y-u!

( whay yu…!? )

Aywan ko kung aayon kayo (kung ayaw yo ay di wag yo)
na higit sa lahat, ang dapat na hindi nyo malimutan pag BIRTHDAY nyo ay ang nanay nyo.

Obvious lang dahil nung isinilang ka,

ang leading performers ay ikaw at ang nanay mo.

yoÜr mother

yoÜ (da bebe)

Opkurs der ar oder importan pipols inda bakgraun: click mo ↓ dito

Pages: 1 2

Published in: on 3 February 2014 at 11:00 pm  Comments (3)  
Tags: , , , , , ,

ganggam

Eka nung isang bata: “Bakit ang langgam, hindi natutulog?”

Akala ko gangnam.

Langgam pala!

Totoo kayang DI natutulog ang Ants? 🙄

Sinipat ko: Wala nga akong makitang nakapikit sa kanila; at mapa-araw o mapa-gabi, walang-tigil ang flow ng kanilang trapik sa wall ng aming bahay.

Sila-sila din kaya yan, amo?

Magkakamuka kasi mga goyams.

Sapul pagkabata, nahubog na yata akong parang langgam — hindi ang araw-at-gabing pagpupuyat nila, kundi yung apparent ‘restlessness’ — not only tu work but also to save porda pyotyor. Kung hindi ka elibs sa sinasabi ng Bible, siguro naman narinig mo na ang Pinoy-istori ng Langgam at Tipaklong?

Kung yang si Langgam ay seryosong nag-iipon, itong si Tipaklong ay masayang naglilibang sa buong maghapon. Patalon-talon at pakain-kain ang tipaklong, di tulad ng langgam na bukod sa kumakain ay may imbakan ng fud for da wet season… Porsyur, ‘natutulog’ ang tipaklong. May nakita ka na bang Grasshoppers na pa-hop-hop from one grass to another sa gabi? HOP ↓ yu ↓ d2 ↓

Pages: 1 2

Published in: on 3 February 2013 at 6:41 pm  Comments (1)  
Tags: , , , ,

hombadi

HB! sa nagturo sa akin para di maging lagalag. [ Image source → HERE ]

Antagal na nung aking page na about the author — i-refresh ko nga dito ang ibig sabihin ng username ko…

Homebody, as defined in the free online dictionary:

= One whose interests center on the home

= A person whose life and interests are centred on the home

Hmm 🙄 pwedi na rin, lalo na’t dito sa bahay ako nagpu-put-tong—put-tong! — kahit anong take-home jobs, akshuli…

————————————————————————————————

Mas komportable kasi akong naka-pambahay lang (hindi nakabihis) pag nagtatrabaho. Pag inantok, pedeng magkape (kahit hindi coffee-break) o umidlip konti (kahit hindi noon-break); pag sinipag o inda-mood, ubrang umarangkada ule (kahit lagpas na ‘normal’ working-hours). Diskarte ko na kung tatamarin ako (wala akong kikitain) or io-overworked at aabusuhin ang sarili ko (ahehe 😆 baka mamatay ako)… Disiplina lang, dahil eder-wey na sumobra e kami rin ng misis ko ang magdurusa.

May agarang-balik (+ or -) ang bawat desisyon at kilos pag self-employed… Sa rewards or penalties, halimbawa — para ka na ring nagtatrabaho sa isang pribadong amo, big or ismol-taym business man ito ← → hindi paris sa ilang NON-private agencies na syur na ang piktin-tarting tekhom-pay kahit walang (katuturan ang) ginagawa.

————————————————————————————————

Sabi pa ng thesaurus sa diksyu:

= a person who seldom goes anywhere;

one not given to wandering & travel

synonyms, related words = stay-at-home;

= adult, grownup — a fully developed person from maturity onward

(o ha?)

Medyo sumablay lang re wandering & travel, dahil ako’y isang taong-gala — lalo na ngayon na wala pa ulit akong hamster na alaga… Adult? Grownup? Pikti na nga o! (“Isip-matanda, ugaling-bata.”) 😆

Home” … paano ba idine-define yan? … Superdami meaning, nandito kung tayps nyo isa-isahin → thefreedictionary.com/home

Kung sakin lang, bukod sa 4th floor na tempo-residens namin sa kapatagan, eto ULE ang ibang “homes” na kini-claim ko as our own:

1.Haybolsite, ang aking “loteng harangan” 😆

kung sa’n naron ang aming munting balai-balaian. →

2.Pelepens, ang ating “Lupang Hinirang”…

Dito ako isinilang, at kung saka-sakali, dito na rin maililibing.

3.Timog-Silangang Asya, narito ang “Perlas ng Silangan”

(at mga bagyong hindi mapipigilan).

4.Mother Earth, our one-&-only planet of the apes.

5.Ang mga Mansyon na pangako ni Bosing.

————————————————————————————

HOME IS WHERE YOUR HEART IS.

————————————————————————————

busybody ( PAGE 2 )

badhubby ( PAGE 3 )

Pages: 1 2 3

Published in: on 3 February 2012 at 7:00 am  Comments (1)  
Tags: , , , , , , ,

♫♪♪-2-ü—☺

😆 more ?

Published in: on 3 February 2010 at 11:18 pm  Comments (3)  
Tags:

Wanistunayn

“Blog-GADA”

Natatandaan nyo ba yung impromp-10 tag sa akin ni virtual inaanak? Sabi ko duon:

“Hmm… may magnanasa pa kayang masampulan ng tag na ito?

“Hindi nga? Di ba ilang beses nang naulit ang ganitong klase ng listahan ng tungkol sa sarili, iba-iba lang ang bilang? Empre, mas exciting pa rin yung may multiple choice, guide questions, o konting LARO… Pag simpleng listahan lang kasi paris nito, ‘ala na syang gaanong thrill…”

Kaya kung pano natin nilagyan ng konting “thriller” (pikyur ko) 😆 ang tag na iyun, gimikan natin uli itong ngayon.

Ni-tag kasi ako — about oneself uli, at sampu na naman. Medyo naiba naman ang tag ngayon ni bunso, pero para mas lalong unique, baligtarin natin, hane? Hanyo na kung hindi nyo ma-gets ang post title* …basta eto’ng sagot sa tag:

Published in: on 3 February 2009 at 10:00 pm  Comments (8)  
Tags: ,

A “Choi”ful heart

Grade 2. Mahiyain ang bata nuong una. Makikita sa litrato na pinagkakaguluhan ang dalang laruan nya — parts ng house na yari sa karton. Hindi naman daw kamahalan paris nung sa mga kaklase nya, pero “naiiba”.

————————————————————————————————

Hindi matanaw ang araw nung magising ako kaninang umaga.

Hindi talaga makulimlim… Nakasisilaw nga ang liwanag maski walang makitang araw. Diffused o kalat kasi ang liwanag — isinasabog ng mga nakakulumbong na mga ulap. Sa photography, ito yung lighting condition na “cloudy bright” — wala kang makitang anino maski sobrang maliwanag. Ang ganitong klaseng liwanag ang parating nagpapasakit sa ulo ko.

Nawalan pa ng kuryente. Okey lang dahil wala akong planong mag-computer; kaya lang, mainit dahil hindi rin magamit ang electric fan.

Pagdating ni misis galing sa morning worship service sa church, nag-stay na lang kami sa bahay. Nag-amoy curry powder ang loob ng buong bahay dahil nagluto sya ng chicken curry. Sabi ko nga sa inyo, isang wall lang ng rented space namin ang may bintana — that one facing west, kaya hindi well-ventilated, kasi hindi lusut-lusutan ang hangin. Yung luto ni misis, hindi din nagalaw agad dahil nakatulog kaming hindi na nakapagpananghalian. Nagising kami, mag-aalas tres na.

Birthday ni Choi ngayon, February 3. Maski burdened pa rin ang heart ko, at tamad na tamad pa ring mag-blog, hindi ako papayag na hindi mai-post ito.

————————————————————————————————

Ang isang trait ng misis ko na nagustuhan ko sa kanya — na minsan ay ikinababahala din, ay ang kanyang pagiging malapit at walang-malisyang pagtitiwala sa tao… May naibida sya nuon sa akin tungkol sa isang experience nya nung six years old pa lang sya.

Naglalaro siya nuon kasama ang apat pang bata malapit sa “Learn and Play School” sa may kanto ng Sct Gandia sa Kamuning. May tumawag sa kanila na isang lalaking nakasakay sa kotse at nagtanong sa kanila ng —

Saan ba may ospital dito?

Lumapit sila sa bumukas na bintana ng kotse at nasilip duon ang ginagawang “paglalaro” ng lalaking ito sa sariling ari na sa pagkaka-described ng misis ko ay “pulang-pula” na. Mga inosente palibhasa, ang mga bata, nakipag-usap pa. Buti na lang at may lumapit na kakilala silang batang lalaki na nasa sampung taong gulang at sinabihan sila ng —

Takbo na, ________ yan!

Hindi na natandaan ni misis yung term na ginamit — pero exhibitionist ang ibig sabihin.

Gaano kaligtas kaya ang mga bata sa mga halimaw sa likod ng matinong mukha ng mga taong paris nito? This event, if not timely prevented, could have led to child molestation and rape. Kaya nga minsan nakakakaba din yung mga taong maski na sabihin nilang may pinag-aralan sila, lustful naman ang mga pag-iisip lalo na kung ibinubuyo ng mga readily available na smut sa mga bangketa. Even the ‘safest’ sex magazines, if they fall on the “wrong hands” of even the most apparently “educated” person. Maraming mga paris nito — titulado nga, sociopath at manyakis naman pala. Mga nasa loob ang kulo.

Sabagay hindi ko problema ito — wala naman akong anak, lalo na anak na batang babae. Sana lang walang masamang nangyari sa batang si Angel na nawawala simula pa nung Dec 29. 😦

CLICK to read more…

Si Outgoingwifey ni Homebodyhubby

Matagal ko nang hinihintay na may mag-TAG sa akin nito. Naiinip na ako kaya kahit wala pa, ni-TAG ko na ang sarili ko… 😛 Pasensya na po kayo — sana huwag nyo isipin na rude o conceited ako.

This tag is simple. If you feel comfortable and your better half does too, you can post a picture of her in your blog (but if not, a description will do). It may be a baby picture, anything that you like with the following:

1. First name: if she doesn’t like her name plastered all over the internet, a pet name will do.

2. How and where did you meet?

3. Characteristics.

4. Your plans 20 to 30 years from now.

Dyaraaaaaaaaaaaaaaaaan…!!!

Hubby & Wife with ‘kids’

O ayan ang pikyur… Sinamahan ko na sya kasi kung pwede lang maski sa pikyur gusto ko parati kaming magkasama. At alam nyo naman si ako, pag na-TAG parating may “BONUS” pa, hehe. Kasama po namin ang aming mga anak — ang aming LITTER na kambal ding paris nina Wigwam at Teepee. 😆

Jokes lang po… Gusto ko lang ipakita ang itsura ng magiging anak NAMIN kung sakaling kami’y biyayaan pa ng Panginoon ng supling. Ako po yung lalaki, si misis naman po yung babae — nuong limang taong gulang pa lang kami.

“Nagkita na pala kayo nung 5-years old pa lang kayo?” — `eka nyo siguro.

Hehe, parang ganun na nga… Kasi personally, I do believe na sapul pa nung pareho kaming ipinagbubuntis sa sinapupunan — AKO sa tiyan ng byenan nya, SYA sa tiyan ng byenan ko — ay nasa plano na ng Panginoon na kami ang magiging mag-asawa.

Napeke ko po ba kayo sa litrato? …soweee.

CLICK mo dito para sa Family tag ko sa sarili ko!