b

Ayaw ko na ng aking binomial name.
Trillionaire na ako, aba!
Dra Ratepeke and 2 others like this.

Lether T ean, shufatid!
Japat B pa den. Pizzz!

Oe pano yun?
Alangan namang
Homo bilyunensis pa rin?

Ayaw mo kasi ng ‘batutensis’ —
baton din naman yun.

E kumbaboy?
Yir of di pig ngaun.

Baboy ka dyan?
Ikaw nga itong dugyot!

“Braggart,” I suggest.
Homo braggadocis.

Braggadocio = uber-sa-hangin.
Kung ang meekness eka ay power under control,
ang “braggarce” ay (self-) confidence out of control.

Happy Chinese new year!
Nakaisang ikot na tayo sa 12 years na gulong ng swerti.

Nakiki-holidey laang po.
Dehins me elibs sa wheel of fortune.

Published in: on 5 February 2019 at 12:00 pm  Comments (1)  
Tags:

labyurney

it s rainin cats n dogs..
Ba’t taya tanun?

Pag aso ang nag-aaway-away, tahimik na nanunuod lang mula sa bubong ng bahay ang mga pusa?

Tarantang nagtatago ang mga nasa ibaba.

Baka po kasi madamay kami.

Pag pusa ang nag-aaway, nagtatahulan ang mga aso na parang nanggagatong pa?

Masyado po kasi sila maiskandalo.

Tsk, late-posted ageyn!
Nakisabay na lang ako dine sa pets ni Wigwam.

Yang ‘labyurney’ naman. 🐁🐈🐕

Pages: 1 2

Published in: on 16 February 2018 at 12:00 pm  Comments (1)  
Tags: ,

tiktilaok


Pizzz!

Chinese year of the male chicken ○○○

Published in: on 28 January 2017 at 6:00 am  Leave a Comment  
Tags:

usgoy

( usapang unggoy )

Tigilan nyo na kapa-follow… eheste, kasusunod sa’kin, hane? Hindi tayo relatives!

HBH Wigolsan and 30 oders like this.

————————————————————————————————

Isip nga kayo ng bugtong o talinhaga
— yung may kinalaman sa unggoy.

click

Published in: on 8 February 2016 at 10:54 am  Leave a Comment  
Tags: , ,

uspet

( usapang pe-pe-te )

Pambihira! Akala ko “upset”…

———————————————————————————

I-pranaums YU nga‘to ng mabiles at paulit-ulet:

“Pitong puting tupa! Pitong puting tupa!”

Pitong puting tupa!

Pitong puting tuta!

Sablay!

Pitong puting tupa!

Pitong kuting pusa!

Ngiyaw?

Pitong puting tupa!

Pitong puting *tutuuuT!* ← (CLICK!)

Published in: on 19 February 2015 at 9:00 am  Leave a Comment  
Tags: , , ,

ustig

( usapang tigidig-tigidig! )

Detalye ng pikyur, hanapin dito. → toingks!

Umihi ang kabayo. Nakita yun ng isang bata…
Miya-miya, dumating ang kutsero galing sa pangunguha ng damo.

“Hindi po tatakbo ang kalesa nyo,” eka ng bata.

“Bakit mo nasabi, itoy?”

“Tumulo po kanina ang gasolina!”

————————————————————————————————

Bugtongs at salawikaings may ugnay sa KABAYO:
(click) ↓ Ipadyak mo dito Ω Ω kungusto mo ↓ (click)

Published in: on 31 January 2014 at 9:00 am  Comments (2)  
Tags: , , , , , , ,

tutang

“Et…! Et…!”
Napaunat ako sa pagkakadukdok sa aking dinodrowing. Sumilip ako sa jalousies, sa gawing likurang labas ng building. Sa isang munting punong nakausli sa gitna ng mga santan, nakapulupot ang berdeng-kureytur na ilang araw ko nang inaabangan.

Prag…ek!

Olrayt sa rhyming.

“Et…! Et…!” pagibik uli nung sagpang na banana-kokak.

Ibinuhos ko’ng lahat ng laman ng aking pasiking at hangos na binitbit ang sisidlan patungo sa main lobby, palabas sa front entrance. Nasalubong ko ang sikyong si Mang Tanting na akmang papasok para puntahan sana ako sa loob:

“Nandun uli!” eka sa akin.

Kasunod ko syang binaybay ang gilid ng gusali pabalik sa likod, pero tumigil sya prom a safe distans. 😆 Gamit ang fatigue kong field jacket, dinakma ko sa ulo ang AHAS. Ahehe, hindi ako napansin agad, kasi may palaka sa bunganga.

Sekun-half of 1987 pa ito (a month or two after the above ↑ pikyur), PhilRice Los Baños. Kakaunti pa lang kami nuon, at nagkataong wala ang aming big bosses. Sari-sari ang naging reaksyon ng aking mga kaopisina:

“Ang galing naman!” 😀 … “Kadiri ka!” 😕 … “That’s dangerous.” 😐 …
Yung isa, tinawag pa akong “Zuma”. 😆

[ Zuma — lumang karakter sa komiks, kalbong Aztec na may 2-headed sawang nakadikit sa batok.
Hindi pa kilala nuon ang nagdyodyolens na palakang pyuter games ngayon.]

Bago umuwi ng Calamba, ipinagbilin ko muna kay Mang Tanting ang pasiking kung saan naroon ang ahas. Walang pasok kinabukasan, kaya gumawa ako sa bahay ng rush na kulungan. Hindi ko na maalala kung gaano ko katagal ginawa ang serpentarium (which means, ganuon din ang itinagal ng ahas sa loob ng pasiking) basta’t ang natatandaan ko’y wala ring pasok nung dinala ko sa opisina ang natapos na kulungan (extended holidays siguro?) … Sumisingasing pa ang ahas nung inilipat ko.

Hindi ito ang aking una’t huling isnek-hunting,
naibida ko lang… O, hindi ba tu-ten ngayon? February 10 — Chinese year of the SNAKE.

————————————————————————————————

Por mor isneyk-storis, punta ka na lang sa page 2

— in case na di mo pa rin ma-gets ang “tutang” na taytol ko.

mor tutangs ( sa PAGE 2 )

Pages: 1 2

Published in: on 10 February 2013 at 6:45 pm  Leave a Comment  
Tags:

buga

[ krokodile tears ]

*pugak!* *pugak!* *pugak!*

Gardamet!

Naunahan LANG ako!

Naku ha?

Akala ko pa naman astig ka!

!?

Ampanget mo pala umiyak!?

Syarap, yu fagut!

Ayul qill yu!

Ekk!!!

Bogang bungo!

*pugak!* *pugak!* *pugak!*

————————————————————————————————

Napapansin nyo siguro sa foreign movies, lalo na kung syinuting sa lugar na may snow — kahit hindi naninigarilyo, bumubuga ng ismok yung mga karakter pag nagsasalita… Misty breath ba’ng term duon? Simpli fog lang din o ‘usok’ ang tawag ko dun — at kahit dito sa atin, umakyat ka lang ng mataas pa sa ulap e bubuga ka na rin ng ganuon…

Bugabulary of terms:

fog = a dense mass of water droplets suspended in the air.

Sauns-alayks:

fag = sigarilyo ; siyoke (faggot)

fug = mausok o nakasusulasok na lugar o kalagayan

pug = lahi ng aso ; uber-bulinggit na fusil

pugak = kalbo? or makinang naghihingalo? (“pupugak-pugak”)

pugon = furnace in english

Pinakamalamig nitong mga unang araw high-up inda mawntens, at uber-lakas ang hangin in da entire Pelepens…

Di mo na-gets? 😕 Eto ule, me bakgraun-MUSIK na clue… Boo-gaaaah!!!

————————

Drag-on. 😆

Ang nag-iisang mythical kureityur sa Chinese zodiac.

————————————————————————————————

!?

Hmm…

[ CLICK to display → all “Chinese new year” post entries ]

bæstfoks ( PAGE 2 )

Pages: 1 2

Published in: on 23 January 2012 at 8:00 am  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , ,

wabeyt

In the wilds — CLICK yu para malaman kung ano.

Hindi stuffed toy, peksman — nasyatan ko nang malabo bago nakaalis… Maswerte sya’t walang askal o pusang-gala dyan sa kanila.

————————————————————————————————

Ibang istorya ito… (pedeng laktawan) ↓

Nung internship ko sa kolehiyo, isang instructional module ang ginawa namin tungkol sa “Tropical Rabbit Production.” Ang rabbit kasi ay hindi lang pets — may mga breeds ding pwede nating paramihin at ‘alagaan’ na tulad ng baboy o manok (pag wala na tayong makaen).

May ginawa kaming soundslide set na ibinigay namin sa UPLB Animal Science professor na nag-sponsor sa aming project. Yung script at storyboard nito, naitabi ko, kasama ang draft ng isang “How to” manual (ginawa ko rin) na tumatalakay sa iba’t-ibang breeds ng kuneho; pag-aalaga, pagpapalahi at pagpaparami; tamang disenyo ng kulungan for mass production; at mga produktong galing dito tulad ng karne at balahibo. Kahit paa (rabbit foot) pwedeng patuyuin at gawing key chain para daw bumalik ang swerti. [Sa kasamaang palad, naisama ang script, storyboard at manual sa mga nai-disposed ko bago kami umalis sa dating tinitirhan.]

————————————————————————————————

Baktrak of related posts:

2008 Feb 07: Unang Chinese New Year ng Hamster-Blog na ito — Year of the RAT

2009 Jan 26: Tsinoy-Sodyak daw ni homebodyhubby — OX

2010 Feb 14: Pag-exit ng toro, sya namang entri ng tegri o malaking PUSA

And now, sa paglisan ng huling(?) Daga, sya namang aribal ng isa pang mukhang daga: da WABEYT nga.

Wala me plano mag-alaga ng rabbit — naalala lang.

Bilib ako sa tradisyong ito bilang isang anyo ng sining at kulturang pang-Silangan (naks!); Kung sa ispiwitwal o uber-natural tone, ay talgang wala na kong kaa-lam—a-lam.

[ Rabbits were formerly rodents until 1912. They now belong to Order Lagomorpha.]

————————————————————————————————

Istori 2

Pages: 1 2

Published in: on 3 February 2011 at 9:18 am  Comments (1)  
Tags:

TwO-in-a-ROw

Apo 1: Ang galing ng lolo ko — 100 years old na, kaya pang gatasan ang

napakaraming baka… nakaka-20 Gallons!

Apo 2: Mas magaling ang lolo ko — 100 years old din, nakakapanggatas pa…

DALAWANG TASA!

Apo 1: Dalawang tasa lang!? Paanong naging mas magaling yun?

Apo 2: Toro ang ginagatasan nya!

Um, loko! Pa-EXIT na nga ako e, nang-aatat pa KA.

Hangkulet… “Twice in a row”

Page 2 — seryus na. 😆

Ow?

Pages: 1 2

Published in: on 14 February 2010 at 12:00 am  Comments (3)  
Tags: , ,

“toro”

Sa year of the ox,

“Gudbay mga daga” (?)

Sadyang napakabilis ng buhay ng mga hamsterdaga. Maging ang year of the rat — napaiksi din yata: 354 days! (2008 Feb 7 — 2009 Jan 25)

————————————————————————————————

A RUNDOWN: Mabilisan tau ha? ▼ click

Ayyy, dagaaaa!!!

Naalala ko lang yung isang bigotilyo, balbas-sarado at malaki at balbuning mama na bisita dito nuon. May rat-hunting campaign kami sa experimental field ng PhilRice. Nung ni-flame-thrower yung lungga para maglabasan ang mga daga, may napadaang isa sa may paanan nya, napasigaw ng:

Ayyy, dagwaaaa!!!”

Hindi naman bading, may phobia lang daw siya sa daga… Naalala ko din tuloy yung malaking negrong mama sa sineng napanood ko — The Green Mile. “Weird?” … Yes, another fictional character — maybe too good to be true … Heniwey.

Ilan kaya sa mga dagang ito ang kilala nyo? Tiyak, mas marami kayong kilala, mas matanda na kayo. (Balistad yata? Dapat pag bata ka nga, mas marami kang alam na kartuns!)

Daga 1Daga 2

Daga 3Daga 4

Daga 5Daga 6

Daga 7Daga 8

Sige… hulaan nyo nga? Yung sagot, nasa dulong baba uli mamaya — sasabihin sa inyo nung isang PINOY na nagprisintang maging assistant ko dito. Mamayaaaa!

February 7 ngayon, wala ba kayong nalilimutan?

“Bakit? what’s so special today?” eka nyo siguro.

“Kung hay fat choy!”

“Ano kamo? Lalo ko yatang hindi naintindihan!”

“Kung matangkad at mataba lang ang misis ko (Kung height fat Choi) —

siguro ander ako!” (joke lang) 😆

Hindi naman ganun kalaki si misis ano? Chubby lang… at saka pabago-bago din. Kaya nga ang bati ko minsan sa kanya —

“Ang taba mo yata ngayong araw na ito?” O kaya “Ang seksi mo ngayon a?” — sabay kindat. 😉

“Korni mo Robert! … ano ngaaaa???”

Okey, okey… Kung hay fat choy!” — meaning, “May you prosper!” This year, today — February 7, is the start of the Chinese New Year.

Pak intsik, siyempule huwak mo kalimot ang mulami swelte. Di ba ang isang common expression ng “May you prosper!” ay “Good luck!”

TULOY or NOT tuloy? anHABA pa ito! CLICK MO DITO