•
Sa patag home, nakaharap ang bintana sa kanluran.
4th floor, 12/22/2012, pasado alas-nuwebe ng gabi: Napamulat ang aantok-antok kong mata nung sumilip ako sa bintana. 😯 May nakita akong “UFOs”. Tinawag ko si misis para ipakita sa kanya ang spectacular sight.
May peryahan kasi sa likod namin tuwing buwan ng Disyembre, at nagkataong mababa ang ulap nung gabing iyon… Parang faint spotlights na tumatalbog sa ‘langit’ ang mga ilaw mula sa umiikot na mga rides. Sinubukan kong kunan ng celfoncam, pero dahil madilim e walang lumitaw.
Magtutok ka ng dalawa o tatlong lowbatt na flashlights sa kisame ng bahay mo (naka-off ang houselights), taz paikut-ikutin mo — ganun ang hitsura… Mas maganda pa itong nakita namin, dahil parang nasa loob o ibabaw ng translucent clouds ang mga liwanag na tila naghahabulan.
————————————————————————————————
Since September 2012, ibinalik na namin ang kama sa dati nitong pwesto — malapit sa bintana. Kitang-kita ang mga bituin sa gabi kahit kami’y nakahiga; at kapag may buwan (Awooooooo!), para kaming naliligo sa moonlight habang natutulog. 😯 [ Fly me to the moon, and let the moon fly over me… ♫ ]
————————————————————————————————
Ito ang ilan pa sa mga di-sinasadyang nakita namin last month (Dec 2012):
*
Dec 07. Nagising ako ng madaling araw, sunod-sunod ang nakita kong ‘falling stars’. Kinunsulta ko ang aking old research notes… Tama ang hinala ko: periodic (annual) meteors showers — Geminids: Dec 7-15, extreme limits • Dec 14, maximum • shower strength, strong.
*
Dec 23. Kinahatinggabihan ng ↑ UFO sightings 😆 — nagising naman si misis at “parang anlapit daw ng tala at mga bituin” eka sa akin. “Klaro,” ang ibig nyang sabihin, dahil wala naman nang ilalapit pa ang stars & planets… Then, naalimpungatan sya around 5:00 am dahil wala na raw syang makita kahit isa na parang lahat e nabura! 🙄 Bumalik kasi yung mga ulap (nalimutan nilang magpaulan), taz umambon.
*
Dec 24. Dalawang magkasunod na jetliner ang napansin kong dumaan sa dakong kalayuan. Southward bound, wala pang 5 minutes ang pagitan. Kung napagtripan kong magbilang ng eroplano, hindi lang siguro sampu ang dumaan dito — domestic or international flights. Krismas bisperas, derpor holideyras.
Btw: Gayt ang post ko last new old year; This new year, “wayndo” naman.
————————————————————————————————

Sa hayland home, nakaharap ang bintana sa silangan. Ang tanawing yan sa bandang kalayuan ay kinunan ko mula sa window ng aming ismol bahay-bahayan.
————————————————————————————————
Like all my December 2012 posts, auto-published ang entryng ito (walang ganitong feature ang fb): Sinulat ko at ipinost bago kami umakyat nung Dec 30, pero lalabas as scheduled on 01 Jan 2013.
Nangako ako kina neybor na duon kami magnu-new year.
Wala akong time mag-internet pag nasa bundok.
Saka na ang hayland kronikol, pagbaba ko… Maligayang pagbubukas ng taon sa inyong lahat!
Hayland kronikol ( PAGE 2 )
Pages: 1 2