parte mo… Pero isipin mo din naman yung susunod na runner na pag-aabutan mo. Mahihirapan din ang anak mo kung tutulad ka sa pagtakbo ng tatay mo — may kimkim na galit?

Sa pagkakataong ito, dedepensahan ko naman ang mga ama nyong nagsisisi na. Hayaan nyong ako ang magsabi nito sa inyo para sa kanila:

SORI ANAK…” 😦

———— • ————

— KAMUSTA NAMAN KAYO NG “TATAY MO SA ITAAS” ? —

Bakit ba ang iba sa atin, hindi tuwirang masabi ang mga katagang “Diyos” o “Panginoon” pag tinutukoy natin Sya? Parati na lang “yung nasa itaas.” Mag-ingat ka baka butiki sa kisame o paniki sa himpapawid ang maituro mo.

Tanong ko ulit:

“Kumusta na ang relasyon mo sa Diyos? May galit ka pa ba sa Kanya dahil sa mga ‘kamalasang’ nangyayari sa buhay mo?”

Kung bihira sa mga ama sa laman ang nagsasabi ng “sori” sa mga anak nila, palagay ko’y sa Diyos talagang wala kang aasahan. Pero ito ang tiyak ko: mahal Ka nya at may maganda Syang plano sa buhay mo. Nananatiling bukas ang kanyang mga palad para tanggapin ka, nakaangat ang mga braso para yakapin ka — kung magbabalik-loob ka lang.

Sa palagay ko, tatlong klase lang naman yang mga “kamalasang” sinasabi mo — una, pagsubok; pangalawa, pagsupil o pagsansala; at pangatlo, parusa. (Hindi ako naniniwala sa “malas” but for the sake of convenience, yan muna ang word na gagamitin ko)

Pagsubok, kung sa tingin mo banal na banal ka na, pero “minamalas” ka pa. Ito’y para lalo kang palakasin at patatagin sa mga posibleng mas mabibigat pang problemang darating sa buhay mo.

For you, O god, tested us; you refined us like silver.

— Psalms 66:10

Pero teka muna… Talaga bang banal ka? Kumusta naman ang pakikisalamuha mo sa ibang tao? Baka “maka-Diyos” ka nga, hindi ka naman makatao? Pwede ba yun?

Baka ang pinagkakaabalahan mong pagpapakabanal ay ang paglalakad lang ng paluhod sa simbahan? Bakit mo ba ginagawa yan? May itinatago ka pa bang kasalanan sa puso mo?

He who conceals his sins does not prosper, but whoever confesses and renounces them finds mercy. Blessed is the man who always fears the Lord, but he who hardens his heart falls into trouble.

— Proverb 28:14

Ang hirap kasi sa atin, dasal tayo nang dasal… Hingi tayo nang hingi sa Kanya, pero hindi naman natin naririnig ang sagot Nya.

“Paano natin malalaman ang sagot Nya?” eka mo siguro, “Pwede ba nating marinig ang boses Nya?”

Huwag mo nang hintayin na marinig ang boses nya, kasi pag nangyari yun baka nagha-hallucinate ka lang dahil nababaliw ka na. Pwede Nyang iparinig literally ang tinig Nya sayo kung gugustuhin Nya dahil wala namang imposible sa Kanya. Kaya lang, it doesn’t always work that way in this dispensation, kaya huwag ka nang maghintay ng kababalaghan.

“So, paano nga namin malalaman ang sagot Nya?”

Ayan! … Yang Bible mong inaamag na yata at dikit-dikit na ang pahina dahil hindi mo man lang binubuksan. Salita Nya yan, ‘di ba? Basahin mo. Hindi yang kung anu-anong ‘formula’ ang sinasaulo mo at inuusal ng paulit-ulit — dahil ang pananampalataya, hindi isang madyik.

At maging aware ka rin sa mga circumstances sa buhay mo para makapag-decide ka. Pakinggan mo rin ang sinasabi ng mga taong nagmamalasakit sayo para paalalahanan ka. Ang mga ito man — circumstances at mga tao sa buhay mo — ay pwedeng gamitin ng Diyos para “kausapin” ka.

My son, do not despise the Lord’s discipline and do not resent his rebuke, because the Lord disciplines those he loves, as a father the son he delights in.

— Proverbs 3:11-12

Malinaw na ang nangyayaring “kamalasan” sayo ay isang pagsupil at pagsansala. Maski ikaw pa’y “swertihin” (huwag mo nang hintayin na ikaw ay “malasin”) — useless ang mga ginagawa mong pagpapahirap sa sarili mo. Hindi na kailangan ng Diyos yan dahil ginawa na yan ng Anak niya. Pag inuulit mo ito ibig sabihin tinatanggihan mo ang ginawa na ni Kristo para sayo.

At lalong mahirap kung sa paulit-ulit na pagsansala hindi ka nakikinig:

A man who remains stiff-necked after many rebukes will suddenly be destroyed — without remedy.

— Proverbs 29:1

Minsan maski ikaw ay nagsisi na, asahan mong may consequences ang mga kalokohang ginawa mo. Yan ang parusa.

Tignan mo si Haring David… Maski sising-sisi na sa kasalanan nya kay Bathsheba (2 Samuel chapter 11) kinuha pa rin ang sanggol na anak nila (chapter 12) … Kalaunan, ang consequences ng kasalanan nyang ito ay nagpatuloy pang parang isang sumpa hanggang sa tumanda sya (chapter 13 and following). Pati ang anak nyang si Absalom ay kinuha pa! (chapter 18 ).

Pero huwag kang mawalan ng pag-asa. May iba pang pagkakataong ibinibigay Sya para “makabawi” ka. Magbalik-loob ka lang, p’re. 😉

Sayong dati nang mananampalataya na nagtampo sa TATAY mo:

Bakit hindi ka magbalik-loob sa Kanya?

Sayong hindi pa nakakakilala:

Bakit hindi ka lumapit sa Diyos at tanggapin ang ALOK Niya?

Sa pagkakataong ito, kayo naman ang pagsasabihan ko:

MAGSORI KA NA ANAK!”

————————————————————————————————

Story 2

… he came to his senses … So he got up and went to his father.
But while he was still a long way off, his father saw him and was filled with compassion for him; he ran to his son, threw his arms around him and kissed him.

The son said to him, “Father, I have sinned against heaven and against you. I am no longer worthy to be called your son.”

But the father said to his servants, “Quick! Bring the best robe and put it on him. Put a ring on his finger and sandals on his feet. Bring the fattened calf and kill it. Let’s have a feast and celebrate. For this son of mine was dead and is alive again; he was lost and is found.

— Luke 15:17, 20-24

Relay race runners…

Mananatiling “BATA”

► See all kith and kins posts

1999-05-31 (Centennial pasyal)

Homebodyhubby with Kev. Intramuros, 1999. (inset: with BJ, Kev. Luneta)

Huling araw na naman ng taon bukas. Isang taon na naman ang malalagas. Marami sa atin mas dama ang pagtanda pag ganitong papatapos ang taon kaysa tuwing ipinagdiriwang ang atin-ating birthday o araw ng kapanganakan.

May naalala tuloy akong isang tao na hindi na naramdaman ang kung papaano ang “feeling” ng isang tumantanda. Kasi hindi sya tumanda.

Ang ‘swerte’ nya naman! — ‘eka nyo siguro…

Nakakainggit naman sya… — dagdag nyo pa.

Siguro, hehe… kase sa ganitong araw, binaril sya sa Luneta. 😯

Lumaki ako sa Calamba. Duon, ipinagdiriwang ng buong kabayanan ang birthday nya. Parating may parada, at hindi mawawala ang “appearance” ng ilang mga artista.

Opo… Si Gat Dr. Jose Rizal ang tinutukoy ko — ang ating pambansang bayani. Sa ilang tao sa Calamba, kulang ang tawagin na sya ay “bayani ‘lang’”.

Nung bata pa ako, kasama kong binabagtas ng mga kalaro ko ang pilapil patungo sa sementeryo sa isang BUROL na kung tawagin ay Lecheria. Mula sa tuktok nun, tanaw ko ang buong kabayanan at ang marami pa nuong palayan. Wala pa ang mga naglalakihang gusali nuon tulad nyang mga malls ng Liana’s at Walter Mart. Ang tanging nagpapataasang sumusundot sa langit ay ang Iglesya ni Kristo at ang simbahang Katoliko. May isa pa pala: ang pinapasukan kong highschool na Laguna Institute na naging LCBA na ngayon.

Nung nag-college na ako sa Los Baños (karatig-bayan ng Calamba), bago ako umuwi ng bahay ay parating trip ko ang magpaabot ng dilim sa loob ng sementeryo. Paano, nakahiligan ko nang panuorin ang paglubog ng araw sa itaas ng burol kaya ginagabi ako. Eto ang isang picture ko sa sementeryo: 😆

Dinekwat ko lang yan sa lumang album ko kaya maraming komiks clippings. Napansin nyo ba si Ikabod bubwit? Nuon pa man, daga-hanga nya na ako. “Kodalith” (high-contrast B&W) film ang ginamit ko sa litrato. Nung mga panahong ito nahilig ako sa okultismo. Hehehe. Wala namang masamang nangyari, kasi hindi ako pinatulan ni Taning! Ewan ko kung bakit? Takot nya lang siguro kasi nung mga panahong iyon nagsisimula na akong “kalabitin” ni Kristo.

Sa itaas ng burol, may isang maliit na kapilya. Nung bata pa ako parati akong kyuryus na silipin mula sa siwang ng nakasarang pinto ang madilim na loob. Pilit kong inaaninag ang imahen ng iba’t-ibang bayani roon. Si Rizal ang pangunahin, dahil para sa mga miyembro ng Watawat ng Lahi, siya ay isang sugo ng Diyos.

Wala ako “say” dun. Bawat tao’y malayang pumili ng kanyang pananampalataya. Sa ganang akin, ako ay isang Bible-believing christian.

Kung dadako naman tayo sa iba’t-ibang panig ng kapuluan, malinaw na mas pinahahalagahan ng buong bansa ang araw na ito. Kaya nga tinawag na Rizal Day. National o public holiday. Pula sa kalendaryo. Araw na kung saan sya ay naging ganap na isang bayani.

Maraming nagawang kabayanihan si Rizal. Pero hindi ko na yan babanggitin dito. Kaya kayong mga estudyante, huwag nyong hanapin dito sa blog ko ang isasagot sa assignment nyo. Mag-research kasi kayo, ayan at naka-online naman na kayo. Pero pakinggan nyo rin ang sasabihin ko…

Isa sa mga pinagkatandaan kong sinabi ni Rizal (bukod pa dun sa tungkol sa “wika” at “malansang biya”) ay yung:

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

Tutuo yun `di ba? … Pero bakit ganun? Antagal nang sinabi ni Rizal yan at paulit-ulit na ring namutawi sa mga labi ng mga guro…

Bakit hanggang ngayon tila wala pa ring kapag-a-pag-asa ang ating bayan?

Naisip ko marahil ito ang dahilan:

Hindi “kabataan” ang maraming may hawak sa liderato ng bayan. Mga matatanda na walang pinagkatandaan!

Ang iba namang dating kabataan, nagsi-tandaan nang hindi natutong “makialam” sa suliranin ng kanyang bayan. Yung iba naman, kandidatong maging salot ng lipunan. Lalo na’t kung ang malawak na kalye ang kanyang bahay — mga street children. Tulad nito:

Nasaan ang kanilang mga magulang? Maaaring sabihin nyong wala nang kapag-a-pag-asa ang mga batang tulad nila. Pero sa ganang akin, marami silang posibleng maibigay na kaginhawaan sa bayan kung tutulungan natin sila. Hindi yung kaiinisan, pandidirihan, katatakutan o kaaawaan (lang)… at lalo na — hindi pagsasamantalahan.

Yung iba, may marangyang buhay nga at napakalaking bahay na hindi mo naman matawag na tahanan.”

Kabataan, kabataan… paano ka magkakaisip at magkakamalay? Iya’y sa kung paano ka pinalaki ng iyong mga magulang. Ang PAMILYA pa rin ang humubog ng pag-iisip mo at pakiramdam. Pero kung napasama ang lagay mo, hindi pa huli ang lahat. May CHOICE ka pa para magbago at mapabuti ang buhay mo.

i-CLICK mo ito ▼ May gusto akong ipakilala…

Published in: on 30 December 2007 at 5:00 am  Comments (21)  
Tags: , , , , , , , , , , ,

Anak – tagapaghango sa kahirapan?

Sem-break na naman… Malamang, para na namang karera ng dagâ sa ‘paghahapit’ ang buhay ngayon ng marami nating mga estudyante. Eh baka naman kasi iba ang inaatupag kapag malayo pa ang bakasyon? Nagsusunog daw ng kilay… Ow? Sigurado kayo?

Meron akong nabasang ‘letter joke’ na gusto kong i-share sa inyo — ito naman eh nasiklot ko lang sa mga e-mail messages na natanggap ng misis ko. Hindi ko na alam kung sino ang maykatha o pinakapuno’t-dulong pinanggalingan nito, pero ihinihingi ko po ng paalam ang paggamit nito dito. Thank you, mam o sir… O ayan ha, hindi ako nag-plagiarize. Alam nyo naman, maski joke lang e dapat me intellectual property (IP) rights na rin. Baka lang ‘ekako hindi nyo pa naririnig o nababasa e me mapulot kayo; makapagmulat man lang sana sa mata ng ating mga anak — at pati na rin sa mga magulang. Eto po:

Dear Anak,….

Musta ka na?… Naipadala ko na ang 50 thousand pesos na pang-tuition fee mo, kasi ipinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE ano?.., wala na din pala tayong baboy…. naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N75, ang mahal naman ng project na yun. Kasama na din doon ang 7 thousand na para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA ha!, anak malayo ba yun?? mag-i-ingat ka sa pagbibiyahe mo.

Para sa iba mo pang kailangan sa iyong pag-aaral, plano namin ng itay mo na isasanla namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong I-POD na kakailanganin mo sa laboratory nyo.

Anak komportable ka ba dyan sa boarding house mo? maayos ka ba dyan sa VICTORIA COURT na inuupahan mo? – maganda ba dyan? di ba mainit anak sa inuupahan mo?..

Anak…. kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT? napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun.

Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari-arian natin ay maka gradweyt kana, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL, sana pag gradweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya… para mabawi natin ang mga ari arian nating sa sanglaan.

Ay cya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / Mc DONALD ka palagi kumakain ok ba naman sa yo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman. Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag da-drive. Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala ko sa yo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.

Ang nagmamahal,

Itay at Inay

P.S. Anak mag aral kang mabuti. Ingatan mo katawan mo. Huwag ka muna mag-aasawa. Ikaw lang ang pag-asa namin para mahango tayo sa kahirapan…

Iyan na nga bang sinasabi ko! Paano tayong di mas hihirap pa sa dagâ nyan? Tsk tsk tsk… aynakuanak! Siguradong katakut-takut na palusot at paliwanag na naman ang gagawin mo pag-uwi ngayong bakasyon. Ay, magising ka naman…

Kayo d’yan, ‘nong say n’yo? Mag-comment naman kayooooo!

Okey, maski usapang Pinoy lang ito, here’s a video just added recently after the second comment below was posted. Let us see what Russell Peters has to say about such a thing: *