Two fathers

Daddy” – when I was 1 year and 8 months old; “Tatay” (in plain white T-shirt) – almost 10 years before his wife gave birth to my future girlfriend.

Naibida ko na ang Dad ko DITO nuon, di ba?

Ang Tatay naman, hindi ko na rin nakita nang personal dahil magsasampung taon na syang namayapa nuon pa mang bago ko maging girffriend si misis.

Tubong Gubat, Sorsogon; independent – ‘sinundo’ ang kabiyak (Tubong Atimonan, Quezon) mula sa pagiging katulong ng mga Morato sa Quezon City nuon. May ala-Cinderella story sila ng byenan kong babae 😛 …pero para hindi na masyadong humaba ang post na ito, sa August sa birthday ng mother-in-law ko na lang ikukwento.

Medyo underheight ang tatay ni misis, at dito sya nagmana, hindi sa nanay nyang pulos overheight naman ang lahing pinanggalingan. 😛 Pero ma-PR, at isa rin ito sa mga ‘naipasa’ ng tatay nya sa kanya.

Ayon sa mga kwento ng waswit ko, isang masipag na ama ang Tatay, nagsikap buhayin at papag-aralin ang mga anak sa pamamagitan ng pag-aalaga ng baboy – katulong ang kabiyak at ang ilan sa kanilang mga panganay. Nung gawin ang kulungan ng baboy, si misis na elementary pa lang nuon ang nagbubuhat ng hollow block (buti hindi nabagsakan ang paa) at nagpiprisintang taga-halo ng semento. Nung highschool, katu-katulong naman sa pagbubuhat ng dram-dram na kaning-baboy na kinukulekta nila mula sa Quiapo. Naging “Tatay’s girl” tuloy si misis.

Isang pagkakataon, nung nasa college na si misis, medyo kinabahan ang mga kaklase niya dahil may napansin silang isang lalaking nakasakay sa taksi ang nakatingin sa kanya. Nung lingunin ni misis ang tinutukoy, napangiti na lang sya.

“Tatay ko yun. Sinusundo na ako.”

Sa gabi, nagta-taxi driver ang Tatay; mahigit tatlong ulit na rin itong naholdap.

Isang kaso, kinuha ang kanyang relo at kinita sa pagpapasada. Matapos syang masugatan sa itinutok na balisong, palihim na sinundan ang holdaper sa inuuwian nito. Nung matiyak ang lugar, iniwan saglit… pagbalik may kasama nang dalawang parak. Nakaharap ang salarin. E di paano? Nakatikim sya ng mala-FPJ na de rapido mula sa ‘byenan ko’! 😆

October 1979, napansin ng 11-year-old pa lang nuon na kanyang bunsong daughter ang kakaibang itsura niya sa walang-tinag na pagkakasandal sa sofa. Cardiac arrest… Hindi nila alam kung gaano katagal na sya sa ganuong estado, but my wife and a neighbor tried to revive him. Si misis lang ang kapamilyang nagbuhat kasama ang kapitbahay na iyon para dalhin sya sa ospital. Declared dead on arrival.

Mula sa aking pagkabata, ‘solved’ naman ako sa pagkakaroon ng isang ama, kahit pa medyo ‘bitin’ nga lang dahil maagang namayapa ang dad ko.

Sa aking buhay-may asawa, yung pagkakaroon ng ‘pangalawang tatay’ sa katauhan ng isang hindi ko kaanu-ano ang talagang hindi ko na naranasan… Sa isang mister, gaano ba ‘ka-exciting’ o kakaba-kaba ang magkaruon ka ng isang father-in-law? Yung tutuo ha? – hindi yung father-out-law o byenang hilaw lang. 😛

Published in: on 15 June 2008 at 8:00 am  Comments (6)  
Tags: , , , ,

Sori anak… (Part 1)

( Bible Week series #2—1 )

Sequel po ito nung naunang post ko Relasyon, the second time around (January 21). May kaugnayan nga lang sa buhay ko.

Erasmus (left)… Monching, with his kid brother Bobby (right), a few years after the liberation of Manila from the Japanese.

Ang nasa kaliwa ay ang nag-iisang picture ng lolo ko. Ni anino nya, maski minsan ay hindi ko nakita. Nakaugalian naming magkakapatid na lalaki na tawagin sya sa pangalang Erasmus.

Ang litratong nasa gawing kanan naman ay sa dalawang anak nyang lalaki — tatay ko yung mas malaki.

Hindi ko isinasalaysay ito para mag-sentimiyento lang. Nung matapos kong isulat ito, medyo nagdadalawang-isip ako kung ipa-publish ko o ipa-private na lang para sa mga pamangkin ko. Baka kasi isipin ng iba, ipinangalandakan ko na ang buhay namin. Pero naisip ko, hindi… sayang ang oportunidad ng pagpapatotoo.

Tutal matagal nang nangyari ito at mababaon din sa limot. Pero umaasa ako na kung may makuha mang aral ang sinumang makababasa nito, ang aral na iyon ang hindi malimutan. Let the living like us learn from the dead like them. Mangyari sanang ang mga yumao na ang magturo sa mga taong ngayon pa lang ‘nagsisimulang’ mabuhay.

Ours is a story of struggle and survival. This is MY PERSONAL testimony… And my hands will always be pointing upward to God for what he has been doing.

CLICK nyo kung gusto nyong magbasa ng blogonobelang drama…

Published in: on 25 January 2008 at 12:00 am  Comments (24)  
Tags: , , ,