YO!

( Young Olweys — part 2 )

Yung pikyur sa part 1 ay sa Maynila Itong ngayon ay sa Calamba.

S’an banda po ean?

An’ganda!

Sa bahay ni Rizal!

Weh…

‘Ala namang swimming pool dun!?

Sa resort yan ni 3rd bró, kungs’an naroon ang Mamé pag nandito. Dyan dinadalaw ng lahat kong pamangkins ang kanilang Lola.

On this post, ipakilala ko naman ang mga batang ito na nasa malayong lugar now (overseas), or di pa isinisilang prior to my post eight years ago (Rizal Day 2007) → click YO dito!

Published in: on 30 December 2015 at 7:00 am  Comments (1)  
Tags: , , ,

ddd

“Piso” pa lang ang martial law nung lumipat kami sa bayan ni Rizal — 1973.

Maliban na lang kung ako’y iuugnay sa aking mga magulang at mga kapatid (“Ah, si Arleen! Anak ni ____” or “kapatid ni ____” ) hindi agad-agad mapagsisino ng isang ‘taal’ na taga-Kalamba kung sino ako… Simple lang ang dahilan: intentionally or unintentionally, hindi ako gumawa ng pangalan.

That’s the bottom-line… Saka na ang mahaba-habang detalye.

Memoryado ko ang edad ni Gat Jose Rizal kase 100 years ( + 2 mos 30 das ) lang ang ‘itinanda’ nya sa akin. 😀

1 piso!

dobol da datung = 2 pisos!

————————————————————————————————

dito, diyan, duon ( PAGE 2 )

duda-duda-dey sa bæstfoks ( PAGE 3 )

Pages: 1 2 3

Published in: on 19 June 2012 at 5:00 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , , ,

Pader

Araw ngayon ng San Juan. Sa ilang lugar sa ka-Maynilaan, uso na naman ang sabuyan ng tubig at basaan. (Taon-taon yan nuon, meron pa ba nito ngayon?)

Kabi-kabila na naman ang baha, magbabasaan pa ba tayo? 😆 Ahehe, yung mga supot na plastik… yung paris ng pinaglalagyan natin ng tubig, atsaka natin ibinabato sa mga walang kamalay-malay na nagdadaang tao — hindi kaya naiipon yan sa mga imburnal kaya andaling magbaha ngayon?

Ayon sa “PAG-ASA”, pami-pamilyang bagyo pa daw ang magto-tour sa ‘Pinas, tyak magsasawa na naman tayo sa baha… at sa mga disease outbreak — lalo na yung… 🙄 ano nga ba yung sakit na nakukuha sa tubig-baha na ang itinuturong culprit ay ang DYINGGOL ng mga daga?

Nanood ako ng balita nitong mga nakaraang araw. 😦 Hindi na yata mababawasan ang bilang ng mga napipinsala ng bagyo… at yung taun-taon na lang ay istranded na mga pasahero ng ewpweyn at bawko (baka puwedeng huwag munang magbyahe?) Nakakainis na nakalulungkot… may mga namatay at nawawala na naman. 😕 Hay buhay…

Saan galing ang holiday na ito? CLICK mo lang.

Published in: on 24 June 2008 at 12:00 pm  Comments (4)  
Tags: , , , ,

Mananatiling “BATA”

► See all kith and kins posts

1999-05-31 (Centennial pasyal)

Homebodyhubby with Kev. Intramuros, 1999. (inset: with BJ, Kev. Luneta)

Huling araw na naman ng taon bukas. Isang taon na naman ang malalagas. Marami sa atin mas dama ang pagtanda pag ganitong papatapos ang taon kaysa tuwing ipinagdiriwang ang atin-ating birthday o araw ng kapanganakan.

May naalala tuloy akong isang tao na hindi na naramdaman ang kung papaano ang “feeling” ng isang tumantanda. Kasi hindi sya tumanda.

Ang ‘swerte’ nya naman! — ‘eka nyo siguro…

Nakakainggit naman sya… — dagdag nyo pa.

Siguro, hehe… kase sa ganitong araw, binaril sya sa Luneta. 😯

Lumaki ako sa Calamba. Duon, ipinagdiriwang ng buong kabayanan ang birthday nya. Parating may parada, at hindi mawawala ang “appearance” ng ilang mga artista.

Opo… Si Gat Dr. Jose Rizal ang tinutukoy ko — ang ating pambansang bayani. Sa ilang tao sa Calamba, kulang ang tawagin na sya ay “bayani ‘lang’”.

Nung bata pa ako, kasama kong binabagtas ng mga kalaro ko ang pilapil patungo sa sementeryo sa isang BUROL na kung tawagin ay Lecheria. Mula sa tuktok nun, tanaw ko ang buong kabayanan at ang marami pa nuong palayan. Wala pa ang mga naglalakihang gusali nuon tulad nyang mga malls ng Liana’s at Walter Mart. Ang tanging nagpapataasang sumusundot sa langit ay ang Iglesya ni Kristo at ang simbahang Katoliko. May isa pa pala: ang pinapasukan kong highschool na Laguna Institute na naging LCBA na ngayon.

Nung nag-college na ako sa Los Baños (karatig-bayan ng Calamba), bago ako umuwi ng bahay ay parating trip ko ang magpaabot ng dilim sa loob ng sementeryo. Paano, nakahiligan ko nang panuorin ang paglubog ng araw sa itaas ng burol kaya ginagabi ako. Eto ang isang picture ko sa sementeryo: 😆

Dinekwat ko lang yan sa lumang album ko kaya maraming komiks clippings. Napansin nyo ba si Ikabod bubwit? Nuon pa man, daga-hanga nya na ako. “Kodalith” (high-contrast B&W) film ang ginamit ko sa litrato. Nung mga panahong ito nahilig ako sa okultismo. Hehehe. Wala namang masamang nangyari, kasi hindi ako pinatulan ni Taning! Ewan ko kung bakit? Takot nya lang siguro kasi nung mga panahong iyon nagsisimula na akong “kalabitin” ni Kristo.

Sa itaas ng burol, may isang maliit na kapilya. Nung bata pa ako parati akong kyuryus na silipin mula sa siwang ng nakasarang pinto ang madilim na loob. Pilit kong inaaninag ang imahen ng iba’t-ibang bayani roon. Si Rizal ang pangunahin, dahil para sa mga miyembro ng Watawat ng Lahi, siya ay isang sugo ng Diyos.

Wala ako “say” dun. Bawat tao’y malayang pumili ng kanyang pananampalataya. Sa ganang akin, ako ay isang Bible-believing christian.

Kung dadako naman tayo sa iba’t-ibang panig ng kapuluan, malinaw na mas pinahahalagahan ng buong bansa ang araw na ito. Kaya nga tinawag na Rizal Day. National o public holiday. Pula sa kalendaryo. Araw na kung saan sya ay naging ganap na isang bayani.

Maraming nagawang kabayanihan si Rizal. Pero hindi ko na yan babanggitin dito. Kaya kayong mga estudyante, huwag nyong hanapin dito sa blog ko ang isasagot sa assignment nyo. Mag-research kasi kayo, ayan at naka-online naman na kayo. Pero pakinggan nyo rin ang sasabihin ko…

Isa sa mga pinagkatandaan kong sinabi ni Rizal (bukod pa dun sa tungkol sa “wika” at “malansang biya”) ay yung:

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

Tutuo yun `di ba? … Pero bakit ganun? Antagal nang sinabi ni Rizal yan at paulit-ulit na ring namutawi sa mga labi ng mga guro…

Bakit hanggang ngayon tila wala pa ring kapag-a-pag-asa ang ating bayan?

Naisip ko marahil ito ang dahilan:

Hindi “kabataan” ang maraming may hawak sa liderato ng bayan. Mga matatanda na walang pinagkatandaan!

Ang iba namang dating kabataan, nagsi-tandaan nang hindi natutong “makialam” sa suliranin ng kanyang bayan. Yung iba naman, kandidatong maging salot ng lipunan. Lalo na’t kung ang malawak na kalye ang kanyang bahay — mga street children. Tulad nito:

Nasaan ang kanilang mga magulang? Maaaring sabihin nyong wala nang kapag-a-pag-asa ang mga batang tulad nila. Pero sa ganang akin, marami silang posibleng maibigay na kaginhawaan sa bayan kung tutulungan natin sila. Hindi yung kaiinisan, pandidirihan, katatakutan o kaaawaan (lang)… at lalo na — hindi pagsasamantalahan.

Yung iba, may marangyang buhay nga at napakalaking bahay na hindi mo naman matawag na tahanan.”

Kabataan, kabataan… paano ka magkakaisip at magkakamalay? Iya’y sa kung paano ka pinalaki ng iyong mga magulang. Ang PAMILYA pa rin ang humubog ng pag-iisip mo at pakiramdam. Pero kung napasama ang lagay mo, hindi pa huli ang lahat. May CHOICE ka pa para magbago at mapabuti ang buhay mo.

i-CLICK mo ito ▼ May gusto akong ipakilala…

Published in: on 30 December 2007 at 5:00 am  Comments (21)  
Tags: , , , , , , , , , , ,